Sunday, February 20, 2011

Hindi ka babae kung wala kang crush.

Posted by PinkManure at 12:39 AM 0 comments Links to this post
Kung akala mong mababaw lang ang pagkakaroon ng crush sa babae, mali ka ng inaakala. Malamang para sa lalaki kababawan lang at hindi mahalaga ang crush... ngunit sa mga bababe, ang crush ang nagsisimula ng lahat ng bagay. Dito nag-uumpisa ang lahat. At para sa kanila, kabilang na sa pangarap nila ang makasama, maligawan o maka-date man lang ang crush nila.

Ganito ang babaeng may crush:
  • Crush mo lang, pero nagseselos ka na.
  • Naiinis ka kapag crush din siya ng kaibigan mo. Tinuturing mo siyang karibal, kahit bestfriend mo pa.
  • Mahilig kang "sumilay"
  • Iniiyakan mo pa nga minsan
  • Pakiramdam mo buo na ang araw mo makita mo lang siya.
  • Buo ang linggo mo kapag nag-hi siya sa iyo.
  • Ayaw mong malaman ng lalaking ito, pero paobvious ka naman madalas.
  • Kapag nalaman niya, naniniwala ka na iba na ang tingin niya sa iyo... in a positive way.
  • Madalas mali ang paniniwalang ito.
  • Totoo, minsan nagiging stalker ka niya.
  • Iniisip mo siya na talaga ang para sa iyo... kahit ang bilang ng mga crush mo ay higit sampu.
 Kakayanin ng babaeng hindi matali sa isang relasyon ng ilang taon. Pero hindi niya kayang hindi magkaroon ng kahit isang crush sa loob ng isang buwan. Pustahan pa tayo.

Mas nasasaktan tayo sa inaasahan nating hindi natutupad.

Posted by PinkManure at 12:36 AM 0 comments Links to this post

Kesa sa mga bagay na hindi natin inaasahan.

Dahil mas mas masakit tanggapin ng isang taong nagplano na ng lahat ng mangyayari na hindi na ito matutuloy pa. 

Parang outing na walang sumama. Surprise birthday party na walang umattend. Despidida na walang sumipot.

Inaasahan mo ang lahat ng bagay na aayon sa iyo, pero hindi ito natupad dahil hindi mo plinano ang isa sa pinakamahalagang bagay...

Pagkabigo.

Dahil sa tiwala. Dahil sa pangako.

Ang masyadong paniniwala sa pangako ang nagiging ugat ng maraming kalungkutan sa mundo... 

Kaya hindi mo masisisi ng buong buo ang kalungkutan mo sa taong hindi tumupad sa pangako... minsan isipin mo rin na baka kaya ka nasaktan ng todo eh dahil masyado mong pinaasa ang sarili mo.

---

Larawan mula dito.

Tuesday, February 15, 2011

Mas BIG DEAL sa SINGLE at BITTER ang Valentine's Day.

Posted by PinkManure at 8:43 PM 1 comments Links to this post
Sa totoo lang...

Mas big deal sa mga single at walang ka-date ang Valentine's Day. Mas maraming ayaw sa araw na ito dahil lang sa wala silang kadate o dahil sa nakakakita sila ng mga tao sa paligid nila na masayang naglalandian.
Masakit talaga sa kalooban yung lahat ng tao may kalandian samantalang ikaw walang kasama.  Valentine's Day man o hindi. Anung malaking kaibahan?

Siguro dahil sa araw na ito, maraming tao ang nagiging espesyal at lalong mas maraming tao ang hindi nagiging espesyal.

Ang pagiging single sa Valentine's Day ay tulad ng isang maliit na tagyawat sa mukha mo na ikaw lang ang nakakakita. Hindi ito napapansin ng iba hangga't hindi mo ito sinasabi sa kanila. At madalas iniisip mong may pakialam sila kahit wala naman talaga.

O di ba para ka lang tanga na naghihimutok sa mga bagay na wala naman talaga? :)

Kaya para sa mga bitter sa may mga jowa, ka-date, asawa at kung anu-ano pa sa Valentine's Day, kumain na lang kayo nito:

----

 Mula dito ang mga larawan.

Sunday, February 13, 2011

Wala ka bang ka-Valentine?

Posted by PinkManure at 10:12 PM 0 comments Links to this post
Isipin mo na lang...

Hindi naman talaga importante na magkaroon ka ng date kapag Valentine's Day. Madalas nga mahirap makipagsabayan. Traffic. Maraming tao sa mall. Maraming nagpapublic display of affection. Sasabay ka ba sa kanila?

Hindi mo naman talaga kailangang magkaroon ng "someone special" para makapagcelebrate ng Valentine's Day. Bakit hindi mo subukang lumabas kasama ang iyong mga single na friends. Wala namang masama na ilaan mo ang Valentine's Day sa mga kaibigan o kaya'y pamilya mo di ba?

Ang Valentine's Day ay araw ng mga puso... hindi lang araw ng magsyota. Ibig sabihin ang araw na ito ay ginawa para mabigyan mo ng halaga ang mga taong mahal mo at pinapahalagaan mo sa buhay.

Huwag kang malungkot na wala kang makakasama sa pagdidiwang ng araw na ito.... Minsan hindi mo alam na meron ka naman palang makakasama na talaga, kaso masyado mong iniisip na kailangan nasa isang relasyon ka o malanding sitwasyon para lang ipagdiwang ito.

Hindi mo nakikita kung anong meron ka sa kakahanap mo sa wala sa iyo.
 
Pero syempre masarap talagang may ka-date sa Valentine's Day. Yung may kasama kang maglalakad sa mall, kakain sa labas, magdidate sa park... tatanggap ng gifts. At kapag nag-PDA kayo... patatawarin kayo ng lahat ng matatandang makakasalubong mo. Haaay... sarap.

---

Mula dito ang larawan.

Friday, February 11, 2011

Walang Diyos na Nag-uutos Nito..

Posted by PinkManure at 12:00 PM 1 comments Links to this post
Ito ay isang nakakabahalang artikulo na nabasa ko dito. Sa sobrang nakakabahala ito, kahit luma na ang balita nais ko pa ring iparating sa inyo. Masdan niyo ang larawan at malamang maiisip niyo kung bakit ninais kong malaman niyo ito:
  • 75% of all reported rape cases in Scandinavia are committed by muzlims
    Most muzlim perpetrators are proud of their acts and even brag about it
  • Islam condemns the victim rather than the perpetrators
  • Rape is encouraged in the unholy book of coran
  • Slavery is still a normal thing in most muzlim nations, therefor many muzlims believe it’s their right to rape women.
Some Muslim immigrants admit their bias quite openly. An Islamic Mufti in Copenhagen sparked a political outcry after publicly declaring that women who refuse to wear headscarves are “asking for rape.” Apparently, he’s not the only one thinking this way. “It is not as wrong raping a Swedish girl as raping an Arab girl,” says Hamid. “The Swedish girl gets a lot of help afterwards, and she had probably fucked before, anyway. But the Arab girl will get problems with her family. For her, being raped is a source of shame. It is important that she retains her virginity until she marries.” It was no coincidence that it was a Swedish girl that was gang raped in Rissne – this becomes obvious from the discussion with Ali, Hamid, Abdallah and Richard. All four have disparaging views on Swedish girls, and think this attitude is common among young men with immigrant background. “It is far too easy to get a Swedish whore…… girl, I mean;” says Hamid, and laughs over his own choice of words. “Many immigrant boys have Swedish girlfriends when they are teenagers. But when they get married, they get a proper woman from their own culture who has never been with a boy. That’s what I am going to do. I don’t have too much respect for Swedish girls. I guess you can say they get fucked to pieces.” 

Nakakatakot ang sinapit ng babaeng ito. Ngunit hindi ba't mas nakakatakot ang paniniwala ng mga lalaking ito? Hindi ako pumapanig sa kahit anong relihiyon... pero sigurado akong WALANG DIYOS NA MAG-UUTOS NG GANITO.

Habang may mga taong naniniwalang kasangkapan lamang ang mga babae... Hindi kailanman magiging balanse ang mundo. 

Hoy lalaki, hindi ka Diyos. Huwag kang maghari-harian sa mundong hindi naman ikaw ang may gawa.
---

Mula dito ang larawan.


Ang totoong dahilan kung bakit maraming babaeng mang-aagaw...

Posted by PinkManure at 9:51 AM 0 comments Links to this post


Kasalanan na nga siguro ng karelasyon o asawa mo kung bakit siya nagpapalandi sa mga babaeng walang ibang hinangad kundi manira ng isang masayang relasyon, pero sa totoo lang... may isang malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa ito.

Ang tinutukoy ko ay yung babae. 

Dalawang uri lang ang lalaki sa mundo. Isang may silbi at karapat-dapat magkaroon ng isang maayos na relasyon at ang isa'y walang kwenta kaya't hindi makakuha ng maayos na relasyon. 

Lahat ng babae, bukod sa gusto nilang mahalin sila ay gustong sigurado sila sa lalaking mamahalin nila. Karamihan ng lalaking kayang magdala ng isang relasyon ay....... nasa isang relasyon.

Kaya't maraming babaeng mahilig mang-agaw at umeeksena pa kahit alam nilang may asawa o girlfriend na. Bakit ka nga naman pupusta sa isang bagay na hindi ka na sigurado kung meron namang isang SURE WIN ka na? 

Isang matalinong desisyon.... ngunit para sa isang makasariling hangarin.

---
Mula dito ang larawan.

Thursday, February 10, 2011

Hindi ugali ng babae ang magdeny...

Posted by PinkManure at 9:33 PM 0 comments Links to this post
Madalas nga, sa sobrang hindi nila ito ugali... Hindi mo pa naitatanong o hindi mo naman talaga gustong itanong, ay naikwento na nila sa iyo ang buod ng mga nangyari.

Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit mas marunong mangaliwa ang mga lalaki.

Aminin mo... madrama talaga ang mga babae.

Posted by PinkManure at 9:27 PM 0 comments Links to this post
Isang eksena sa text:

Girl: I love you sweetie.

Boy: I love you too.

Girl: Totoo ba yan sweetie?

*no reply*

Girl: Sweetie? Bakit di na nagreply? :(

*no reply*

Girl: Siguro hindi totoo noh? :(

*no reply*

Girl: Huhuhuhuhu... hindi mo siguro talaga ako love noh??? :((

*no reply*

Girl: Sige!! Hindi mo na pala ako love ha. Matapos ng lahat ng pinagsamahan natin. Ilang taon din tayong nagkasama. Matapos kitang ipakilala sa parents ko at sa mga friends ko. Matapos mo kong pangakuan ng kasal!! Sige, ganito pala gusto mo ah...BREAK NA TAYO!

*no reply*
(after 2 hours....)

Boy: Sweetie sorry, nadeadbatt ako.

Girl: Ah ganun ba? Sige tayo na ulit.

***
Akala ko konti lang ang babaeng ganito. Mali pala ako. Aminin natin maraming babae ang OA at madrama sa buhay. Sige lang, libre naman ang tumanggi.

Women Rights are Human Rights

Posted by PinkManure at 12:00 PM 0 comments Links to this post
Siya si Gulbar. Isang Afghan woman na matapos makipaghiwalay sa mapang-abusong asawa ay sinundan nito at sinunog ng buhay.... oo buhay pa rin siya ngayon at 40% ng katawan niya ang nasunog dahil sa hindi makataong pagtrato sa kanya ng asawa niya. (basahin dito ang buong artikulo)




Walang ibang hinihingi ang mga kababaihan sa buong mundo kundi ang pantay na pagtingin sa kanila. Sana sa mga lalaking nag-iisip at gumagawa ng masama sa mga babaeng nakakasalamuha nila... maisip nila na isang babae rin ang nagdala sa kanila ng siyam na buwan. Naghirap ilabas sila sa mundo. At inalagaan sila ng ilang taon bago nila kinayang manakit ng babae.




Sa kadahilanang ito, hinahangaan ko si Angelo Reyes na nagpakamatay sa ngalan ng kanyang ina. Walang matinong anak na nanaiising madumihan ang pangalan ng ina nila... sa kahit ano pa mang dahilan, totoo man ito o hindi. Hindi man siguro siya naging mabuting mamamayan, naging mabuti naman siyang anak sa ina niya. Sa puntong iyon... panalo siya.
---


Mula dito ang mga larawan:
Gulbar
Angelo Reyes

Sa panahon ngayon...

Posted by PinkManure at 9:38 AM 3 comments Links to this post




Hindi na uso ang panliligaw. 


Sinasabi nila na ito daw ay dahil sa mabilis ng mauto ang mga babae...


Pero siguro isang dahilan din nito ay gumagaling na rin kasing mang-uto ang mga lalaki.


Kaso nga lang... sa isang sitwasyon na naaagrabyado ang mga babae, madalas ang nangyayari, kasalanan pa rin ng babae kung bakit siya nabastos, minanyak at narape.


Nasa pagdadala lang daw yan ng sarili. 


Hindi ba nila naisip na.... ang mga ganoong pangyayari ay nasa pag-uugali rin ng mga lalaki.


Bakit laging babae ang may kasalanan??


---
Mula dito ang larawan.

Wednesday, February 9, 2011

May mga panahong gusto mo na lang iwan ang lahat...

Posted by PinkManure at 8:31 PM 0 comments Links to this post


Sa mga panahong ito, huwag kang matakot umalis at iwan lahat ng mga bagay na nagpapahirap sa iyo. Hindi madali ang desisyon na ito, pero kagaya ng linya sa pelikulang naging hari na ng mga quotable quotes ng mga broken-hearted... (hindi ko na babanggitin ang title ng pelikulang ito dahil malamang alam mo na ang tinutukoy ko.)

"Don't ever think it was a mistake to choose to find yourself, to choose to love yourself a little bit more"

Hindi ko na ilalagay ang credit dahil alam kong alam mo na ang pelikulang pinagkuhaan ko niyan.

Sa totoo lang... mas nakakabuti talagang mahalin at alagaan muna ang sarili bago ang ibang tao. Bukod sa gasgas na linyang, "Paano mo kakayaning magmahal eh ni sarili mo eh hindi mo alam paano mahalin?" ay may iba pang dahilan para gawin mo ito.

Mahalin mo ang sarili mo dahil hindi ka mamahalin ng lalaking yan ng higit sa sarili niya. Kung sinasabi niya sa iyong mas mahal ka niya kesa sa sarili niya, inuuto ka lang niya. Kung totoo man na mas mahal ka nga niya kesa sa sarili niya, hindi niya ito sasabihin sa iyo. Sasalagin na lang niya basta ang balang tatama sa iyo.

Mahalin mo ang sarili mo dahil walang ibang gagawa nito para sa iyo.

Mahalin mo ang sarili mo dahil doon mo malalaman ang halaga mo sa mundo. Doon ka magkakaroon ng pangarap. Doon ka kukuha ng bait sa sarili. Doon ka matututong igalang ang sarili mo. At malalaman mo kung saan ka lulugar. 

Hindi ka naman naloloko dahil lang sa may nanloko sa iyo. Madalas kaya ka naloko ay dahil hinayaan mo na silang lokohin ka. Huwag mong isisi lahat ng bagay sa ibang tao... masakit man pero marami dito'y bunga na rin ng sarili mong katangahan.
---

Mula dito ang larawan.

Hindi umiikot ang mundo sa kanya. Hindi ka mamamatay pag nawala siya. PROMISE!

Posted by PinkManure at 5:37 PM 2 comments Links to this post
Kaya kung nawala siya sa iyo, hindi pa katapusan ng mundo mo. 


Naniniwala ako sa iyo kung sasabihin mong "Pakiramdam ko, mamamatay ako kapag nawala siya." Tama ka sa isang punto dito... PAKIRAMDAM MO LANG TALAGA IYON.





Oo, dahil ang totoo... hindi ka naman talaga mamamatay kapag nawala siya maliban na lang kung minamahal mo ay si God sapagkat wala naman talagang taong may kakayahan na hawakan ang buhay ng ibang tao kahit kasing lakas pa niya si Son Goku na humingi ng lakas sa bawat taong nakatira sa planetang Earth.


Sinasabi mo lang ito para maawa ang mga tao sa iyo at magalit sila sa lalaking nang-iwan sa iyo. O kaya sinasabi mo lang ito para huwag ka niyang iwan. Kung ano pa man ang dahilan mo.... walang mangyayari sa iyo kung ilalaan mo ang buhay mo sa isang taong kaya kang iwan sa panahon na handa mo ng ibigay ang buhay mo sa kanya.


OO. Masaklap talaga ang buhay. Hindi lahat ng sakripisyo mo ay may patutunguhang mabuti dahil hindi lahat ng sakripisyo mo ay tama. At hindi lahat ng tao ay karapat-dapat sa mga bagay na handa mong ibigay sa kanila.


Mula dito ang larawan.

Sa totoo lang...

Posted by PinkManure at 5:25 PM 0 comments Links to this post
Lahat ng matitinding away ay hindi dapat idaan sa madudugong paraan na katulad ng pagbubugbugan. Kung seryoso ang problema... maidadaan ito sa maayos na usapan... na walang nasasaktan at walang na-aagrabyado.


Kung wala ng ibang solusyon sa problema mo kundi ang magkapisikilan o magkasakitan, malamang wala ring kwenta ang ipinaglalaban mo at hindi mo dapat patulan ang problemang ito.

Hindi naman niya malalaman...

Posted by PinkManure at 3:53 PM 2 comments Links to this post
Ang gasgas na dahilan ng mga malalanding lalaki na hindi marunong makuntento sa iisang babae.

Tuesday, February 8, 2011

Hindi porke't maganda girlfriend mo, pogi ka na kuya..

Posted by PinkManure at 8:10 PM 0 comments Links to this post
Isang eksena kanina sa Mall. Tatlong lalaki ang nag-uusap:

Guy 1: Pare naalala ko yung ex ko noon.

Guy 2: Bakit?

Guy 1: Ang ganda. Pero pag magkasama kami mukhang sobrang saya.

Guy 3: Oo pare, naalala ko yun. Ganda nga nun eh.

Guy 1: Pero kapag naglalakad kami naiisip ng mga tao, ang gwapo ng boyfriend niya.

Guy 2: *tawa*

Guy 3: *iling sabay tawa*

Guy 1: Oo nga pare!! Pero ibang klase talaga girlfriend ko ngayon! Ang ganda! Di ba pare?

Guy 3: Oo, maliit lang pero maganda nga.

*tuloy ang mahanging usapan*

Hindi ko alam kung ano ba ang hitsura ng ex at girlfriend niya. Pero eto lang ang masasabi ko........

Maliban na lang kung si Sarah Geronimo ang ex niya at si Cristine Reyes ang girlfriend niya ngayon... sa tingin ko pwede niyang sabihin yun....

Pero hindi naman siya kamukha ni Rayver Cruz... kanguso niya siguro pero hindi talaga si Rayver yun, promise. Malamang hindi nga sila ang tinutukoy niya.


Ang mga ganitong usapan, pag-usapan niyo sa inuman... hindi sa public place na maraming makakarinig dahil magmumukha ka lang sinungaling.

Mula dito ang mga larawan:

Hindi madaling maging babae...

Posted by PinkManure at 6:22 PM 0 comments Links to this post
Sa lahat ng bagay dapat mong patunayang may karapatan ka. Maliban sa karapatang magkaroon ng dysmenorrhea.


Kapag nagsuot ka ng maiksi, mababastos ka agad. Pero hindi mo naman binabastos ang lalaki kapag wala silang suot na T-shirt sa kalye.


Kailangan mo sa buhay ang pagiging maganda. Kung hindi ka maganda... dapat mabait ka o kaya matalino. Ang mga lalaki, kahit pangit, masama ang ugali at may angking katangahan... may kalalagyan pa rin sila sa mundo.


Dalawa ang bahagi ng katawan mo na pwedeng mapagsamantalahan.


Hindi ka pwedeng sumabit sa jeep.


Mahirap umihi sa byahe.


Bawat kilos mo, binabantayan ng mga tao sa paligid mo dahil bawat kilos mo, may interpretasyon para sa kanila.


Ikaw ang magdadala ng bata, ikaw pa ang manganganak!!!


Ang lalaki, habang tumatanda, gumagwapo. Ikaw..... nagmamature.


Ayon nga kay Ate V... ang lalaki mabigyan lang ang pamilya niya ng mga pangangailangan nito, mabuting ama na siya. Ang babae, ibibigay niya ang puso at kaluluwa sa pamilya.... marami pa ring maipipintas sa kanya.


Hindi madaling maging babae. Mas lalo pa itong humihirap dahil sa mga walang kwentang lalaking nagpapahirap sa kanila. Kaya para sa inyong mga pahirap sa buhay.... P*TANGNA NIYO! :)

Monday, February 7, 2011

Hindi totoo ang karma...

Posted by PinkManure at 6:07 PM 0 comments Links to this post
Ang tanging mga taong naniniwala dito ay yung mga hindi kayang ipaglaban ang mga sarili nila. Kung alam mong tama ka, bakit ka mahihiya o matatakot ipaglaban ang sarili mo? Bakit mo hahayaang tapakan ang mga karapatan mo?


Hindi sa lahat ng panahon, maidadaan sa karma ang mga masasamang nangyari sa iyo. Madalas nawawalan ng hustisya sa mundo dahil dito.


Kung lahat ng tao matututong ipaglaban ang mga sarili nila, wala sigurong tao ang gagawa ng masama sa kapwa nila dahil alam nilang pagbabayaran nila ito NGAYON at hindi sa HINAHARAP.

Sunday, February 6, 2011

Hindi lahat baliw kay E. Cullen

Posted by PinkManure at 9:10 PM 0 comments Links to this post
Hindi lahat ng babae gusto si Edward Cullen..



Dahil yung iba sa kanila...




Natunaw na sa abs ni Jacob Black.





At yung iba naman....





Napasigaw na ng....



"YAMIIII!!"

Mula dito ang mga larawan:

Paano Magmahal ang Babae?

Posted by PinkManure at 6:04 PM 3 comments Links to this post

Mahirap para sa mga lalaki ang malaman na mahal na nga sila ng nililigawan nila. Minsan maski ang mga babae hindi nila alam kung mahal na ba talaga nila ang lalaki, dahil madalas iniisip nila mahal na nila pero ang totoo, iniisip lang nila yun kaya nabubulag sila sa katotohanang mahal nga nila ang lalaki. Magulo di ba? Para matulungan ka, eto ang mga points to consider bago mo ipagpatuloy ang panliligaw or relasyon mo.

Ang babaeng nagmamahal ay....
  • nagiging corny.
  • nagkikwento palagi sa mga close niyang kaibigan ng mga nangyayari sa kanilang dalawa. kahit hindi sila interesado.
  • madaling umiyak. napakadaling umiyak.
  • madaling mawala sa mood sa tuwing may away.
  • hindi nagsosorry hangga't hindi napipikon ang lalaki.
  • magagalit pero mapapatawad ka pa rin sa huli.
  • uto-uto. madalas.
  • showy.
  • gumaganda. *ehem*
  • nahihilig sa make-up at dress/skirt.
  • gustong-gusto na pinaghihigpitan lalo na sa pananamit.
  • selosa.
  • matampuhin.
  • ibibigay ang lahat hanggang sa wala na siyang maibigay.
  • ipagluluto ka. kung hindi siya marunong magluto, mag-aaral pa siya para sa iyo.
  • maalaga. handa kang gawing baby.
Kung lalaki ka at ganyan siya sa iyo, swerte ka. Alagaan mo siya ng mabuti. Bihira na ang babaeng ganyan.

Kung babae ka at ganyan ka, subukan mong mag-ingat. Hindi lahat ng lalaki karapat-dapat bigyan ng ganyang atensyon. Magtira ka para sa sarili mo.

Mula ang larawan dito: 
The Ugly Truth 

Dalawang uri lang ang gwapong lalaki sa mundo...

Posted by PinkManure at 11:10 AM 1 comments Links to this post
 Yung isa, playboy...


At yung isa.....
Bading. :)

Mula dito ang mga larawan:

Dear Tonya,

Posted by PinkManure at 11:01 AM 0 comments Links to this post
Gusto ko lang malaman mo na hindi ako ang nakita mo sa may kanto niyo na may kasamang babae. Hindi ko ba nasabi sa iyo na may kakambal ako? Hindi ko pa ba siya naipakilala sa iyo? Siguro kapag pumupunta ka sa bahay namin akala mo ako rin yun. Ang totoo... nakita mo yung kakambal ko. Hindi ako yun. Hindi ako nagagawi sa lugar na yun.

::VALUES EARNED::

Ugali ng mga lalaki ang MAGDENY.
Kahit huli na sa akto... IDEDENY pa rin nila ito.
Sa sobrang ugali nila ito... kahit ang ugaling mahilig magdeny ay idedeny din nila.

Friday, February 4, 2011

Dear Tonya..

Posted by PinkManure at 4:01 PM 0 comments Links to this post
Gusto ko lang malaman mo na kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa relasyon natin, naniniwala pa rin akong tayo ang magkakatuluyan sa huli... sana naniniwala ka pa rin doon. 

Huwag kang maniwala sa pinsan mo na sinabing may relasyon kami ni Neneng... una sa lahat, hindi ko siya magugustuhan dahil di tulad mo, hindi marunong magpaligaw si Neneng. Mabilis lang siyang sumagot ng "OO" at hindi na ko na kailangang bolahin pa at sabihan ng maraming banat lines tulad ng sinasabi ko sa iyo na ang mata mo'y kasing liwanag ng logo ng ABS-CBN at na ang boses mo'y kasing lambing ng boses ni Kris Aquino. Di tulad mo, alam niyang hindi totoo ang mga yun.

At wag ka ring maniniwala sa kapatid mo na nakita daw kami ng kapit-bahay naming si Girly sa Trinoma. Hindi ako pumupunta dun dahil mas maganda makipagdate sa Sky Garden ng SM North EDSA. Mula doon nakikita namin ang mga bus at maraming tao kaya imposibleng makita niya kami. Bukod dun, hindi ko talaga gagawin sa iyo yun sugarbaby. Alam mong mahal na mahal kita. Sana wag kang maniwala sa mga sinasabi nilang lahat.

Isa pa pala, nung nakita mo kaming naghahalikan ni Pareng Jobet, sana maintindihan mo na lasing lang ako nun at nadala lang ako sa kanya. Hindi ko sinasadyang maglock sa kwarto, humiga sa kama, at pumatong sa kanya... 

Mahal na mahal kita Tonya my loviedubs... Maniwala ka na sakin. 

Love, 

Tonyo

::VALUES EARNED::

UGALI NG LALAKI ANG MANG-UTO. WAG UGALIIN ANG MAGPAUTO.

Babae ka kung...

Posted by PinkManure at 1:11 PM 3 comments Links to this post
  • Sasabihin mong huwag siyang maghintay sa pag-uwi mo pero magagalit ka kapag hindi  niya pinilit sunduin ka.
  • Nagtatampo ka kapag hindi siya nagtext sa iyo, pero kapag ikaw ang hindi nagtext at natampo siya sa iyo, magagalit ka.
  • Isang tanong pa lang ang ginawa niya, naikwento mo na ang buong buhay mo.
  • Mahilig ka sa mga materyal na bagay… aminin mo man ito o hindi.
  • Kaya mong ipagpalit ang lalaki para sa mga kaibigan mo… ng hindi niya nalalaman.
  • Nagpapaalam ka dahil gusto mo lang pagbawalan ka niya pero hindi mo pa rin naman siya susundin.
  • Mahilig kang magshopping… mas mahilig kang mag-window shopping.
  • Kalahati ng sweldo mo napupunta sa luho mo sa katawan.
  • Sa totoo lang, madalas naman talagang ikaw ang nagsisimula ng gulo.
  • Pero minsan kaya ka nagsisimula ng gulo eh para lang makita mo naman siyang nasasaktan (di kasi halata eh).
  • Marami kang crush. Gaano karami? CLUE: Higit sa sampu.
  • Ang pinakamalakas mong panlaban sa away ay… IYAK.
  • Gusto mo laging maging “iba”.
  • Lagi mong sinasabing dapat ka ng mag-diet. Pero kung gaano mo ito kadalas sabihin ay ganun ka din kadalas kumain.
  • Typical date na sa iyo ang movie and dinner date. Hindi ka na naiimpress dito.
  • Isang oras kung mag-ayos ka ng sarili sa umaga. Kasama dito ang paliligo at “PAMIMILI” ng isusuot.
  • Naniniwala ka sa Horoscope.
  • Ang unang Newspaper section na tinitingnan mo ay… ENTERTAINMENT sunod ang LIFESTYLE.
  • Para sa iyo, nakakaaliw na libangan ang pagbabasa ng magazine.
  • Masaya kang kalikutin ang buhok ng kaibigan mo.
Kung nakarelate ka dito kahit konti. Binabati kita, BABAE KA NGA.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei