About

Links to this post
ANO ITO?

Ang Pink Manure ay isang blogsite na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga kababaihang nawalan ng gana sa buhay... dahil sa problema, pag-ibig at kung anu-ano pang kadahilanan na nagpapalungkot sa kanila.

Nagsimula ito sa malikot na kaisipan ng isang babaeng mahilig magsulat ngunit hindi makakuha ng inspirasyon kaya't isang araw ay naglibot-libot sa magulong mundo ng internet at nalungkot dahil sa bihira ang mga blogsites na nagnanais tugunan ang pag-aaliw ng mga babae.

Nais naming mabigyan kayo ng kaunting kaalaman at mas maraming kaligayahan sa pagbabasa ng mga blogposts dito. Hindi namin nais makapanakit ng ibang tao sa aming mga sasabihin, ngunit kung natatamaan ka, naglaan kami ng ONLINE KUBETA para sa inyong mga reaksyon.

Para ito sa mga tunay na babae na nilikha ng Diyos bilang mga pinakamagandang nilalang anu pa man ang kanilang kalagayan sa buhay.... kung tingin mo kabilang ka sa amin...

MALIGAYANG PAGDATING. :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei