Sunday, February 20, 2011

Hindi ka babae kung wala kang crush.

Posted by PinkManure at 12:39 AM
Kung akala mong mababaw lang ang pagkakaroon ng crush sa babae, mali ka ng inaakala. Malamang para sa lalaki kababawan lang at hindi mahalaga ang crush... ngunit sa mga bababe, ang crush ang nagsisimula ng lahat ng bagay. Dito nag-uumpisa ang lahat. At para sa kanila, kabilang na sa pangarap nila ang makasama, maligawan o maka-date man lang ang crush nila.

Ganito ang babaeng may crush:
  • Crush mo lang, pero nagseselos ka na.
  • Naiinis ka kapag crush din siya ng kaibigan mo. Tinuturing mo siyang karibal, kahit bestfriend mo pa.
  • Mahilig kang "sumilay"
  • Iniiyakan mo pa nga minsan
  • Pakiramdam mo buo na ang araw mo makita mo lang siya.
  • Buo ang linggo mo kapag nag-hi siya sa iyo.
  • Ayaw mong malaman ng lalaking ito, pero paobvious ka naman madalas.
  • Kapag nalaman niya, naniniwala ka na iba na ang tingin niya sa iyo... in a positive way.
  • Madalas mali ang paniniwalang ito.
  • Totoo, minsan nagiging stalker ka niya.
  • Iniisip mo siya na talaga ang para sa iyo... kahit ang bilang ng mga crush mo ay higit sampu.
 Kakayanin ng babaeng hindi matali sa isang relasyon ng ilang taon. Pero hindi niya kayang hindi magkaroon ng kahit isang crush sa loob ng isang buwan. Pustahan pa tayo.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei