Friday, February 11, 2011

Ang totoong dahilan kung bakit maraming babaeng mang-aagaw...

Posted by PinkManure at 9:51 AM


Kasalanan na nga siguro ng karelasyon o asawa mo kung bakit siya nagpapalandi sa mga babaeng walang ibang hinangad kundi manira ng isang masayang relasyon, pero sa totoo lang... may isang malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa ito.

Ang tinutukoy ko ay yung babae. 

Dalawang uri lang ang lalaki sa mundo. Isang may silbi at karapat-dapat magkaroon ng isang maayos na relasyon at ang isa'y walang kwenta kaya't hindi makakuha ng maayos na relasyon. 

Lahat ng babae, bukod sa gusto nilang mahalin sila ay gustong sigurado sila sa lalaking mamahalin nila. Karamihan ng lalaking kayang magdala ng isang relasyon ay....... nasa isang relasyon.

Kaya't maraming babaeng mahilig mang-agaw at umeeksena pa kahit alam nilang may asawa o girlfriend na. Bakit ka nga naman pupusta sa isang bagay na hindi ka na sigurado kung meron namang isang SURE WIN ka na? 

Isang matalinong desisyon.... ngunit para sa isang makasariling hangarin.

---
Mula dito ang larawan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei