Dahil ba sa wala silang pananampalataya sa Diyos?
Dahil sa mababang standard ng morality? Yan ang dahilan ng mga pulis ngayon kung bakit daw tumataas ang crime rate sa Pilipinas.
Hindi ba nakakatuwang isipin na ang upang masolusyonan ang mga patayan, nakawan at holdapan sa daan ay ang magturo ng mabuting asal sa bawat Pilipino?
Sa tingin ba ng mga pulis, ang mga kawatan na ito ay gumagawa ng krimen dahil sa likas sa kanila na maging masamang tao? Na pinanganak sila sa mundo at alam na nila na gagawa sila ng kasamaan sa mundo? Na hindi nila alam ang tama sa mali?
Oo, siguro nga ito ang mga dahilan at hindi ang kanilang kumakalam na sikmura. Ginusto nila iyon eh. Ang mga holdaper, snatcher, kidnapper nung bata pa lang sila, yun na ang pangarap nila. Ang mga prostitute sa daan, bata pa lang malandi na sila. Yun nga siguro ang dahilan at hindi ang hirap ng buhay nila.
Madaling sabihin na dahil sa likas na kasamaan ng isang tao kaya ito nakagawa ng krimen ngunit mahirap harapin ang tunay na problema at ungkatin ang mga dahilan kung bakit niya ito nagawa.
Kung gusto niyo mabawasan ang krimen sa bansa, pataasin niyo ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan bago niyo sila turuan ng tamang paraan ng pamumuhay.
Noong unang panahon, naghanap muna ng pagkain ang mga ninuno natin bago nila naisipang gumawa ng pamayanan at sumunod sa mga batas. Basic needs first.
Nasubukan mo na bang mag-aral ng gutom? Mahirap, hindi ba? Para mas simple, ito na lang ang tandaan mo:
Mahirap magturo ng moralidad sa mga taong kumakalam ang sikmura.
Mula dito ang larawan.
Saturday, March 31, 2012
Friday, March 30, 2012
Diktadurya sa Paaralan?
Note: Walang kinalaman ang larawan na ito sa balita
Habang nag-aagahan ay napanood ko ang balita tungkol sa pagpanig ng korte sa isang highschool student na hindi pinayagan ng kanyang paaralan na grumaduate dahil sa mga pictures na nakita sa Facebook niya na nakabikini, may hawak na sigarilyo at bote ng alak.
Iniutos ng korte na payagang umattend ng graduation ceremony ang estudyante. Habang wala namang komento ang skwelahan tungkol dito. Basahin ang buong balita dito.
Madalas tuwing umaga ay nagmamadali ako. Ngunit kanina dahil kasabay kong nanood ang nanay ko ng balita ay medyo napatagal ako. Sinabi ng nanay ko na kasalanan naman nung babae pero ang sabi ko, dapat alam ng school niya kung hanggang saan lang ang pwede nilang gawing panghihimasok sa buhay ng estudyante nila.
Kung ang dahilan nila ay immoral ang ginawa ng mga babae, hindi ba immoral din ang tawagin ng kung ano-anong pangalan ang babae, *like, slut, drunkkard etc*. Sasabihin ko sanang mali ang ginawa nung babae na yun, pero sino ba ako para magsabi nun? Hindi ako ipokrita, hindi ako malinis para husgahan siya.
Sana yung mga taong nanghuhusga sa kanya ay kasing linis ng puting papel para matawag nila ito ng ganon.
Kung ang dahilan naman nila ay dahil sa ikasisira ito ng paaralan nila, sa paanong paraan? Hindi ba mas nakakasira sa paaralan nila ang nangyaring eskandalo dahil sa hindi sila marunong "magpatawad" at magbigay ng isa pang pagkakataon?
Sana maintindihan ng mga paaralan na ang kanilang mga estudyante ay may sari-sariling desisyon. Noong highschool ako, ang tanging paalala lang ng aming directress ay magpalit kami ng damit at wag gumawa ng kung ano-ano habang kami ay nakauniform. Siguro nga iniisip ng iba na kapabayaan ito... pero nagpapasalamat ako dahil ganon ang naranasan ko.
Bakit? Dahil alam ng paaralan namin kung hanggang saan lang ang sakop ng kapangyarihan nila sa amin. Hindi sila ipokrita, hinarap nila ang katotohanan na hindi naman talaga sila makakapagdesisyon para sa amin. Ginabayan nila kami, ngunit hindi nila pinaramdam na wala kaming kalayaan. Hindi ba ganon naman talaga dapat ang paaralan?
Mula dito ang larawan.
Categories
Isyu Ngayon
Subscribe to:
Posts (Atom)