Wednesday, August 6, 2014

Hindi broken heart yan, Pag-iinarte tawag diyan...

Posted by PinkManure at 2:25 PM 0 comments

Pabata ng pabata yung mga naiinlove at nabobroken-hearted ngayon.

Mga High school students, minsan nga wala pang high school, nagdadrama na sila na broken-hearted sila. Makikita mo yung iba na magpopost pa ng ganito:

"Bhi3 Kow,

SoBr@Ng zkit Ng GinW@ U z@H Ack!n Pe0WHz. mINa'AL K!tahz Peroewz !NiWn u Q . Sna PIN@hTAYz u nAh laNhg acKo,SzalAmhAT szA taYm Muh Bhi3 , pIniL! MU3 ANh DOwTaH Kezs@ sa aCkeN, huhuBelLzz. iT'z BeTT@H tOo szaY Gudbai </3 ."

Salamat sa kaibigan kong si Cris na nagpahiram sa akin ng talento niya sa pagtatranslate sa JejeLanguage. Hindi ko rin siya mabasa, sa totoo lang. LOL

Kapag nakakakita ako ng ganito, ang naiisip ko lagi eh... (Bukod sa "Ano daw?")

"ANO KAYANG ALAM NILA SA BROKEN HEART?"

Alam ba nila kung ano ang tunay na broken heart? Oo, naniniwala ako na iba-iba tayo ng pinagdadaanan. Pero hindi ko talaga lubos maisip na etong mga batang to, na hindi pa nabubuhay sa mundo ng dalawang dekada, eh nakaranas na ng totoong broken heart.

Ano to? Niregla lang, lumandi na?

Dalawang Taon Makalipas Ang....

Posted by PinkManure at 1:58 PM 0 comments
Higit dalawang taon na rin mula noong huli kong post.

Anong bago sa akin?

Paano ko ba sisimulan?
  • Lumipat ako ng trabaho. (Sa pagkakataong ito, mas nalapit ako sa pangarap ko)
  • Marami akong naranasan sa love department.
  • Naging nanay ako.
  • Lumawak ang pang-unawa ko.
  • Hindi nagbago ang haba ng pasensya ko.
Ayan, na-update ko na kayo sa nangyari sa akin sa loob ng higit isang taon na nawala ako. At dahil naisip kong magsulat muli, because what the hell?! gusto ko munang magbigay ng paalala sa inyo.

PAALALA

Gusto ko sanang gumawa ng bagong blog dahil sa lahat ng nangyari sa akin nung mga nakalipas na taon, may mga bagay ako na natutunan at may mga bagay akong gustong baguhin sa blog na ito. May mga opinyon akong nag-improve sa tingin ko? o kaya naman eh tumaliwas sa dati kong opinyon.

Narealize kong ang babaw ko pala noon.

Pero nagdecide ako na i-retain ang blog na ito dahil na rin siguro gusto kong balikan kung paano ba ako mag-isip nung mas bata pa ako ng ilang taon. O siguro dahil tamad lang ako magsimula ulit.

Siguro mag-iiba ang boses ko sa mga susunod na post, maaring hindi kayo sumang-ayon o sumang-ayon na kayo sa wakas. Kung ano man yun, susubukan ko pa ring maging tapat sa bawat opinyon at payo na ibibigay ko. 

So paano ba? Buksan na ulit natin ang kubeta.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei