To be friends or not to be friends?
Isang malaking tanong ang karaniwang gumugulo sa mga kababaihan na dumadaan sa serye ng malulungkot na pangyayari sa kanilang buhay pag-ibig.
Madalas ito ang linya ng mga taong sangkot sa gulong ito, “Friends pa rin tayo ha?”
Kapag sinasabi sa akin ito ang tanging nais kong isagot ay, “Bakit?”
Kailangan pa ba iyon? Para saan? Bakit hindi na lang tayo maging “hindi magkaibigan”? Bakit ko pipiliing kaibiganin ka? Para saan pa?
Pero madalas hindi ko ito sinasabi dahil ako mismo’y takot pag-isipan na “bitter” ako. Kaya kapag tinanong ako ng isang napakatangang tanong na iyan, ang tanging naisasagot ko lamang ay, “Syempre naman.”
Ngunit hindi ibig sabihin nito ay totoo ito.
Bakit katangahan ang pakikipagkaibigan sa mga taong tinatawag nating “ex”?
Hindi ko sinasabing hindi ka pwedeng makipagkaibigan muli sa kanila, ngunit ang gawin silang kaibigan agad-agad matapos ng masalimuot na paghihiwalay ay isang malaking katangahan.
Una sa lahat, ito ay dahil alam mong hindi lang basta “friendship” ang gusto mo. Alam mo sa sarili mo na kaya gusto mo siyang maging kaibigan ay dahil hindi mo siya kayang mawala sa buhay mo. At hindi ito makakatulong sa tinatawag nating “moving on”.
Madalas ang pagiging magkaibigan matapos ang isang relasyon ay ginagawang palusot ng kababaihan upang mapalapit muli sa lalaking minahal nila.
Kailan mo masasabing handa ka ng maging kaibigan siya? Kapag kaya mo ng sagutin ang “OO” ang mga sumusunod na tanong:
- Pagkakaibigan lang ba talaga ang habol ko?
- Hindi ba ako umaasang magkakabalikan kami?
- Hindi ko ba ginagawang dahilan ang pagkakaibigan na ito para lang mahalin niya ulit ako?
Napag-isip ka ng mga tanong na iyan hindi ba? Maging totoo ka sa iyong sarili. Sagutin mo iyan ng buong puso mo. Huwag mong lokohin ang sarili mo.
Kung magiging kayo ulit, edi okay. Masaya. Pero wag kang umasa. Sa huli pinahiya mo lang ang sarili mo. Masasaktan ka ulit, at iisipin mong dahil ito sa kanya… ngunit ang totoo, nagpaasa ba talaga siya o umasa ka lang talaga?
2 comments:
Ang taray! haha pero tagos!! Loooove it :) visitor from GT :)
^ hallow. welcome to my blog. :)
Post a Comment