Pabata ng pabata yung mga naiinlove at nabobroken-hearted ngayon.
Mga High school students, minsan nga wala pang high school, nagdadrama na sila na broken-hearted sila. Makikita mo yung iba na magpopost pa ng ganito:
"Bhi3 Kow,
SoBr@Ng zkit Ng GinW@ U z@H Ack!n Pe0WHz. mINa'AL K!tahz Peroewz !NiWn u Q . Sna PIN@hTAYz u nAh laNhg acKo,SzalAmhAT szA taYm Muh Bhi3 , pIniL! MU3 ANh DOwTaH Kezs@ sa aCkeN, huhuBelLzz. iT'z BeTT@H tOo szaY Gudbai </3 ."
Salamat sa kaibigan kong si Cris na nagpahiram sa akin ng talento niya sa pagtatranslate sa JejeLanguage. Hindi ko rin siya mabasa, sa totoo lang. LOL
Kapag nakakakita ako ng ganito, ang naiisip ko lagi eh... (Bukod sa "Ano daw?")
"ANO KAYANG ALAM NILA SA BROKEN HEART?"
Alam ba nila kung ano ang tunay na broken heart? Oo, naniniwala ako na iba-iba tayo ng pinagdadaanan. Pero hindi ko talaga lubos maisip na etong mga batang to, na hindi pa nabubuhay sa mundo ng dalawang dekada, eh nakaranas na ng totoong broken heart.
Ano to? Niregla lang, lumandi na?