Wednesday, August 6, 2014

Hindi broken heart yan, Pag-iinarte tawag diyan...

Posted by PinkManure at 2:25 PM 0 comments

Pabata ng pabata yung mga naiinlove at nabobroken-hearted ngayon.

Mga High school students, minsan nga wala pang high school, nagdadrama na sila na broken-hearted sila. Makikita mo yung iba na magpopost pa ng ganito:

"Bhi3 Kow,

SoBr@Ng zkit Ng GinW@ U z@H Ack!n Pe0WHz. mINa'AL K!tahz Peroewz !NiWn u Q . Sna PIN@hTAYz u nAh laNhg acKo,SzalAmhAT szA taYm Muh Bhi3 , pIniL! MU3 ANh DOwTaH Kezs@ sa aCkeN, huhuBelLzz. iT'z BeTT@H tOo szaY Gudbai </3 ."

Salamat sa kaibigan kong si Cris na nagpahiram sa akin ng talento niya sa pagtatranslate sa JejeLanguage. Hindi ko rin siya mabasa, sa totoo lang. LOL

Kapag nakakakita ako ng ganito, ang naiisip ko lagi eh... (Bukod sa "Ano daw?")

"ANO KAYANG ALAM NILA SA BROKEN HEART?"

Alam ba nila kung ano ang tunay na broken heart? Oo, naniniwala ako na iba-iba tayo ng pinagdadaanan. Pero hindi ko talaga lubos maisip na etong mga batang to, na hindi pa nabubuhay sa mundo ng dalawang dekada, eh nakaranas na ng totoong broken heart.

Ano to? Niregla lang, lumandi na?

Dalawang Taon Makalipas Ang....

Posted by PinkManure at 1:58 PM 0 comments
Higit dalawang taon na rin mula noong huli kong post.

Anong bago sa akin?

Paano ko ba sisimulan?
  • Lumipat ako ng trabaho. (Sa pagkakataong ito, mas nalapit ako sa pangarap ko)
  • Marami akong naranasan sa love department.
  • Naging nanay ako.
  • Lumawak ang pang-unawa ko.
  • Hindi nagbago ang haba ng pasensya ko.
Ayan, na-update ko na kayo sa nangyari sa akin sa loob ng higit isang taon na nawala ako. At dahil naisip kong magsulat muli, because what the hell?! gusto ko munang magbigay ng paalala sa inyo.

PAALALA

Gusto ko sanang gumawa ng bagong blog dahil sa lahat ng nangyari sa akin nung mga nakalipas na taon, may mga bagay ako na natutunan at may mga bagay akong gustong baguhin sa blog na ito. May mga opinyon akong nag-improve sa tingin ko? o kaya naman eh tumaliwas sa dati kong opinyon.

Narealize kong ang babaw ko pala noon.

Pero nagdecide ako na i-retain ang blog na ito dahil na rin siguro gusto kong balikan kung paano ba ako mag-isip nung mas bata pa ako ng ilang taon. O siguro dahil tamad lang ako magsimula ulit.

Siguro mag-iiba ang boses ko sa mga susunod na post, maaring hindi kayo sumang-ayon o sumang-ayon na kayo sa wakas. Kung ano man yun, susubukan ko pa ring maging tapat sa bawat opinyon at payo na ibibigay ko. 

So paano ba? Buksan na ulit natin ang kubeta.

Saturday, March 31, 2012

Bakit ba nakakagawa ng krimen ang mga tao?

Posted by PinkManure at 12:00 PM 1 comments
Dahil ba sa wala silang pananampalataya sa Diyos?


Dahil sa mababang standard ng morality? Yan ang dahilan ng mga pulis ngayon kung bakit daw tumataas ang crime rate sa Pilipinas.






Hindi ba nakakatuwang isipin na ang upang masolusyonan ang mga patayan, nakawan at holdapan sa daan ay ang magturo ng mabuting asal sa bawat Pilipino?


Sa tingin ba ng mga pulis, ang mga kawatan na ito ay gumagawa ng krimen dahil sa likas sa kanila na maging masamang tao? Na pinanganak sila sa mundo at alam na nila na gagawa sila ng kasamaan sa mundo? Na hindi nila alam ang tama sa mali?


Oo, siguro nga ito ang mga dahilan at hindi ang kanilang kumakalam na sikmura. Ginusto nila iyon eh. Ang mga holdaper, snatcher, kidnapper nung bata pa lang sila, yun na ang pangarap nila. Ang mga prostitute sa daan, bata pa lang malandi na sila. Yun nga siguro ang dahilan at hindi ang hirap ng buhay nila.


Madaling sabihin na dahil sa likas na kasamaan ng isang tao kaya ito nakagawa ng krimen ngunit mahirap harapin ang tunay na problema at ungkatin ang mga dahilan kung bakit niya ito nagawa.


Kung gusto niyo mabawasan ang krimen sa bansa, pataasin niyo ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayan bago niyo sila turuan ng tamang paraan ng pamumuhay.


Noong unang panahon, naghanap muna ng pagkain ang mga ninuno natin bago nila naisipang gumawa ng pamayanan at sumunod sa mga batas. Basic needs first.


Nasubukan mo na bang mag-aral ng gutom? Mahirap, hindi ba? Para mas simple, ito na lang ang tandaan mo:


Mahirap magturo ng moralidad sa mga taong kumakalam ang sikmura. 


Mula dito ang larawan.

Friday, March 30, 2012

Diktadurya sa Paaralan?

Posted by PinkManure at 8:46 AM 0 comments
Note: Walang kinalaman ang larawan na ito sa balita

Habang nag-aagahan ay napanood ko ang balita tungkol sa pagpanig ng korte sa isang highschool student na hindi pinayagan ng kanyang paaralan na grumaduate dahil sa mga pictures na nakita sa Facebook niya na nakabikini, may hawak na sigarilyo at bote ng alak.

Iniutos ng korte na payagang umattend ng graduation ceremony ang estudyante. Habang wala namang komento ang skwelahan tungkol dito. Basahin ang buong balita dito.

Madalas tuwing umaga ay nagmamadali ako. Ngunit kanina dahil kasabay kong nanood ang nanay ko ng balita ay medyo napatagal ako. Sinabi ng nanay ko na kasalanan naman nung babae pero ang sabi ko, dapat alam ng school niya kung hanggang saan lang ang pwede nilang gawing panghihimasok sa buhay ng estudyante nila.

Kung ang dahilan nila ay immoral ang ginawa ng mga babae, hindi ba immoral din ang tawagin ng kung ano-anong pangalan ang babae, *like, slut, drunkkard etc*. Sasabihin ko sanang mali ang ginawa nung babae na yun, pero sino ba ako para magsabi nun? Hindi ako ipokrita, hindi ako malinis para husgahan siya. 

Sana yung mga taong nanghuhusga sa kanya ay kasing linis ng puting papel para matawag nila ito ng ganon.

Kung ang dahilan naman nila ay dahil sa ikasisira ito ng paaralan nila, sa paanong paraan? Hindi ba mas nakakasira sa paaralan nila ang nangyaring eskandalo dahil sa hindi sila marunong "magpatawad" at magbigay ng isa pang pagkakataon?

Sana maintindihan ng mga paaralan na ang kanilang mga estudyante ay may sari-sariling desisyon. Noong highschool ako, ang tanging paalala lang ng aming directress ay magpalit kami ng damit at wag gumawa ng kung ano-ano habang kami ay nakauniform. Siguro nga iniisip ng iba na kapabayaan ito... pero nagpapasalamat ako dahil ganon ang naranasan ko.

Bakit? Dahil alam ng paaralan namin kung hanggang saan lang ang sakop ng kapangyarihan nila sa amin. Hindi sila ipokrita, hinarap nila ang katotohanan na hindi naman talaga sila makakapagdesisyon para sa amin. Ginabayan nila kami, ngunit hindi nila pinaramdam na wala kaming kalayaan. Hindi ba ganon naman talaga dapat ang paaralan?

Mula dito ang larawan.

Monday, November 21, 2011

Ma, Hindi na talaga ako nagsisimba

Posted by PinkManure at 10:55 AM 1 comments
Sabi ng nanay ko, magsimba daw kami.

Sagot ko, "Ma, hindi na ako nagsisimba."

Kung may maipipintas ka siguro sa akin, ay yun ang hindi pagsisimba. Pero bago mo ako husgahan at itapon sa fiery depths of hell, makinig ka muna sa dahilan ko.

Siguro nga, kapintasan ko ito. Pero ayoko talagang magsimba. Simula nung tumuntong ako ng college, hindi na ako nagsimba. Hindi ko alam kung bakit pero ang dami ko ng hindi sinasang-ayunan sa simbahan. Madalas kapag napipilit akong magsimba, ang dami kong hindi sinasang-ayunan sa homily ng pari.

Kaya hindi na lang ako nagsisimba. Ayaw kong bastusin yung sermon sa pangongontra dito kaya hindi ko na lang pakikinggan, kaya hindi na lang ako magsisimba. Respeto tawag dun di ba? Sana yung mga taong pumipilit sa aking magsimba, maintindihan din ang kahulugan ng salitang yun. RESPETO.

Iyon kasi ang kulang sa relihiyon. Hindi sila makaintindi ng "freedom". Hindi nila maintindihan na may kalayaan bawat tao na mamili ng nanaisin nila. Kalayaan ng tao na magdesisyon kung magiging mabuti ba siya o magiging masama ba siya. Ang relihiyon, sinasabi niya lang na ito ang tamang landas, kapag tumaliwas ka dito, may kaparusahan ka.

Faith? Walang problema. Naniniwala ako sa Diyos. Pero hindi ko kailangan ng relihiyon na magsasabi sa akin noon. Ngunit hindi ako makikipagtalo sa mga taong kailangan pang magsimba para lang masabi na mabuti silang Katoliko. Hindi, desisyon niyo yan. Kalayaan niyo yan. Pero please, wag niyong akusahan ng kung anu-ano ang mga taong pinipiling wag magsimba.

Sige na, para matahimik na kayo. Masusunog na ko sa impyerno.

Tuesday, October 25, 2011

SO WHAT?! -- Best Breakup Song

Posted by PinkManure at 1:25 PM 0 comments
Bago ang lahat humihingi ako ng tawad dahil sa matagal kong pagkawala. Hindi ko alam kung namiss niyo ba ako pero ia-assume ko na lang na, oo namiss niyo ako.


Ano ba ang magandang isulat para muling simulan ang naiwan kong gawain? Habang nagsusulat ako ngayon ay nakikinig ako sa kanta ni Pink na ang title ay ang title ng blog na ito.


So What?!


Isang napakagandang kanta na naglalaman ng isang napakagandang mensahe. Hindi ko alam kung bitter lang ba ang kantang ito o sadyang pinapahiwatig lang ng kantang ito na kaya kong mag-isa kahit wala ang taong inaakala kong hindi ko kayang mawala sa buhay ko.


I'm inspired. Sa tuwing malungkot ako, pinapakinggan ko ito. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang kapag malungkot ka, wag kang makikinig ng radyo dahil mas malulungkot ka lang. Para sa akin, makinig ka ng mga kantang akma sa sitwasyon mo. 


Most of the times, being happy is a choice. Samantalahin mo ang mga pagkakataong ito. Wag kang makinig ng mga kantang magpapamukha sayo kung gaano kamiserable ang buhay mo kapag wala siya. Huwag kang makinig ng mga kantang magpaparealize sayo na loser ka.


Oo. Paborito ko itong kantang to. Dahil dito, naaalala ko yung mga taon na wala siya sa akin at kinaya kong mabuhay mag-isa. Naaalala kong kaya ko... kinaya ko noon at kakayanin ko ulit.


Wala na siya sa akin, SO WHAT?!

Saturday, October 15, 2011

Dream Boy VS Real Boy

Posted by PinkManure at 10:19 AM 0 comments
Walang yardstick sa pagmamahal.


Teka, ano ba ang yardstick? Panukat.. parang ruler na mas malaki. Oo, yun lang yun. Sa pagmamahal, naman, ang yardstick ay ang measurement ng tao sa paningin mo. Parang standards, requirements, qualifications


Lahat naman tayo may mga standards sa isang karelasyon hindi ba? Minsan nga lang masyadon tayong nacoconsume sa kung ano ang dapat meron kaya hindi natin napapansin kung ano na ba ang meron. Yung iba gusto maputi, gwapo, matangkad, matalino, mayaman, malinis, mabango. Dapat all in one package. Hindi pwedeng matalino lang pero hindi mayaman. Hindi pwedeng maputi pero hindi  gwapo.


Oo, masarap talagang makasalubong ang dream boy mo habang namimili ka ng ilang boteng ambrosia habang nakasakay ka sa isang kulay pink na unicorn... pero sa kasamaang palad, mahirap mangyari ito.


They are called dream boys for a reason... they only exist in dreams.


Which is better? Yung lalaking nakikita mo sa pagpikit ng mata mo o yung lalaking hindi man kasing perpekto ng lalaki sa panaginip mo, ay nandyan naman sa tabi mo, hawak ang kamay mo?


"Dream boys are the best guys in the world... but real boys are even better, 'cuz they are real."


P.S.


May kilala akong ganito. Matalik kong kaibigan, at oo... ang dami niyang standards sa lalaking mamahalin. Na minsan hindi na makatotohanan ang mga lalaking ito. Ngunit mukhang siniswerte siya dahil nakakatagpo niya ang mga dream boys niya... malas nga lang dahil kapag nakakatagpo niya ang mga ito ay may sarili na silang prinsesa. 


Pero ngayong nakahanap ka na ng totoong lalaki, sana maging totoo ka na sa nararamdaman mo. Goodluck!



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei