Monday, November 21, 2011

Ma, Hindi na talaga ako nagsisimba

Posted by PinkManure at 10:55 AM
Sabi ng nanay ko, magsimba daw kami.

Sagot ko, "Ma, hindi na ako nagsisimba."

Kung may maipipintas ka siguro sa akin, ay yun ang hindi pagsisimba. Pero bago mo ako husgahan at itapon sa fiery depths of hell, makinig ka muna sa dahilan ko.

Siguro nga, kapintasan ko ito. Pero ayoko talagang magsimba. Simula nung tumuntong ako ng college, hindi na ako nagsimba. Hindi ko alam kung bakit pero ang dami ko ng hindi sinasang-ayunan sa simbahan. Madalas kapag napipilit akong magsimba, ang dami kong hindi sinasang-ayunan sa homily ng pari.

Kaya hindi na lang ako nagsisimba. Ayaw kong bastusin yung sermon sa pangongontra dito kaya hindi ko na lang pakikinggan, kaya hindi na lang ako magsisimba. Respeto tawag dun di ba? Sana yung mga taong pumipilit sa aking magsimba, maintindihan din ang kahulugan ng salitang yun. RESPETO.

Iyon kasi ang kulang sa relihiyon. Hindi sila makaintindi ng "freedom". Hindi nila maintindihan na may kalayaan bawat tao na mamili ng nanaisin nila. Kalayaan ng tao na magdesisyon kung magiging mabuti ba siya o magiging masama ba siya. Ang relihiyon, sinasabi niya lang na ito ang tamang landas, kapag tumaliwas ka dito, may kaparusahan ka.

Faith? Walang problema. Naniniwala ako sa Diyos. Pero hindi ko kailangan ng relihiyon na magsasabi sa akin noon. Ngunit hindi ako makikipagtalo sa mga taong kailangan pang magsimba para lang masabi na mabuti silang Katoliko. Hindi, desisyon niyo yan. Kalayaan niyo yan. Pero please, wag niyong akusahan ng kung anu-ano ang mga taong pinipiling wag magsimba.

Sige na, para matahimik na kayo. Masusunog na ko sa impyerno.

1 comments:

Terri said...

Anticristo ka cguro hehe

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei