Maliban sa pagsasabi sa magulang mo ng, "Hindi ko na po uulitin.", sa kaibigan mo ng, "On the way na ako.", sa boyfriend mo ng "Kaibigan ko lang yun." at sa girlfriend mo ng "I love you."
Meron pa bang mas madalas gamiting kasinungalingan na hanggang sa ngayon ay umiiral pa rin sa mundo? Ang totoo... MERON PA! OO! PROMISE!
Sabihin mo nga, may mas sikat pa ba dito:
Kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, mabuti pang kalimutan mo na lang ngunit lahat na ata ng tao sa mundo ay ginamit ito. Kaya kung sasabihin mo na hindi ka pa nagsinungaling sa buong buhay mo.... SINUNGALING KA!
Aminin mo man at hindi... sino ba sa atin ang talagang nagbabasa ng LICENSE AGREEMENT ng kahit anong produkto, software, services na ginagamit natin?
Natural na ata sa mga tao ang hindi nagpapatumpik-tumpik sa pagdedesisyon. Sa pagpili niyan, tatlong bagay ang pinapatunayan natin... hindi tayo mahilig magbasa, mabilis tayong magtiwala at madalas tayong magdesisyon ng pabigla-bigla.
Dalawa doon ang dapat nating pag-isipan. Ang mabilis na pagtitiwala ang nagdudulot ng maraming masamang pangyayari sa buhay. Habang ang pagdedesisyon pabigla-bigla ang nagdudulot ng maraming kamalian sa mundo.
Magkaiba ang madaling desisyon sa minadaling desisyon.
Kung lahat sana ng tao ay mahilig magbasa, hindi mabilis magtiwala at nag-iisip muna bago gumawa, naging maayos siguro ang karamihan ng buhay sa mundo.
0 comments:
Post a Comment