Thursday, September 15, 2011
Bida at Kontrabida: Ano ka ba talaga?
Hindi kasalanan ng iba kung mas maganda sila sa iyo.
Maligo ka kasi.
Hindi kasalanan ng iba na mas matalino sila sa iyo.
Mag-aral ka kasi.
Hindi kasalanan ng iba kung mas magaling sila sa iyo.
Mag-isip ka kasi.
Ugali na nating lahat na pintasan, laitin o kainisan ang mga tao na hindi natin katulad.
Kapag mas maldita siya, maiinis ka dahil masama siya. Kung mas mabait naman siya, pakiramdam mo nakikipagplastikan lang siya. Andyan pa yung mga birit na, "Kung ako kasi yun..." Yun na nga eh... HINDI KA KASI YUN, KAYA MANAHIMIK KA.
Hindi porket na mas magaling siya sa iyo at sinasabi niya sa iyo kung ano ang tama, e nagmamagaling o nagyayabang na siya. E sa bobo ka't hindi mo naisip yun, masama na bang itama yung ginagawa mo?
Minsan pride na lang natin ang pumipigil sa atin na tanggapin na may mas tama sa atin, na meron pa palang mas "okay" sa atin. Mas lalong mahirap tanggapin na yung taong mas higit pala sa atin ay yung taong inisip nating mas mababa sa atin. Yung empleyado natin, nakababatang kapatid, tambay sa kalye.
Hindi natin matanggap dahil para sa atin, tayo ang bida. Tayo naman talaga ang bida ng sarili nating istorya... pero minsan sa sobrang gusto nating maging bida, hindi natin namamalayan na nagiging kontrabida na pala tayo sa buhay ng iba.
Mula dito ang larawan.
Categories
Inidoro
Wednesday, September 14, 2011
Paano Ba Mag-Isip ang Babae?
Maraming nagsasabi na nakakalito daw ang mga babae. Hindi ito totoo.
Oo, minsan impulsive at pabigla-biglang magdesisyon ang mga babae. Minsan din pabago-bago ng isip at minsan taliwas sa gusto ang sinasabi... ngunit hindi ba lahat naman tayo ganun? Lalaki o babae may mga pagkakataon naman talagang ganoon?
Ang tunay na dapat sisihin sa pagkalito ng mga lalaki sa mga babae ay ang maling representasyon ng mga kilos nila na binabahagi ng lalaki sa kapwa lalaki. Para hindi na kayo malito,basahin niyo ang mga sumusunod. Hindi ito galing sa kabarkada mo, kuya mo, tatay mo o kung sino mang lalaking nagmamagaling at nagsasabing kilalang kilala na nila ang mga babae... galing ito sa isa mismong babae.
Hindi ko sinasabing lahat ito ay totoo, meron kasing mga pagkakataong yung babaeng iyon ay "kakaiba". Sila ang exemption to the rule. Pero sa nakararami, eto ang totoo. Ililista ko ang mga maling detalyeng inaakala mong tama tungkol sa mga babae.
#1
Hindi totoong ang "ultimate dream" namin ay ang makahanap ng taong magmamahal sa amin. Marami kaming ultimate dreams, isa dito ang magkaroon ng libo-libong sapatos, damit at make-up. Pati na rin ang makain ang lahat ng masasarap na pagkain sa buong mundo ng hindi kami tumataba.
#2
Hindi totoong mahirap kaming intindihin. Masyado ka lang literal mag-isip. At hindi ito nakakatulong dahil karamihan sa amin ay sarcastic. Sa totoo lang, *at maraming magdedeny nito* karamihan ng mga sinasabi namin hindi talaga yun ang gusto namin. Kapag sinabi naming "Sige, mambabae ka lang wag kang magpapahuli sakin." HINDI ibig sabihin nun na OKAY LANG MAMBABAE.
#3
Kapag kami nagmahal, binibigay namin LAHAT as in LAHAT LAHAT. Ultimo pera namin binibigay namin... Oo, para din kaming bakla.
#4
Taliwas sa inaakala pero mas magaling magsinungaling ang mga babae kesa sa lalaki. Mas magaling kaming magtago ng sikreto.... basta tungkol ito sa amin.
#5
Hindi talaga namin hobby mang-away.... maniwala ka man o hindi. Pero mahirap lang talaga para sa amin na hindi pansinin ang mga bagay na paulit-ulit na ginagawa.
#6
Gusto naming nagseselos ka, pero ayaw naming pinagseselos mo kami. Hindi talaga nakakatuwa kapag nakikipagtext ka pa sa ex mo. Kahit ano pang maayos na dahilan, hindi siya nakakatuwa. Madali namang intindihin yun di ba?
#7
Hindi namin naappreciate kapag pinupuna mo ang kahit ano sa katawan namin... maliban kung papuri ito. Kung hindi ito papuri, gumawa ka ng paraan kung paano mo masasabi ito ng maayos... yung maayos na maayos. Pero mag-ingat ka dahil baka naman mapansin namin na "You're trying to be nice".
#8
Never reject, maging gentleman ka. Kapag may babae kang nireject dahil tingin mo hindi siya maganda... iisipin ng sampung babae na kakilala niya na masyado kang mayabang. At iisipin ng sampung babaeng kilala ng sampung babaeng kilala niya na mayabang ka rin. Kakalat ito at hinding hindi ito makakatulong sa imahe mo.
#9
Kapag hindi siya tumawag after ng isang date, tawagan mo siya. Bihira ang babaeng unang magpaparamdam matapos makipagdate. Kapag tumawag siya, hindi ibig sabihin na patay na patay na siya sa iyo. Tumawag siya dahil nagustuhan ka niyang kasama. Wag ka mag-feeling agad.
#10
Mas magaling kaming manloko. Alam namin kapag nagsisinungaling ka. Niloloko ka lang namin na naniniwala kami.

Babae Ka Nga
Monday, September 12, 2011
Sorry, Hindi ko sinasadya...
Ito ang pinakanakakainis na linya naririnig ko sa mga lalaki.
"Sorry, hindi ko naman sinasadya."
Sa tuwing sinasabi sa akin ito, nag-iinit agad ang ulo ko at lalo akong nagagalit.
Bakit ba nagsosorry ang isang tao at laging ang kasunod nito ay hindi niya sinasadya? Bakit ka pa nagsorry kung hindi mo naman pala aaminin na may mali ka?
"Sorry honey nambabae ako."
"Sorry nagkamali ako ng pinili."
"Sorry kasi hindi ko alam na masasaktan ka."
"Sorry pinagpalit kita."
"Sorry naghanap ako ng iba."
Masyadong inaabuso ang "sorry, hindi ko sinasadya."
Bakit? Hindi mo ba sinasadya na mamababae? Wala ka bang choice?
Hindi mo ba sinasadya na ipagpalit o humanap ng iba? Wala ka bang choice?
Hindi mo ba alam na masasaktan siya kapag ginawa mo yun? Paano mo nasabing hindi mo sinasadya?
Gagu.

Ang Unang Asawa ni Adan
Kilala niyo ba si Lilith? Hindi siya yung kapit-bahay niyo o yung babaeng laging nagtitext sa asawa mo.
Ayon sa bible, isa siyang demon. Isa siya sa mga “unclean” animals. Pero ayon sa iba, si Lilith ang unang asawa ni Adan (Adam)… hindi si Eba (Eve). Kung tutuusin pala, hindi pala dapat “Adam and Eve”.
Sino ba si Lilith? Hindi tulad ni Eba, ginawa siyang kapantay na kapantay ni Adan. Hindi siya nagmula sa tadyang ng lalaki dahil ginawa siya mula sa abo na pinaggawan ni Adan. At noon pa man, natural na sa lalaki na naising mas maging malakas o maging pinuno sa kanilang dalawa kaya’t ninais ni Adan na maging mas makapangyarihan sa kanila.
Hindi ito sinang-ayunan ni Lilith kaya tulad ng ibang magkasintahan, nagkaroon sila ng Lover’s Quarrel. At katulad din ng sa ibang relasyon, kapag nag-aaway ang dalawa, umaalis ang babae para mag-isa… at ang lalaki’y hahanap ng iba.
Ginawa ng Diyos si Eba… at upang maiwasan ang nangyari kay Lilith at Adan, ginawa niya si Eba mula sa tadyang nito. Kaya, oo… nung sinaunang panahon pa lamang pinamumukha na satin na mas mababa ang babae sa lalaki.
Bakit hindi binanggit na naging mag-asawa si Lilith at Adan sa bibliya? Hindi ko alam ang tunay na dahilan ngunit malamang ito ay dahil sa “male domination” na usong-uso noon.
Kapag nalaman ng mga babae na, “OO. PWEDENG LUMABAN SA LALAKI.” ano na lamang ang mangyayari sa mga ginagawang “king”doms noon? Sa mga lupaing hindi kahit kailan man maaring pamunuan ng mga babae? Kapag nalaman ng mga babae iyon, maagang matatapos ang power trip ng mga kalalakihan.
Mula dito ang larawan.
Categories
Inidoro
Sunday, September 11, 2011
Ayokong Kumain ng Tae.
Naniniwala ka ba na "love is sweeter the second time around?"
Ako. Hindi.
Sige, depende pala ang tamang sagot. Pero hangga't maari hindi ako maniniwala.
Siguro sa iba nagwowork pero sa akin, hindi dahil hindi ko pa rin naman sinusubukan. Kaya siguro kung naniniwala ka diyan, wag mo ng basahin ito dahil mag-aaway lang tayo. Pero sa mga nakakarelate, pakibasa ang mga dahilan ko.
Hindi ako naniniwala dito dahil mahal ko ang sarili ko. Wala akong sinasabing ang mga nakikipagbalikan sa mga hiniwalayan nila o nang-iwan sa kanila ay walang pagmamahal sa sarili. Siguro likas lang ang pagiging duwag ko, pero para sa akin, walang saysay ang makipaghiwalay sa taong babalikan mo rin sa hinaharap.
Ayokong magbigay ng isa pang pagkakataon. Take it or leave it. Walang rewind ang buhay. Walang second chances. Hindi ako Diyos para mamigay nito. Pinakawalan mo, hindi pwedeng balikan mo. Nasa iyo na ako noon iniwan mo pa. Hindi mo alam na mahalaga pala ako? Tanga ka kasi hindi mo naisip yun.
Hindi ko ipapadanas ulit sa sarili ko ang naranasan ko sa isang tao... at hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na iparanas ulit iyon sa akin. Kapag ginawa ko yun, parang sinampal ko sa sarili ko lahat ng iniyak ko, lahat ng luha ko, lahat ng sakit.
Parang kinain ko ulit yung itinae ko na.

Saturday, September 10, 2011
Isang Araw...
Isang araw, magmamahal ako ng iba at lahat ng kakornihan na sinabi ko sayo noon gaya ng, "Hindi ko kayang mawala ka." ay pagtatawanan ko na lang.
Isang araw, mawawalan ako ng gana na kausapin ka. Hindi ko na iisipin pa na tawagan ka. Hindi ko na gugustuhing marinig ang boses mo.
Isang araw, hindi na ko maiiyak sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo o makakakita ako ng taong kamukha mo at kahit ng damit na katulad ng iyo.
Isang araw, hindi na ako makakarelate sa bawat isang kanta na maririnig ko sa radyo.
Isang araw, makakakita ako ng ibang lalaki na magmamahal sakin kung paano ko gustong mahalin ako. At hindi sasayangin ang pagmamahal ko.
Isang araw, magigising na lang ako na hindi na ko nasasaktan.
Isang araw, wala na kong mararamdaman.

Friday, September 9, 2011
Kahit maraming kupal sa mundo, masarap pa ring maging babae.
Alam kong madalas sinasabi kong mahirap maging babae pero sa totoo lang, kahit talaga namang may di pagkakapantay ang babae at lalaki; at kadalasan dehado ang babae, may mga pagkakataon naman na masarap maging babae. Aminin natin, minsan may mga privileges pa rin ang mga babae.
- Kapag wala kang trabaho, hindi iisipin ng mga tao sa paligid mo na tamad ka. Tinuturing ng maraming tao na trabaho ang pagiging "housewife" mo. At isa itong napakarangal na trabaho.
- Mas maraming uri ng damit at sapatos na pwede sa iyo. Higit sa lahat, mas mura sila dahil mas kaunti ang telang ginagamit sa mga ito. Bukod pa dito, pwede mong isuot ang damit ng lalaki at magmukha pa ring babae.
- Pwede kang magpunta/magtrabaho sa gym ng hindi ka nagmumukhang tomboy. Samantalang hindi pwedeng magpunta/magtrabaho sa parlor ang isang lalaki ng hindi nagmumukhang bading.
- Kapag nagtrabaho ka ng trabahong panlalaki, astig ang tawag sa iyo. Ibang iba sa kaso ng lalaki.
- May karapatan kang gastusin ang sweldo ng ibang tao.
- Pag gusto mong umabsent, pinakamagandang alibi na ay "Dysmenorrhea"
Categories
Babae Ka Nga
Subscribe to:
Posts (Atom)