History

BAKIT PINK MANURE?

Napili ko ang pangalang ito dahil sa... maniwala man kayo't sa hindi ay wala talagang kinalaman sa nilalaman ng blog site na ito. Pero dahil siguro mas maganda nga naman kung sasabihin kong may isang makabuluhang dahilan sa likod nito, ganito na lang ang isipin mo:

Hindi lahat ng babae ay mahilig sa kulay na pink kahit pa sabihin nating "pambabae" ang kulay na ito. At sa katunayan, ito na ata ang pinipili mong kulay sa tuwing magreregalo ka sa mga inaanak mong babae. Kaya oo, PINK na lang ang ginamit ko.


Bakit Manure? Sa Tagalog, ito ay Tae. Tae dahil ito ay pinagsama-samang dumi ng katawan mo, na naipon, nahinog at ng hindi mo na kayanin ay nilabas mo sa banyo. Sama ng loob mo, Bigat na nararamdaman mo... Lahat yan ay nais naming bigyan ng kasagutan. Bakit hindi mo sabihin dito? Malay mo makatulong ang paglalabas mo dito upang mawala ang bigat ng iyong nararamdaman.


Ituring mo itong iyong ONLINE KUBETA.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei