Wednesday, February 9, 2011

Hindi umiikot ang mundo sa kanya. Hindi ka mamamatay pag nawala siya. PROMISE!

Posted by PinkManure at 5:37 PM
Kaya kung nawala siya sa iyo, hindi pa katapusan ng mundo mo. 


Naniniwala ako sa iyo kung sasabihin mong "Pakiramdam ko, mamamatay ako kapag nawala siya." Tama ka sa isang punto dito... PAKIRAMDAM MO LANG TALAGA IYON.





Oo, dahil ang totoo... hindi ka naman talaga mamamatay kapag nawala siya maliban na lang kung minamahal mo ay si God sapagkat wala naman talagang taong may kakayahan na hawakan ang buhay ng ibang tao kahit kasing lakas pa niya si Son Goku na humingi ng lakas sa bawat taong nakatira sa planetang Earth.


Sinasabi mo lang ito para maawa ang mga tao sa iyo at magalit sila sa lalaking nang-iwan sa iyo. O kaya sinasabi mo lang ito para huwag ka niyang iwan. Kung ano pa man ang dahilan mo.... walang mangyayari sa iyo kung ilalaan mo ang buhay mo sa isang taong kaya kang iwan sa panahon na handa mo ng ibigay ang buhay mo sa kanya.


OO. Masaklap talaga ang buhay. Hindi lahat ng sakripisyo mo ay may patutunguhang mabuti dahil hindi lahat ng sakripisyo mo ay tama. At hindi lahat ng tao ay karapat-dapat sa mga bagay na handa mong ibigay sa kanila.


Mula dito ang larawan.

2 comments:

xerlynjoy said...

i', wondering kung ano'ng inspirasyon mo sa pagsulat nito.

xerlynjoy said...

i'm wondering kung ano'ng inspirasyon mo sa pagsulat nito.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei