Monday, November 21, 2011

Ma, Hindi na talaga ako nagsisimba

Posted by PinkManure at 10:55 AM 1 comments
Sabi ng nanay ko, magsimba daw kami.

Sagot ko, "Ma, hindi na ako nagsisimba."

Kung may maipipintas ka siguro sa akin, ay yun ang hindi pagsisimba. Pero bago mo ako husgahan at itapon sa fiery depths of hell, makinig ka muna sa dahilan ko.

Siguro nga, kapintasan ko ito. Pero ayoko talagang magsimba. Simula nung tumuntong ako ng college, hindi na ako nagsimba. Hindi ko alam kung bakit pero ang dami ko ng hindi sinasang-ayunan sa simbahan. Madalas kapag napipilit akong magsimba, ang dami kong hindi sinasang-ayunan sa homily ng pari.

Kaya hindi na lang ako nagsisimba. Ayaw kong bastusin yung sermon sa pangongontra dito kaya hindi ko na lang pakikinggan, kaya hindi na lang ako magsisimba. Respeto tawag dun di ba? Sana yung mga taong pumipilit sa aking magsimba, maintindihan din ang kahulugan ng salitang yun. RESPETO.

Iyon kasi ang kulang sa relihiyon. Hindi sila makaintindi ng "freedom". Hindi nila maintindihan na may kalayaan bawat tao na mamili ng nanaisin nila. Kalayaan ng tao na magdesisyon kung magiging mabuti ba siya o magiging masama ba siya. Ang relihiyon, sinasabi niya lang na ito ang tamang landas, kapag tumaliwas ka dito, may kaparusahan ka.

Faith? Walang problema. Naniniwala ako sa Diyos. Pero hindi ko kailangan ng relihiyon na magsasabi sa akin noon. Ngunit hindi ako makikipagtalo sa mga taong kailangan pang magsimba para lang masabi na mabuti silang Katoliko. Hindi, desisyon niyo yan. Kalayaan niyo yan. Pero please, wag niyong akusahan ng kung anu-ano ang mga taong pinipiling wag magsimba.

Sige na, para matahimik na kayo. Masusunog na ko sa impyerno.

Tuesday, October 25, 2011

SO WHAT?! -- Best Breakup Song

Posted by PinkManure at 1:25 PM 0 comments
Bago ang lahat humihingi ako ng tawad dahil sa matagal kong pagkawala. Hindi ko alam kung namiss niyo ba ako pero ia-assume ko na lang na, oo namiss niyo ako.


Ano ba ang magandang isulat para muling simulan ang naiwan kong gawain? Habang nagsusulat ako ngayon ay nakikinig ako sa kanta ni Pink na ang title ay ang title ng blog na ito.


So What?!


Isang napakagandang kanta na naglalaman ng isang napakagandang mensahe. Hindi ko alam kung bitter lang ba ang kantang ito o sadyang pinapahiwatig lang ng kantang ito na kaya kong mag-isa kahit wala ang taong inaakala kong hindi ko kayang mawala sa buhay ko.


I'm inspired. Sa tuwing malungkot ako, pinapakinggan ko ito. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang kapag malungkot ka, wag kang makikinig ng radyo dahil mas malulungkot ka lang. Para sa akin, makinig ka ng mga kantang akma sa sitwasyon mo. 


Most of the times, being happy is a choice. Samantalahin mo ang mga pagkakataong ito. Wag kang makinig ng mga kantang magpapamukha sayo kung gaano kamiserable ang buhay mo kapag wala siya. Huwag kang makinig ng mga kantang magpaparealize sayo na loser ka.


Oo. Paborito ko itong kantang to. Dahil dito, naaalala ko yung mga taon na wala siya sa akin at kinaya kong mabuhay mag-isa. Naaalala kong kaya ko... kinaya ko noon at kakayanin ko ulit.


Wala na siya sa akin, SO WHAT?!

Saturday, October 15, 2011

Dream Boy VS Real Boy

Posted by PinkManure at 10:19 AM 0 comments
Walang yardstick sa pagmamahal.


Teka, ano ba ang yardstick? Panukat.. parang ruler na mas malaki. Oo, yun lang yun. Sa pagmamahal, naman, ang yardstick ay ang measurement ng tao sa paningin mo. Parang standards, requirements, qualifications


Lahat naman tayo may mga standards sa isang karelasyon hindi ba? Minsan nga lang masyadon tayong nacoconsume sa kung ano ang dapat meron kaya hindi natin napapansin kung ano na ba ang meron. Yung iba gusto maputi, gwapo, matangkad, matalino, mayaman, malinis, mabango. Dapat all in one package. Hindi pwedeng matalino lang pero hindi mayaman. Hindi pwedeng maputi pero hindi  gwapo.


Oo, masarap talagang makasalubong ang dream boy mo habang namimili ka ng ilang boteng ambrosia habang nakasakay ka sa isang kulay pink na unicorn... pero sa kasamaang palad, mahirap mangyari ito.


They are called dream boys for a reason... they only exist in dreams.


Which is better? Yung lalaking nakikita mo sa pagpikit ng mata mo o yung lalaking hindi man kasing perpekto ng lalaki sa panaginip mo, ay nandyan naman sa tabi mo, hawak ang kamay mo?


"Dream boys are the best guys in the world... but real boys are even better, 'cuz they are real."


P.S.


May kilala akong ganito. Matalik kong kaibigan, at oo... ang dami niyang standards sa lalaking mamahalin. Na minsan hindi na makatotohanan ang mga lalaking ito. Ngunit mukhang siniswerte siya dahil nakakatagpo niya ang mga dream boys niya... malas nga lang dahil kapag nakakatagpo niya ang mga ito ay may sarili na silang prinsesa. 


Pero ngayong nakahanap ka na ng totoong lalaki, sana maging totoo ka na sa nararamdaman mo. Goodluck!



Friday, October 14, 2011

Wag Abusuhin ang "Opinyon Ko To"

Posted by PinkManure at 2:17 PM 0 comments
Ilang beses na ba nating ginawa ang palusot na ito?


Madalas sinasabi natin ito kapag narealize nating mali pala yung opinyon natin. Ginagawa natin ito para hindi tayo magmukhang tanga o magmukhang natalo sa debate.


Opinyon. Ilang tao na ba ang umabuso sa salitang iyan? Ilang tao na ba ang nasaktan dahil lang sa may "opinyon" ka sa kanila? Dahil kapag sinabi ng tao na "opinyon" nila ito, hindi mo ito dapat pakialamanan-- universal rule iyon na dapat sinusunod ng lahat ng tao.


Kapag may sinabing masama sa iyo ang isang tao at naoffend ka, hihiritan ka nila ng "Opinyon ko to, matuto kang gumalang sa opinyon ko." E p*tangina naman. Matuto ka ring gumalang sa damdamin ng iba!

Tuesday, October 11, 2011

Ang buhay ay parang sale sa department store

Posted by PinkManure at 1:07 PM 2 comments
Kung hindi mo bibilhin ngayon...


Baka pagbalik mo, mas mahal na siya.


O kaya nabili na ng iba.

Monday, October 10, 2011

Masama Bang Mag-Isip Tungkol Sa Sex Ang Babae?

Posted by PinkManure at 1:58 PM 0 comments




Ayon sa blog stats ko, isa ito sa mga "keywords" na nagdadala sa mga tao dito sa blog ko. Kung sino man ang nagtype nito, salamat sa iyo dahil nagkaroon ako ng bagong topic.


Masama ba mag-isip tungkol sa sex?


Ang sagot diyan ay depende sa pagtatanungan mo. Itanong mo sa mga pari, sasabihin nila "Oo, kasalanan ito." Itanong mo sa mga psychologist at sasabihin nila na "Hindi, normal lang ito"


Itanong mo sa akin at sasabihin ko, "Huwag mong gawing kumplikado ang buhay mo."


Masyadong kumplikado ang mundo, mahirap gumawa ng tama lalo na kung ang susundan mo lamang ay ang ligaya na naidudulot ng isang bagay sa iyo. Mahirap namang lumigaya kung bawat kilos mo ay ibabatay mo sa  mga batas na ginawa ng lipunan para sa iyo.


Kaya hindi ako namumuhay sa ganitong paraan. Ang rule ko sa buhay? Magpakasaya ka. Bago ka naman naging Katoliko (o kahit ano pang relihiyon iyan), naging tao ka muna. At natural lang sa tao ang gumawa ng mga bagay na magpapakasaya sa kanila.


Sa babae lang naman issue ito hindi ba? Ang mga lalaki pwedeng mag-isip, mag-imagine, makipagkwentuhan at magpayabangan tungkol dito.


Mag-isip ka tungkol dito-- walang masama dito. Gawin mo ito, makipagkwentuhan ka tungkol dito. Walang masama. Ano ngayon kung may makarinig sa iyo? Ano ngayon kung may ma-offend sa sinabi mo? Bakit? Dahil lang sa babae ka? 


Noon, bawal din makipag-usap ang mga babae tungkol sa pulitika pero makalipas ang ilang taon, sumasali na sila sa pulitika. Kung iisipin lang natin na hindi naman tayo iba sa mga lalaking nag-uumpukan sa kwentuhang sex. Kung iisipin lang natin na "walang masama", darating din tayo sa panahon na normal ang mga babaeng nagchichismisan tungkol sa sex. 


One step at a time. Kaya nating baguhin ang pagtingin ng mundo sa mga babae.


Mula dito ang larawan.

Sunday, October 9, 2011

Cheating AGAIN doesn't ruin a relationship, lack of trust does.

Posted by PinkManure at 1:47 PM 0 comments
Magpakatotoo tayo.


Kapag niloko ka ng lalaki at tinanggap mo pa rin siya, madalas nasisira ang relasyon hindi dahil sa may babae ulit siya ngunit dahil sa hindi ka na nagtitiwala sa kanya.


Nuff said. --,

Saturday, October 8, 2011

Panget ka naman ah, wag ka na mag-inarte

Posted by PinkManure at 12:34 PM 1 comments
Napapansin niyo rin ba ito?


Yung mga babaeng nag-iinarte eh yung mga hindi magaganda? Hindi ko alam kung bakit. OKAY-- hindi naman ako maganda, pero yung pag-iinarte? Hindi ko naman gaano kadalas ginagawa yun.


Madalas kasi yung mga nagmamaganda, nagmamapogi... sila yung mga hindi naman kaaya-aya ang hitsura. Defense mechanism ba nila ito? Kasi hindi naman talaga sila maganda? Kasi panget talaga sila kaya dapat yung confidence nila to the highest level?


Sino ba kasi nagpauso nung kasabihan na "Beauty is the way you carry yourself". Feeling tuloy nila basta confident ka, maganda ka na. Hindi ko sinasabing mahiya ka kapag hindi ka maganda, pero sana naman ilevel mo sa hitsura mo yung pag-iinarte mo. Ito lang yun, ibagay mo sa hitsura mo ang confidence mo


Let's be realistic. Sabihin niyo ng ang sama kong tao at masyado akong mangdiscriminate pero sino ba naman ang hindi maiinis sa isang babae o lalaking kung umasta eh akala mo artista samantalang mukha naman silang katulong? Nakakainit sa mata di ba? At mas lalong nakakainit sa tenga yung "OH MY GAWWWDDD... YOUR EATING THAAAT??? THAT'S SOOO YUCKYYYY I MEAN IT'S SOOOO DIRTY... ITS SOOO KADIRI!!"


Pabili nga ng shirt na ito:



Mula dito ang larawan.

Friday, October 7, 2011

Single with capital S!

Posted by PinkManure at 10:42 AM 2 comments
May guest blogger ako! 


YEHEY SIKAT NA BLOG KO! *insert pangarap here*


Basahin niyo ito. Isinulat ito ng kaibigan kong naglakas loob na tumae sa aking inidoro. Kung nagustuhan mo ito, bisitahin mo rin ang kanyang kubeta sa Iba't Ibang Kaisipan at Ideya.


---


"Hindi malungkot mag-isa. Dumarating talaga sa buhay ng tao kung kailan gugustuhin niyang makasama wala nang iba kundi ang sarili niya. Hindi malungkot ang pag-iisa, ang malungkot lang eh kapag sawa ka nang mag-isa, gusto mo ng kasama, wala kang makita."

     Nagawa ko 'yan around the late quarter of the year 2008. Obviously, I was alone when typing those words on my cellphone's text box. Well, the statement isn't directed to someone of romantic relationship with me or the likes of it, but, it was directed to a friend or friends since they're all I've got besides my family. But this article I'm writing down aims to center on the issue of romance. (wink)

     Being single doesn't connote to any negative feeling or outlook. Though I am single, I am happy. I got to do the things that please me; I have all the time in the world since I'm not sharing it with anybody. I love reading books, that's where I got inspiration in writing--I write because I read, and it's fun. While I'm still a student, I usually spend the two-month vacation with my books, in my room, and all those written thoughts of various writers I fancy reading.

     Being single lets me save my money. I don't have someone to communicate with regularly via text messages or calls; in short, I don't have to allot money on cellphone load! That's one great thing because my brother usually burn all his money on that, (insert laughter here!)

     I am happy and I love myself--enough for me to realize that I should share the love since it's overflowing inside of me (insert longer laughter here!) Yes, stated that right, I wanna have a boyfriend. I wanna experience it, I wanna know it.

     And most of all, I wanna know myself. I already know myself as a daughter, a sister, and a friend, so now; I wanna know how I am to be a girlfriend. Reading and watching love stories may have affected my thinking since I always have an opinion on things, be it whatever, that I actually thought annoys people sometimes. The thoughts came rushing through my mind of what would I do if I am in that situation, then I'll convince myself that this is what I'll do with this situation and that on that one. It's one of the MEs that I know I wouldn't get to meet by myself even if I spend my whole life imagining it.

     On and on that I eventually stopped myself and thought of the famous "what ifs". They say you do stupid things when you're in love. Maybe I could agree coz I've experienced crushes and yes, ashamed as I am, I do did things silly, (smiles).

     Letting the curious me emerge, I wanna know for myself how would I act to certain situations if I am the one playing the role and not just someone who scrutinize from the pages of the book, or from the screen of our TV set.



---


PANAWAGAN: 


Kailangan po niya ng boyfriend. Bago man lang magunaw ang mundo, kailangan niyang makartikim ng luto ng diyos. Kung meron kayong kilala, pakilagay na lang ang contact details sa comment box. Salamat. :)

Thursday, October 6, 2011

Hindi Lahat ng Kabit Kasing Ganda ni Anne Curtis. Wag Kang Maki-Relate.

Posted by PinkManure at 9:27 AM 5 comments
Pero hindi rin naman lahat ng asawa ay kasing ganda ni Christine Reyes. Kaya wala tayong karapatang makirelate.


Sana para naging mas makatotohanan yung pelikula, ginawa nilang mahirap yung mga bida. Hindi kasing ganda nung dalawa, at yung lalaki, hindi kasing hot ni Derek.


Malapit ba ito sa totoong buhay? Hindi siguro. Kasi ang totoo, madalas nananalo yung kabit at iiwan yung asawa at anak. Kung swerte ka, susustentuhan nung tatay yung mga anak niya, kung malas ka naman, maglalaho na lang kahit sa peripheral vision mo yung asawa mo.


Kung matalo man yung kabit, hindi ito magsosorry sa asawa. Sabihin niyo sa aking hindi totoo. Ang mga kabit naman, laging sinasabi na, "Ang tanging kasalanan lang namin ay ang magmahal sa maling tao." Siguro sa pagsasabi niyan, pakiramdam nila najajustify nila yung ginawa nila. Siguro pakiramdam nila, may redemption behind blaming everything to love. Kasi nga naman, pagdating sa love, may lisensya lahat ng tao na magpakatanga.


At dahil sa pelikulang "No Other Woman", maiisip na naman ng mga babaeng mang-aagaw na OKAY LANG. Kasi nga naman, pinakita dun na HINDI RIN NAMAN NILA GUSTO, naghahanap lang sila ng lalaking magmamahal sa kanila. Not all the time, our lives turn out like how movies end up.

Tuesday, October 4, 2011

Long Distance Relationship -- Nagwowork ba talaga?

Posted by PinkManure at 2:45 PM 6 comments
Do I consider myself na long distance relationship(LDR) kami? Compared to other relationships, we may not be oceans apart, pero miles apart naman. Pwede na siguro yun di ba? So siguro naman, I'm licensed to give an opinion about this type of relationship.


Halos lahat na ata ng tao sinasabi na pangit at imposible ang ganitong setup. Kung nasa ganito kang relasyon, malamang ang daming nagsasabi sa iyo na hindi kayo magtatagal. Kung papasok ka sa ganitong setup, malamang naisip mo na ring kesa mahirapan kayo parehas, eh bitawan mo na lang siya.


Maling mali ito. Oo, you will need to double time, effort, understanding, trust and patience. Lahat dapat doble. Mahirap ito, pero hindi ito imposible. 


Isipin mo, hindi tulad ng ibang relasyon na lagi kayong magkasama, pwede kayong hindi magpansinan kapag magkaaway kayo.... at hinding hindi mo maiisip na hindi na kayo makakapag-usap ulit. 


Sa LDR, ang isang araw na hindi pag-uusap ay katumbas ng isang linggo. Kapag hindi na kayo nagpansinan, mas matindi ang impact nito sa inyo. Parang double-edged sword. It could worsen or heal your relationship. Bukod pa doon, mas malakin ang chance na hindi na talaga kayo mag-usap dahil hindi naman kayo magkikita sa tuwing lalabas ka ng bahay niyo.


Ang mga bagay na "wala lang" para sa isang normal relationship, ay "big deal" sa LDR.


LDR makes you stronger, tougher and wiser.

Monday, October 3, 2011

Movie Review Kunwari : No Other Woman

Posted by PinkManure at 9:53 AM 0 comments


"Honey, gusto kong manood ng No Other Woman."

"Corny yun. Johnny English na lang."

Usapan namin yan ng boyfriend ko nung niyaya ko siyang manood ng sine. It's our traditional monthly date. Kung magtataka ka bakit ko sinabing monthly, long distance relationship po kami and we just make it a point to see each other every month dahil mas economically friendly ito.

Johnny English. Comedy. Fine.

I lost. Pumayag na rin ako. Kesa naman manood kami ng No Other Woman tapos kalahati ng film, tutulugan niya ako, edi dun na lang sa gusto niya. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako magmamaktol pagpunta ng sinehan.

Sa bilihan ng tiket, habang nakapila nakasimangot ako. Pagbalik niya, may ticket na siya.

"Cinema 9" = No Other Woman.

YEHEY! Panalo ako! Lagi talagang effective ang pagmamaktol ko. haha

No Other Woman. Istorya ng isang mag-asawa at isang babaeng kabit.

Sa totoo lang, dahil sa palabas na iyon naintindihan ko ang istorya nila. Pero hindi ko pa rin matanggap na kaya ng babaeng maging kabit. Here are the most prominent lines I remembered.

"A woman only becomes a mistress when there's emotional attachment. I will never become your mistress." -- Cara (Anne Curtis)
---
"Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher! Maagawan ka! Lumaban ka!" -- Charmaine's Mom (Carmi Martin)
---
"Kapag ang lalaki, maraming babae, okay lang yun atleast sa iyo pa rin umuuwi. Pero kapag may suking kabit na siya, iba na yun. Dun lumaban ka na." -- Charmaine's Mom (Carmi Martin)
---
A scene in the mall, with Cara and Cha both wearing violet, trying to buy the same bag.
Cha: Are you going to get this one? Kasi kung hindi kukunin ko na to.
Cara: Actually, I am going to buy it.
Cha: Okay, it's yours then. I know how to play fair. Hindi naman ako mang-aagaw.
---
A scene in Cha's kitchen
Cara: Is there anything I could do to help?
Cha: Nako wag na. Mamaya makita mong nilalagyan ko ng lason yung pagkain mo
---
"Alam mo, the way to a man's heart is through his stomach. Pero sa ganda mong yan siguro marami kang alam na shortcut." --Cha
---
"Ang marriage parang exclusive village lang. Kailangan binabantayan para hindi makapasok ang mga squatter." --Cha (Christine Reyes)
---
"Anung gagawin ninyo if the only man you love is unfortunately married? I'm not gonna give up Ram without putting up a goddamn fight!"-- Cara
---
"Buti nakapasok ka pa dito sa resort. Bawal kasi ang ugaling squatter dito" -- Cara
---
"Swimsuit mo ba yan? O balat mo?" --Cha reffering to Cara's snake-skin swimsuit
---
"I enjoyed your husband, just as much as you do." --Cara
---
"You can call me anything you want. Ahas. Bitch. But I will never be a pathetic, boring wife like you."-- Cara
---
"Ano pa bang kulang? May kulang ba sa niluto ko? Hindi ba ko maganda? Kasi ang sakit sakit, Ram. Ang sakit sakit." --Cha
---


Epic lines. Forgot the rest. But I did enjoy it. Maganda pagkakagawa ng script, maganda ang takbo ng story. Walang dull moments. Good phasing. Hindi ka aantukin. Maaksyon, at maraming simpleng catfights. Highly recommended ko to.

Did my boyfriend sleep through the whole movie? Nah, parts of it only. At natatawa pa nga siya sa ibang linya.

Saturday, October 1, 2011

Reklamador AKO!

Posted by PinkManure at 3:29 PM 2 comments
Seryosong sakit na ata ito.


Ang dami kong reklamo sa mundo. Minsan natatakot na rin ako. Pero iisa-isahin ko dito dahil baka sakaling irereklamo mo rin ang mga ito, edi pwede tayong gumawa ng petisyon para mawala na sila.


  • Mga taxi na namimili ng pasahero. Sana nagdrive na lang sila ng FX kung meron silang preferred na ruta di ba?
  • Mga saleslady sa tiangge na para bang itatakbo mo yung paninda nila. Salestalk kung salestalk pero dapat bang sundan ka nila na parang shoplifter ka? Marunong naman ako magbayad di ba?
  • Mga naniningit sa ATM. Nuff said.
  • Mga barkadang kung makapagkwentuhan sa jeep ay parang nirentahan nila ito. Pwede ba? Umupa na lang kayo ng service.
  • Mga taong nagpapayabangan ng cellphones nila in public. Maholdap sana kayo.
  • Mga lalaking dalawang pares ata ang b*yag kung makabukaka sa jeep.
  • Magjowang kung makapaglampungan sa jeep e parang walang nakakakita sa kanila. Sarap pag-umpugin. Makuntento na lang kayo sa akbay o holding hands.
  • Mga crew sa fastfood na ang hilig makipagkwentuhan sa isa pang crew habang mahaba ang pila sa lane nila.
  • Mga taong nasa mall na nagtatanong ng "May credit card ka na ba?" Ang sarap sagutin ng. "Pake mo?!"
  • Mga friends sa Facebook na walang ibang alam gawin kundi palitan ang relationship status nila. *kabilang ako dati dito. wahahaha*
  • Mga taong laging late. Tapos pag tinanong mo kung asan na sila sasabihin nila, "On my way." San ba banda yang "On my way" na yan? Para naman diyan na lang tayo magkita.
  • Mga taong nagtatanong ng "Papasok ka ba?" Bakit? Dala ko ba susi ng opisina/school?
  • Yung mga taong nakikitawa sa barkada niyo. *okay sige, di pala sila nakakainis. nakakaawa sila.*
  • Yung mga taong kumakanta sa cr.......... ng mall.
  • Yung mga players ng dance revolution sa Time Zone na nasa "IMBA GOD-LIKE MODE" yung nilalaro nila. Akala ba nila mukha silang magaling? Mukha silang tanga.
Kung may isa diyan na kinaiinisan mo rin, tara gawa tayo ng petisyon para mabura na sila sa mundo.

Friday, September 30, 2011

The Day Our Hearts Met -- Online

Posted by PinkManure at 3:19 PM 1 comments


Online love affairs.

Sa dami ng mga menor-de-edad na narirape ngayon, mga babae o baklang pinapatay o nilolooban ng mga tinatawag nating, "online buddies" (Friends sa Facebook/ Twitter/ YM/ Skype etc.) mahirap na nga atang magtatagumpay ang mga pagkakaibigan o pagkaka-ibigan na nagsimula sa cyber space.

BABALA: 

Ang mababasa mo ngayon ay mula sa isang babaeng nasa isang matagumpay na relasyon na nagsimula sa cyber space kaya medyo biased ako. Kanya-kanya tayong depinisyon ng matagumpay pero sa akin, oo matagumpay naman ang relasyon ko.

Ang totoo hindi rin ako naniniwala dito noon. Para sa akin masyadong mababaw ang makipagrelasyon sa isang taong nakilala mo lang online. Madali kasi magpanggap sa cyberspace. Pwedeng maging mayaman ang mahirap, gwumapo o gumanda ang pangit, bumait ang kriminal at minsan pwede pang magpalit ng kasarian. Hindi ko rin sila masisisi, kasi minsan talaga masarap tumakas sa realidad ng buhay kahit sandali lang.

Okay, back to the topic. Sa sobrang daming tao online, at sa sobrang dami sa kanilang nagpapanggap na ibang tao, hindi ba't mahirap mainlove dito? Para ka na ring nainlove sa gitna ng isang matinding world war. Magulo. Hindi mo alam kung sino pagkakatiwalaan mo.

Tapos nangyari sa akin. Nainlove ako sa isang taong technically ay nakilala ko online. At simula nun, naniwala ako. Nakakahanga nga kung tutuusin. Oo, totoo pala na pwede kang mainlove sa gitna ng gulo. Totoo pala na kahit mas mahirap gawin ito, mas fulfilling ang pakiramdam.

Kung tutuusin, pare-parehas lang namang channel ng komunikasyon ang chat, text, phonecall etc. kumpara sa personal na pakikipag-usap hindi ba? Isang bagay lang ang kulang, yung personal touch pero isang bagay lang naman yun at hindi dahil dun ay mawawalan na ng saysay yung mismong pag-uusap.

Inaamin ko, dumating sa punto na kapag tinanong ako kung paano kami nagkakilala ng boyfriend ko ay inililihis ko ang tanong o kaya nama'y sinasagot ko ito ng ngiti... dahil lang sa nahihiya akong aminin na, OO ONLINE LANG KAMI NAGKAKILALA.

Iba kasi ang tingin ng mga tao sa mga babaeng nakikipag-eyeball. Mababaw, malanding babae, easy-to-get etc. etc. Gusto ko lang itanong, BAKET? Kung tutuusing ganon din naman nila nakilala ang ibang tao ah.. complete strangers din naman sila noon ah. Eh sadyang magkalayo ang mundo namin at online lang kami nagkakalapit eh. May masama ba dun?

Noon yun. Ngayon proud na ko. Isipin na nilang malandi ako, isipin na nilang ang babaw ko... pero gusto kong malaman nila na masaya naman ako.

Alam mo kung bakit? Because being in an online relationship is twice harder but twice the fun.

Note: Hindi ko inaadvertise na makipag-EB kayo sa mga kakilala niyo online. Mag-ingat din naman kayo. Maging mausisa at matanong, matuto kang makiramdam. Sinasabi ko lang na minsan hindi naman masama ang magtiwala, wag ka lang magpapakatanga. :)

Mula dito ang larawan.

Thursday, September 29, 2011

Makeover ba kamo? Baka naman Make-COVER. :)

Posted by PinkManure at 10:08 AM 0 comments
Ayoko sa mga makeover.


Kapag nakakanuod ako nito sa tv, naawa ako sa minimakeover nila.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga, yung BEFORE and AFTER sinasabotahe ng programa. Obvious naman siguro kasi kapag BEFORE, hindi kinukuha ang magandang anggulo ng tao (kahit gaano kapangit ang tao, may maganda pa rin siyang anggulo noh!). Tapos it's either full blast yung ilaw para makita mo kung gaano katadtad ng pimples yung mukha niya o kaya naman madilim yung ilaw para magmukhang kawawa yung biktima... este yung imimakeover nila.


Pakiramdam ko lang naman, pero naiimagine ko ang director na sinasabihan yung babae ng "O dapat magmukha kang malungkot. Dapat walang kulay ang mukha mo. Dapat magmukha kang puyat. Dapat magulo buhok mo. Dapat para kang nakakaawa at higit sa lahat dapat mukha kang nagsiself pity."


At matapos ng make-over, "Ngumiti ka! Dapat nagmukha kang masaya kahit hindi mo maimulat ng maayos ang mata mo dahil sa false lashes. Kahit hindi mo maintindihan bakit ganyan ang ginawa sa buhok mo at kahit hindi siya bagay sa iyo, USO YAN! Kahit matapos ng makeover na ito, babalik ka sa pagtitinda sa palengke. Iisipin mo na naman kung ano ipapakain sa lima mong anak na may pamilya na at may tig-dalawang anak na hanggang ngayon ay nakaasa pa rin sayo."


Ngumiti ka. Lokohin mo ang sarili mo.


At tayo namang nanunuod, tuwang tuwa sa napapanood natin. Iniisip natin na ang saya siguro ng pakiramdam niya na hindi natin naisip, ano ba talagang ginawa nila? Pinaganda ka nila ng isang araw at parang dahil dun binago na nila ang buhay nung babae?


Sana nga ganun lang kadali noh? Sana matatakpan ang problema gamit ang concealer. Sana nga mapapatibay ang buhay gamit ang foundation. Sana maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao gamit ang eye shadow o eyeliner.


Kaso hindi eh. Kaya sige, magpakaloko na lang tayo na totoong nakakatulong ang makeover na yan sa mga matatandang lola na hanggang ngayon ay naglalako pa rin ng paninda sa kalsada.


Gagu rin tayo eh. 

Wednesday, September 28, 2011

Dalawang Meatloaf Sandwich

Posted by PinkManure at 10:26 AM 1 comments
Mahilig ako sa meatloaf. Kaya kahapon nung nagluto ng meatloaf para sa agahan, nagtago ako ng dalawang slice para gawing sandwich na ibabaon ko sa office.


Bagyo. Pumasok ako ng opisina ng maaga. Pagdating ko dun, brownout. Walang pasok. Yehey!


Nung papauwi na ako, nakita ko yung isang matandang babae na nagtutulak ng kariton palabas sa parking lot ng opisina namin. Nilipad yung plastik na pinangtatakip niya sa mga karton niya para hindi mabasa. Hindi niya maitulak yung kariton dahil sa lakas ng hangin, bukod pa ito sa mabigat ito.


Hindi naman maulan, sobrang lakas lang talaga ng hangin. Hindi na nga ako nagpayong dahil baka matangay pa ako ng hangin.


Natigilan ako nung nilipad yung plastik ng tarapal niya. Hindi niya alam kung hahabulin ba niya yung plastik o itatabi niya muna yung kariton niya o kung paano niya ba itutulak yung kariton niya. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.


Lagi kong nakikita ang matandang babaeng ito. Araw-araw sa tuwing maaga akong nakakapasok, siya ata yung kumukuha ng mga karton at papel sa office namin. Madalas andun siya sa labas ng parking lot tapos pag nakikita niya ako, tinatanguan niya ako tapos ngumingiti siya, kahit wala na siyang ngipin... bukod pa dun wala rin siyang isang mata. Nabulag ata yung kaliwa niyang mata, hindi ko alam kung bakit.


Nakatitig ako sa kanya. Siguro nakita rin ako nung kaopisina kong lalaki... na nakakapote. Kaya siguro nainspire din siyang tulungan yung ale. Hinila niya yung kariton papasok sa parking lot namin. Wala namang pasok kaya walang lamang kotse yun, kaya siguro okay lang na dun muna siya. 


"Nay, dito lang muna kayo. Lakas ng hangin." sabi ko.


"Yung tarapal ko." sabi niya. Nilipad na kasi yung plastik sa kabilang kalsada. At masyado na siyang mahina para habulin pa yun. Alam ko, kasi napapansin kong mabagal siya magtulak ng kariton.


Nakiusyoso sa amin yung iba kong officemates. Hindi sila lumapit pero andun sila, nakatanaw. Lumapit yung guard sa amin. "Anung problema?"


"Yung tarapal ni nanay. Nilipad." sagot ko.


"Ah oo, mababasa yung mga karton niya. Kawawa naman si nanay. Teka ako na kukuha." Umalis sandali si kuya para kumuha ata ng payong.


Ako? Anung ginawa ko? Wala namang pasok. Uuwi na ako. May baon akong dalawang sandwich. Iniabot ko lahat kay nanay, "Nay, pang-almusal niyo po."


Kinuha niya ito, "Salamat. Salamat."


Curious na ako sa buhay niya noon pa mang nakikita ko na siya kapag pumapasok ako. Kaya nagsimula akong mag-usisa.


Ako: Bakit po kayo nagtatrabaho na e matanda na kayo?


Siya: Kelangan ko kasi ng gamot.


Ako: Ah anu po ba sakit niyo?


Siya: Sakit sa puso. Saka sa kidney.


Ako: E bakit po kayo pa nagtatrabaho? Wala po kayong anak?


Siya: Meron. Apat mga anak ko.


Ako: Asan po sila?


Siya: Patay na.


Ako: E sino na lang po kasama niyo?


Siya: Wala. Ako na lang mag-isa.

Ako: San po kayo nakatira?


Siya: Dito. Dito lang sa kariton na to.


Hindi ko kinayang magtanong pa. Ayoko na eh. Naiiyak na rin ako kaya matapos maibalik nung guard sa kanya yung plastik niya at matapos kong sabihin sa kanya na, "Sige po nay. Kainin niyo po yung binigay ko ah. Ingat po kayo." umalis na ako.


Ayoko namang makita niya na naawa ako sa kanya. Hindi ko hahayaang madagdagan ng self-pity yung nararamdaman niya.... pero p*tangina! Naisip ko asan ba ang gobyerno dito?? Bakit may mga taong ganun? Bakit may mga taong nagpapakasasa sa pera, tapos may mga matandang kelangang mangalakal ng basura para lang makabili ng gamot nila?


Nakakatawa pero mas "okay" pa sana kung sasabihin niyang may mga apo siya. Kasi atleast alam ko, may mga kasama siya. May mag-aalaga sa kanya. May maghihintay sa pag-uwi niya. Pero wala eh. Mahirap maging mahirap lalo na pag mag-isa ka lang.


Unfair talaga ang mundo. Unfair na unfair. Oo, swerte ako kasi hindi ako katulad niya.... pero hindi ako natutuwa dahil lang sa swerte ako. Nagpapasalamat, pero hindi natutuwa.


Kung ano na nangyari sa matanda, hindi ko na alam. Hindi ko rin naman siya nakita ngayong araw dahil late ako. Pero I'm sure sa ibang mga araw makikita ko na naman siya. Magdadala na kong extrang sandwich para sa kanya.


P.S.


Habang isinusulat ko ito, naiiyak na naman ako. P*tangina talaga.

Tuesday, September 27, 2011

Facebook - Password = Away

Posted by PinkManure at 1:50 PM 2 comments




Isa ka ba sa mga babae na isa sa requirement sa isang relasyon ay ang malaman ang password ng bawat online account ng boyfriend mo?


Facebook. YM. Skype. Twitter. MSN. Email. Basta dapat lahat alam mo. Kahit pa Friendster niya. Kung oo, malamang minsan dumating na rin kayo sa punto na nag-aaway kayo dahil bigla na lang nag-change pass ang boyfriend mo na para bang may itinatago. 


Malamang rin hindi mo maiwasang hindi sagutin ang mga nag-PPM sa kanya, nagtatanong, nangangamusta o kahit ano pa man. Dalawa lang ang pwede mong gawin. Magkunwari ikaw siya *madalas ginagawa ito kapag babae ang nag-ppm* o magpakilala na ikaw ang girlfriend niya *madalas ginagawa ito pag lalaking tropa ang nagppm... o kaya bading na may crush sa bf mo*


Hindi naman ata natin maiiwasan. Likas sa babae ang maging overprotective at possessive sa mga bagay na pag-aari niya. Normal naman yung hingin mo yung passwords ng accounts niya. Yes boys, pag hiningi niya sa inyo ibigay niyo. Wag niyong bigyan ng pagkakataon na magduda siya sa inyo dahil mas mahihirapan kayong mabawi ang account niyo.


Sa totoo lang, ganito din ako dati. Hingi ng password, pag ayaw ibigay-- away. Kapag binigay, tapos pinalitan-- away ulit. Kapag binigay tapos may nakitang nakakairita-- mas matinding away. Hanggang sa nagsawa na lang ako. Hindi ko na hiningi ulit.


Bakit kamo? Dadating kasi sa punto na iisipin mo, hindi na yung account na yun ang sukatan ng tiwala niyo sa isa't isa. Matututo kayong gumalang sa private space ng isa't isa. O kaya minsan, mawawalan ka lang ng pakialam. Darating ang punto na mararamdaman mong kahit gaano kahalaga para sa iyo ang commitment niyo ONLINE, mas mahalaga pa rin ang commitment niyo IN REAL LIFE.


Kung iisipin, hindi ba nakakasakal yun? Hindi pa kayo kasal pero kung pakialamanan mo na ang mga personal affairs niya, ganun ganun na lang. Hindi lang yan usapin ng tiwala. Usapin rin yan ng personal life. Oo, magkarelasyon kayo... pero hindi ibig sabihin na pag-aari niyo na ang social life ng isa't isa. Bigyan niyo ng space ang isa't isa. Isa rin yan sa susi ng mga matagumpay na relasyon.


TIPS FOR BOYS:


Kung gusto niyong maagang mabawi ang accounts niyo sa mga girlfriends niyo ganito ang gawin niyo:


Kapag hiningi ng babae sa inyo ang password niyo, ibigay niyo na lang. Sa mas mabilis na pagbibigay ng password, mas maagang marirealize ng babae ang mga nasabi ko sa taas. Wag kayong maging defensive at wag niyo siyang pagbintangan na may trust issues. Isa pa pala. Habang alam niya pa ang password mo, WAG KANG MAGLALOG-IN. As in WAG. Para maisip ng mga friends mo na inactive ka na at hindi ka na nila pansinin. Trust me, magaling kaming humanap ng pagseselosan namin. :)


Mula dito ang larawan.

Monday, September 26, 2011

How Our Story Came to Be

Posted by PinkManure at 2:57 PM 1 comments
Sa dinami dami na ng naisulat ko, hindi pa ata ako nagkaroon ng lakas ng loob na isulat ng detalyado ang buhay pag-ibig ko. Siguro kasi masyadong madugo *pang-horror*, masyadong magulo at minsan nakakakilig pero madalas maiinis ka sa katangahan ko. Pinanganak na ata akong tanga sa pag-ibig.


Una sa lahat-- naniniwala ba ko sa tunay na pag-ibig? Oo. Naniniwala ba ako na may mga taong tinadhana para sa isa't isa? Oo. Naniniwala ba ko na yung taong yun ang makakatupad sa lahat ng pangarap mo sa buhay gaano man ito kaimposible? Oo.


Walang masamang maniwala. Kasi sa paniniwalang may makakasama tayo sa buong buhay natin -- dahil diyan kaya libu-libong tao ang nakakangiti sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kahit gaano kabigat ang problema nila.


Kunwari na lang artista kami. Kunwari na lang mahalaga kaming mga tao sa mundo at pambawi man lang sa dignidad kong yuyurakan ko unti-unti sa paglalahad ng istoryang ito, ay uunahan ko ng nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi. Sana wag kayong tamarin basahin ito. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang isang mala-telenovelang kacornihan na naranasan ko sa relasyong hanggang ngayon ay inilalaban pa rin namin sa bawat pagsubok ng buhay.


-------
Bata pa man ako, may isa na kong pangarap sa buhay -- ito ay ang yayaing magpakasal sa tabing dagat... during sunset. Corny, oo pero pangarap ko talaga ito. Hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng mga pocketbooks na palihim kong binabasa noon. *ayaw ni mama na basahin ko ito dahil sa mala-pornographic images na inilalagay nito sa mumunti kong kaisipan, pero nakakapuslit pa rin ako. ninja moves*.


Siguro napanood ko ito sa mga chic flick series and movies na pinapanuod ni ate. Kung saan ko man napulot ang ideyang ito, ay di ko na rin alam basta ang alam ko, ganun ang gusto kong mangyari.


Nagdalaga ako, nagkaron ng iba't ibang relasyon.... at ang pangarap na ito ay unti-unti kong nalimot. What happened? Reality. 


Hindi kasi pocketbook ang buhay, hindi ako artista sa romantic film... at hindi lahat ng pagkakataon, merong isang malanding moment na pwedeng mabigyan ng award sa Oscar's o Emmy's bilang Best Kissing Scene o Best Love Scene. Hindi ganun kadali o kasarap mainlove lalo na kapag nagsisigawan at nag-iiyakan na kayo, kapag nagsusumbatan na, naghahanapan na ng mali.


Mahirap kapag bata ka, pinapapaniwala ka ng magulang mo na lahat ng bagay kasing sarap ng cotton candy, kasing ganda ng rainbows... tapos pagtanda mo marirealize mo na ang isang perpektong love story ay kasing ilap ng unicorn-- Hindi ito totoo.


Isusuko ko na ang pangarap na ito. E kaso dumating ang isang kumag sa buhay ko. Ooopppsss... Baka isipin niyo na sumuko na ko sa love hanggang sa dumating siya. At na binago niya ang pagtingin ko sa love, pero hindi ito totoo. Bago pa man siya dumating, naniniwala pa rin ako sa eternal love, I just grew up. Hindi na ko naniniwala sa mga mushy scenes from the movie-- wala ng engagement by the sunset.


E bakit ba naman kasi dumating pa siya? Not that, nagsisisi ako. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ugali niya at laro-laro lang kami nagsimula. Nako, walang nag-isip na magseseryoso kami-- alam ko, inamin niya rin sa akin. Kung paano nagsimula ay isang mahabang istorya na mas mahaba pa dito kaya wag na nating simulan. Ang mas mahalaga ay ang tagpong dapat kong ipaalam sa iba. Ang araw na tinupad niya ang childhood fantasy ko. :)


1st official month namin. Akala nung iba, matagal ng kami pero ang totoo joke time lang yun. Adik kasi sila, pinapangunahan nila yung paglalandian stage namin.


Nagkita kami sa Mall of Asia ng tanghali, naglunch tapos gala-gala.


Nung nag-hapon na, lumabas naman kami. Sa may Seaside. Sa may Esplanade. 4PM na ata nun.


SEASIDE. CHECK.


SUNSET. CHECK.


MABAHONG DAGAT. CHECK.


*Binigay ko gift ko sa kanya. hindi ko na babanggitin kung ano. Pero natawa siya dito.*


Nag-expect akong may gift din ako. Syempre, dapat meron. Hutaena naman, tagal ng plinano to... isang araw!


Ako: Asan na gift ko?


Siya: Kelangan ba nun?


Ako: Hmp


Siya: Joke lang, sige tingin ka muna dun.


Ako: *Nag-expect ng kwintas. Kasi di ba ganun sa mga pelikula? Tatalikod yung girl tapos sasabitan ng kwintas from the back?*


Walang kwintas.


Siya: O tingin ka na ulit dito.


Ako: *Tumingin ako sa kanya. Wala namang bago. Sumimangot ako.* Anung gift mo?


Siya: Eto o.


Hawak niya yung silver ring.


Ako: Wow. Sakin yan? *Tanga lang. haha*


Siya: *kinuha kamay ko sabay suot.* Di ba dapat may tanong to?


Ako: Oo, adik ka rin eh. Walang paalam. Basta mo na lang sinuot.


Siya: Will you marry me in the near future?


Ako: Lul. 1month pa lang wedding na agad?


Siya: *mukhang seryoso* Ayaw mo ba?


Ako: Seryoso ba yan? *Tinitigan ko mukha niya. Aba mukhang seryoso.*


Siya: Oo nga.


Ako: Sure ka ba diyan?


Siya: Ngayon lang ako naging sure sa buong buhay ko.


Ako: Hindi ka ba nagmamadali masyado?


Siya: Marami akong plano. Pero gusto ko kasama ka habang ginagawa ko yun. Kasama ka na sa plano ko.


Ako: *kilig na kilig pero ayaw magpaobvious* Corny mo.


Siya: Walang sagot?


Ako: Iisip muna ako. Kelan mo ba balak gawin yan?


SIya: Kelan ka ba free?

Ako: Gagu.


Siya: I love you. Wala pa ring sagot?


Ako: Kelangan may pressure?


Siya: ....


Ako: Yes. Oo na. Sige na. Papakasalan kita in the near future.
-------


Ever since, dalawang taon na kaming nakatali sa isa't isa. May mga times na gusto naming maghiwalay... ay ako lang pala. Pero hindi ko alam, baliw na baliw ata siya sa ganda ko kaya hindi niya ko mapakawalan. *Hindi ako maglalagay ng tawa sa statement na ito para isipin mong totoo.*


Pero ang totoo nakita ko kasi sa kanya ang isang katangian na hinding hindi ko nakita sa iba. Napakahaba kasi ng kanyang......... pasensya. HAHAHA


Sa totoo lang, siya lang ang tanging tao na nakakapagpasensya sa kakulitan, kamalditahan at kaguluhan ko. Kaya oo, madalas man malungkot ako sa relasyon na ito dahil sa malayo siya sa akin, pero sa tuwing iniisip kong mawawala siya sa akin, nalulungkot ako.


ENGAGEMENT BY THE SEASIDE DURING SUNSET. Cheap version man. Pero CHECK.


UP NEXT: Wedding by the beach.:)

Sunday, September 25, 2011

Let's Talk About Integers...

Posted by PinkManure at 9:53 AM 0 comments


Ang corny ng tawag ko sa kanila, pero noon pa man *simula nung highschool ako*, yan na ang tawag ko sa kanila. Mga "integers" o mga "intrigera".


Sila yung mga taong may bullseye sa lahat ng tao sa paligid nila. Sila yung hindi marunong tumingin sa "bright side" ng mundo. Para sa kanila... lahat pangit, walang mabait, lahat nakikipagplastikan. Lahat pinupuna. Lahat binibigyan ng meaning *at hindi ito maganda*. Tapos kapag pinagsabihan mo sila, they get on all fours and be so defensive, parang aso.


Para sa akin, mas delikado pa silang kaibigan kesa sa mga chismosa. Halos parehas lang, pero mas malala... dahil ugali rin nila ang pakikipagplastikan. Ngunit hindi tulad ng mga chismosa, sila yung mga tipong tao na ipaparamdam sa iyo na may sinasabing tungkol sa iyo ang isang tao... AT pinagtatanggol ka nila. Pero sa totoo lang, kabilang sila sa mga nanghuhusga sa iyo.


Hindi rin nila alam kung ano ang salitang "respect". Kapag may nakita silang mali, huhusgahan na nila ito agad agad. Kahit pa may matinong dahilan, hindi nila ito maiintindihan kasi hindi rin nila alam ang salitang "understanding".


Bukod pa sa mga nakakainis na ugali na nasabi ko na, sila rin ay magaling mang-salestalk. Hindi sila nakukuntento na makapagsabi ng opinyon nila sa isang tao. KUKUMBINSIHIN KA NILA at ipipilit nila sa iyo ang opinyon na ito. Ganoon sila kakupal.


Piling pili ang mga taong ganito... pero hindi ibig sabihin na gifted sila. Naiinis man ako na ginawa pa sila ng Diyos sa mundo, nagpapasalamat naman ako na hindi sila laganap sa mundo.


Mula dito ang larawan.

Saturday, September 24, 2011

Naniniwala ka ba sa "Kahit anong Mangyari"?

Posted by PinkManure at 3:36 PM 0 comments
"Kahit anong mangyari."


Kalokohan!


Naniniwala ako na "nothing is certain in life." Pwedeng sabihin mo yan ngayon pero bukas, sigurado ka ba na hindi magbabago ang nararamdaman mo? Masyadong mabigat ang salitang "kahit anong mangyari". Kaya hindi ito basta-basta binibitawan ng mga taong "sincere" at nagsasabi ng totoo.


Masarap pakinggan, oo. Pero mahirap panindigan. Dahil minsan nag-iiba ang ihip ng hangin. Hindi mo alam ang ihahatid ng kapalaran sa iyo bukas. Kaya ang mangako nito ay isang malaking kalokohan.


Bakit hindi na lang ganito? Sabihin mo ang nararamdaman mo? Wag kang mangako para sa kinabukasan. "I love you today." "I miss you today." Kasi hindi naman talaga natin alam ang hatid ng "tomorrow" eh. Ang tangi nating pwedeng gawin ay ang mabuhay ng masaya sa ngayon at umasa na mas maging masaya pa tayo kinabukasan.

Friday, September 23, 2011

Ang Aking Singsing... Bow.

Posted by PinkManure at 12:24 PM 0 comments
WARNING: Isa itong personal na blog post.


Naranasan mo na bang mawalan ng isang bagay na sobra sobrang halaga sa iyo? Yung tipong iniingatan mo siya pero dahil na rin siguro sa nakatadhana siyang mawala ay nawala na nga siya sa iyo.


Ako, oo. Nung Sabado lang. *Lunes ko ito isinulat*


Sabihin niyo ng ang corny ko, ang babaw ko o kahit ano pa... pero nung Sabado, nawala ang singsing na ibinigay sa akin ng ex-crush ko.. na boyfriend ko na ngayon. Okay, this is the part where it gets a bit corny so if you hate that, dodge. :)


May mga paniniwala tayo na kapag nawala daw ang simbulo ng pagmamahalan niyo ay magkakagulo rin kayo. Kapag nawala ang singsing, kwintas, bracelet, stuffed toy, bulaklak na ibinigay sa iyo... magkakahiwalay na agad kayo.


Napakababaw pero halos lahat ata ng tao dumaan sa ganyang pag-iisip. Sa ngayon? Oo, malungkot pa rin ako. Dahil hindi ko ugaling magsuot ng alahas at yun lang ang natatanging accessory ko sa katawan... tapos nawala pa. Nakikita ko pa nga ang mark niya sa daliri ko at pag nakikita ko yun eh nalulungkot ako. Pero dahil ba dun naniniwala akong masisira ang relasyon ko? Hindi.


Siguro nga kung sakaling nag-away kami dahil lamang sa simpleng bagay na iyon, mas madali kung isisisi namin ang pinatunguhan ng relasyon sa isang simpleng singsing na walang kamalay-malay. Mas madali yun kesa sisihin namin ang mali ng bawat isa. Kapag may nangyayaring masama sa buhay natin, mas madaling isisi sa iba ang mga nangyari kesa amining may mali tayo.


Kung totoo ang sinasabi nila na kung ano ang nangyari sa simbulo ng pagmamahalan niyo ay siya ring mangyayari sa aming dalawa... aba iiwas na ako sa mga lababo dahil baka mahigop din ako habang naghuhugas ako ng pinggan.

Thursday, September 22, 2011

Daig ng social climber ang mayaman

Posted by PinkManure at 12:30 PM 3 comments




Anak ng.... nung nabasa ko to, muntik na kong mapamura.


Hindi ko alam kung dahil ba sa tingin ko, kahit anong pagpapagandang gawin niya eh, mukha pa rin siyang palengkera... yung walang poise o walang class. O dahil ba sa hanggang ngayon pangkalye pa rin ang tunog ng pangalan niya. Pero nainis talaga ako sa sinabi niyang ito.


Andito ang buong storya.


Pabiro ba yan? I hope oo. Kasi hindi ako humanga sa kanya sa kahit anong punto. Nainis ako. Ang yabang ng dating. O ate, ikaw na may Hermes na bag. Ikaw na ang mayaman. Gaya ng pagkainis ng ibang tao sa hilig ni Kris Aquino na ipagmalaki ang mga gamit niya, na may himig ng kayabangan.... Hindi ko naman ata naalala na nagsabi siya na mamimigay siya ng pabuya sa sinumang makapagpapatunay na may babae si James Yap noong mag-asawa pa sila.


Siguro kasi alam nating lahat na noon pa man mayaman na talaga si Kris Aquino. Hindi niya kailangang ipagmalaki sa buong mundo na OO KAYANG KAYA NIYANG MAMIGAY NG HERMES BAG. Kung tutuusin mapapatawad ko pa siya kung magyayabang siya tungkol dito. Bakit? Pinagtatrabahuhan naman niya ang pinambili niya dito. Hindi niya hiningi sa asawa. Sariling pawis niya yun.


At pwede ba? Sana tigilan na ng mga tao ang pagpaparamdam kay Jinkee na sobrang ganda niya. Maputi lang siya. PERIOD.


Korina Sanchez (in an interview with Jinkee in Rated K)


"Ibang iba ka na ngayon. Ang ganda mo na."


--simpleng panlalait.


Mula dito ang larawan.

Sa MRT lang may tunay na EQUALITY!

Posted by PinkManure at 8:49 AM 1 comments




Ayoko sa MRT.


Mabilis nga, siksikan naman. Wala ngang traffic sa kalsada, makikipagbalyahan ka naman sa mga tao para lang makapasok.


Sino sa atin ang walang horror story sa MRT? Yung walang masamang karanasan? Lahat na ata tayo nagkaron ng di malilimutang karanasan sa uri ng transportasyon na ito. Isa na ako dun.


Hangga't maari, iniiwasan ko talagang sumakay dito. Isa ako sa mga taong nagtitiis ng traffic dahil alam kong kapag sumakay ako ng MRT, yung pagod at stress na mararamdaman ko ay kapantay lang ng mararamdaman ko sa traffic. At isa pa, hindi naman laging traffic sa EDSA pero laging siksikan sa MRT.


Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa di maiiwasang pangyayari, kinakailangan kong mag-MRT. At doon, nagbago ang tingin ko dito.


Hindi, hindi ako nakumbinsi na mas okay dito. Pero namangha ako sa isang katotohanang tungkol sa mga MRT na kadalasan ay nasasapawan ng irita at inis ko sa mga taong sumasakay dito.


Malamang hindi mo rin ito napapansin, ngunit sa MRT... dito mo makikita ang tunay na pagkakapantay-pantay ng mga tao. Maliban sa coach na pambabae lamang, sa MRT mo mararamdaman ang tunay na "equality".


Naalala ko yung sinabi sa amin ng teacher namin sa history nung highschool pa lang ako. Sa sobrang disappointment ko, hanggang ngayon naalala ko pa rin ito. Ganito ang sinabi niya, "Gusto ng mga babae ng equality? Sige, pasabitin mo rin sila sa jeep!" Nagulat ako. Ganun ba kababaw ang tingin nila sa gender equality? 


Same opportunities. No discrimination. Hindi ba ganun ang meaning ng gender equality? 
Naisip ko, choice naman ng babae kung sasabit siya o makikipagtulakan sa MRT-- kahit naman ngayon pwede niyang gawin yun. 


Ang hinihingi namin ay yung hindi mag-iba ang tingin sa amin dahil dito. Yung hindi pagtatawanan at hindi iisiping kakaiba yun... kasi ang pagsabit sa jeep, ang pakikipagsiksikan at pagtayo sa MRT ay normal na ginagawa ng mga tao. Bakit kapag babae ang gumagawa ay napakalaking issue na nito?


Nung tinanong ko ang lalaki kong kaklase tungkol sa sinabing ito ng teacher namin, hinangaan ko ang sagot niya. Ang sabi niya, "Hindi naman dapat ganun. Oo nga, dapat pantay pantay pero dapat hindi pa rin nawawala ang respeto."


Sa MRT lang nagiging pantay ang lahat. Hindi ba't dito ka lang nakakakita ng mga mayayamang nakikipagsiksikan sa mga mahihirap? Hindi ba't dito ka lang nakakita ng mga lalaking nakikipagtulakan din sa babae? Hindi ba't dito ka lang nakakita ng mga taong nagtutulog-tulugan para hindi mapaupo ang matandang nasa harap nila? Sa MRT, nabubura lahat-- walang antas ng pamumuhay, kasarian o edad ang mga tao, minsan nga pati ang magandang ugali nila ay nabubura din.


Naniniwala ako na sa MRT lang nagiging pantay ang lahat ng tao. Pero ayoko pa rin sumakay dito.


Mula dito ang larawan.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei