Wednesday, August 10, 2011

Virginity, Uso Pa Ba Yon?

Posted by PinkManure at 4:03 PM


Sa Katolikong bansa na tulad ng Pilipinas, ang pagiging birhen *virginity* ay isang napakahalagang aspeto na nagdidikta sa buong pagkatao ng isang babae. 


Dahil sa bansang ito, itinuturing na imoral ang pakikipagtalik bago angkasal at ang sinumang sumusuway dito ay "madumi" o "mababaw" na babae ayon sa simbahan. Imoral ang tawag sa kanila. Utos ng Diyos na magpakasal bago pa man makipagtalik. OO UTOS ITO NI BRO.


Kung totoong utos ito ni "Bro"... bakit kaya babae lamang ang nakakaramdam ng ganitong panghuhusga sa mata ng samabayanan? Bakit kaya sa tuwing malalaman ng mga tao na nakipagtalik ang dalagang si Juana sa isang binata, ay napakalaking usapin na ito. Samantalang ang kaedad niyang si Juan na nakipagtalik na sa limang babae ay ni hindi man lamang maisipan ng masama.


Tatanggapin na lang ba natin ang dahilan na, "Lalaki kasi siya."?


At ang lalaki ay ligtas sa impyerno ng kasalanan? Malamang tanggap natin na sadyang hindi pantay ang pagtingin ng mundo sa babae't lalaki. Ngunit hindi ito tungkol sa masaklap na katotohanan na iyan. Isinulat ko ito para sabihin sa mga kapwa ko babae na:


HINDI ANG PAGIGING BIRHEN ANG MAGDIDIKTA NG IYONG PAGKATAO.


Nawala mo ito sa isang lalaking hindi ka pinahalagahan at ngayon pakiramdam mo wala ng iba pang mag-iinteres sa iyo? Bakit? Iyon lang ba ang kaya mong ibigay? Wala ka bang magandang pagkatao? Wala ka bang magandang ugali? Hindi mo ba kayang magmahal ng totoo?


Importante ito, oo. Pero naniniwala akong ang lalaking tunay na nagmamahal ay magagawang tanggapin kung anong meron sa iyo.... at kung anong nawala na sa iyo. 


Ilang beses ko na siguro nasabi ito, pero sasabihin ko ulit. Sa mga babaeng nakakabasa nito, huwag na huwag mong ituring na kawalan ang isang bagay na ibinigay mo ng buong buo sa isang taong minahal mo ng totoo. Maaring hindi ka nga niya minahal at yun lang ang habol niya sa iyo, pero hindi mo kasalanan iyon.


Lagi mong iniisip na kasalanan mo kung bakit hindi ka minamahal, sineseryoso, pinapanagutan ng lalaki. Pero iisa lang ang kasalanan mo. Ang pinakamalaking kasalanan ng mga babae ay ang akuin ang mga kasalanang ginawa ng mga lalaki sa kanila






Mula dito ang larawan.

2 comments:

xerlynjoy said...

likey, friend! sa mga babae lang may issue ng virginity. pag sa lalaki kasi naging sense of pride nila na nakipag-sex na sila, pero pag sa babae, kababaan ng pagkatao yun, buti na lang, nagbabago nang paunti-unti ang panahon, dahil tama ka, HINDI ANG PAGIGING BIRHEN ANG MAGDIDIKTA NG IYONG PAGKATAO.

Aya on August 10, 2011 at 4:58 PM said...

gusto ko tuloy magpakasal sa isang virgin man. haha

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei