Saturday, March 31, 2012

Bakit ba nakakagawa ng krimen ang mga tao?

Posted by PinkManure at 12:00 PM
Dahil ba sa wala silang pananampalataya sa Diyos?


Dahil sa mababang standard ng morality? Yan ang dahilan ng mga pulis ngayon kung bakit daw tumataas ang crime rate sa Pilipinas.






Hindi ba nakakatuwang isipin na ang upang masolusyonan ang mga patayan, nakawan at holdapan sa daan ay ang magturo ng mabuting asal sa bawat Pilipino?


Sa tingin ba ng mga pulis, ang mga kawatan na ito ay gumagawa ng krimen dahil sa likas sa kanila na maging masamang tao? Na pinanganak sila sa mundo at alam na nila na gagawa sila ng kasamaan sa mundo? Na hindi nila alam ang tama sa mali?


Oo, siguro nga ito ang mga dahilan at hindi ang kanilang kumakalam na sikmura. Ginusto nila iyon eh. Ang mga holdaper, snatcher, kidnapper nung bata pa lang sila, yun na ang pangarap nila. Ang mga prostitute sa daan, bata pa lang malandi na sila. Yun nga siguro ang dahilan at hindi ang hirap ng buhay nila.


Madaling sabihin na dahil sa likas na kasamaan ng isang tao kaya ito nakagawa ng krimen ngunit mahirap harapin ang tunay na problema at ungkatin ang mga dahilan kung bakit niya ito nagawa.


Kung gusto niyo mabawasan ang krimen sa bansa, pataasin niyo ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan bago niyo sila turuan ng tamang paraan ng pamumuhay.


Noong unang panahon, naghanap muna ng pagkain ang mga ninuno natin bago nila naisipang gumawa ng pamayanan at sumunod sa mga batas. Basic needs first.


Nasubukan mo na bang mag-aral ng gutom? Mahirap, hindi ba? Para mas simple, ito na lang ang tandaan mo:


Mahirap magturo ng moralidad sa mga taong kumakalam ang sikmura. 


Mula dito ang larawan.

1 comments:

Kim Reyes on April 1, 2012 at 12:05 PM said...

Maraming kumakalam ang sikmura dahil sa corruption ng previous government officials, dinagdagan pa ng noynoying na presidente. :D

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei