Walang yardstick sa pagmamahal.
Teka, ano ba ang yardstick? Panukat.. parang ruler na mas malaki. Oo, yun lang yun. Sa pagmamahal, naman, ang yardstick ay ang measurement ng tao sa paningin mo. Parang standards, requirements, qualifications.
Lahat naman tayo may mga standards sa isang karelasyon hindi ba? Minsan nga lang masyadon tayong nacoconsume sa kung ano ang dapat meron kaya hindi natin napapansin kung ano na ba ang meron. Yung iba gusto maputi, gwapo, matangkad, matalino, mayaman, malinis, mabango. Dapat all in one package. Hindi pwedeng matalino lang pero hindi mayaman. Hindi pwedeng maputi pero hindi gwapo.
Oo, masarap talagang makasalubong ang dream boy mo habang namimili ka ng ilang boteng ambrosia habang nakasakay ka sa isang kulay pink na unicorn... pero sa kasamaang palad, mahirap mangyari ito.
They are called dream boys for a reason... they only exist in dreams.
Which is better? Yung lalaking nakikita mo sa pagpikit ng mata mo o yung lalaking hindi man kasing perpekto ng lalaki sa panaginip mo, ay nandyan naman sa tabi mo, hawak ang kamay mo?
"Dream boys are the best guys in the world... but real boys are even better, 'cuz they are real."
P.S.
May kilala akong ganito. Matalik kong kaibigan, at oo... ang dami niyang standards sa lalaking mamahalin. Na minsan hindi na makatotohanan ang mga lalaking ito. Ngunit mukhang siniswerte siya dahil nakakatagpo niya ang mga dream boys niya... malas nga lang dahil kapag nakakatagpo niya ang mga ito ay may sarili na silang prinsesa.
Pero ngayong nakahanap ka na ng totoong lalaki, sana maging totoo ka na sa nararamdaman mo. Goodluck!
Saturday, October 15, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment