Tuesday, October 25, 2011

SO WHAT?! -- Best Breakup Song

Posted by PinkManure at 1:25 PM 0 comments
Bago ang lahat humihingi ako ng tawad dahil sa matagal kong pagkawala. Hindi ko alam kung namiss niyo ba ako pero ia-assume ko na lang na, oo namiss niyo ako.


Ano ba ang magandang isulat para muling simulan ang naiwan kong gawain? Habang nagsusulat ako ngayon ay nakikinig ako sa kanta ni Pink na ang title ay ang title ng blog na ito.


So What?!


Isang napakagandang kanta na naglalaman ng isang napakagandang mensahe. Hindi ko alam kung bitter lang ba ang kantang ito o sadyang pinapahiwatig lang ng kantang ito na kaya kong mag-isa kahit wala ang taong inaakala kong hindi ko kayang mawala sa buhay ko.


I'm inspired. Sa tuwing malungkot ako, pinapakinggan ko ito. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang kapag malungkot ka, wag kang makikinig ng radyo dahil mas malulungkot ka lang. Para sa akin, makinig ka ng mga kantang akma sa sitwasyon mo. 


Most of the times, being happy is a choice. Samantalahin mo ang mga pagkakataong ito. Wag kang makinig ng mga kantang magpapamukha sayo kung gaano kamiserable ang buhay mo kapag wala siya. Huwag kang makinig ng mga kantang magpaparealize sayo na loser ka.


Oo. Paborito ko itong kantang to. Dahil dito, naaalala ko yung mga taon na wala siya sa akin at kinaya kong mabuhay mag-isa. Naaalala kong kaya ko... kinaya ko noon at kakayanin ko ulit.


Wala na siya sa akin, SO WHAT?!

Saturday, October 15, 2011

Dream Boy VS Real Boy

Posted by PinkManure at 10:19 AM 0 comments
Walang yardstick sa pagmamahal.


Teka, ano ba ang yardstick? Panukat.. parang ruler na mas malaki. Oo, yun lang yun. Sa pagmamahal, naman, ang yardstick ay ang measurement ng tao sa paningin mo. Parang standards, requirements, qualifications


Lahat naman tayo may mga standards sa isang karelasyon hindi ba? Minsan nga lang masyadon tayong nacoconsume sa kung ano ang dapat meron kaya hindi natin napapansin kung ano na ba ang meron. Yung iba gusto maputi, gwapo, matangkad, matalino, mayaman, malinis, mabango. Dapat all in one package. Hindi pwedeng matalino lang pero hindi mayaman. Hindi pwedeng maputi pero hindi  gwapo.


Oo, masarap talagang makasalubong ang dream boy mo habang namimili ka ng ilang boteng ambrosia habang nakasakay ka sa isang kulay pink na unicorn... pero sa kasamaang palad, mahirap mangyari ito.


They are called dream boys for a reason... they only exist in dreams.


Which is better? Yung lalaking nakikita mo sa pagpikit ng mata mo o yung lalaking hindi man kasing perpekto ng lalaki sa panaginip mo, ay nandyan naman sa tabi mo, hawak ang kamay mo?


"Dream boys are the best guys in the world... but real boys are even better, 'cuz they are real."


P.S.


May kilala akong ganito. Matalik kong kaibigan, at oo... ang dami niyang standards sa lalaking mamahalin. Na minsan hindi na makatotohanan ang mga lalaking ito. Ngunit mukhang siniswerte siya dahil nakakatagpo niya ang mga dream boys niya... malas nga lang dahil kapag nakakatagpo niya ang mga ito ay may sarili na silang prinsesa. 


Pero ngayong nakahanap ka na ng totoong lalaki, sana maging totoo ka na sa nararamdaman mo. Goodluck!



Friday, October 14, 2011

Wag Abusuhin ang "Opinyon Ko To"

Posted by PinkManure at 2:17 PM 0 comments
Ilang beses na ba nating ginawa ang palusot na ito?


Madalas sinasabi natin ito kapag narealize nating mali pala yung opinyon natin. Ginagawa natin ito para hindi tayo magmukhang tanga o magmukhang natalo sa debate.


Opinyon. Ilang tao na ba ang umabuso sa salitang iyan? Ilang tao na ba ang nasaktan dahil lang sa may "opinyon" ka sa kanila? Dahil kapag sinabi ng tao na "opinyon" nila ito, hindi mo ito dapat pakialamanan-- universal rule iyon na dapat sinusunod ng lahat ng tao.


Kapag may sinabing masama sa iyo ang isang tao at naoffend ka, hihiritan ka nila ng "Opinyon ko to, matuto kang gumalang sa opinyon ko." E p*tangina naman. Matuto ka ring gumalang sa damdamin ng iba!

Tuesday, October 11, 2011

Ang buhay ay parang sale sa department store

Posted by PinkManure at 1:07 PM 2 comments
Kung hindi mo bibilhin ngayon...


Baka pagbalik mo, mas mahal na siya.


O kaya nabili na ng iba.

Monday, October 10, 2011

Masama Bang Mag-Isip Tungkol Sa Sex Ang Babae?

Posted by PinkManure at 1:58 PM 0 comments




Ayon sa blog stats ko, isa ito sa mga "keywords" na nagdadala sa mga tao dito sa blog ko. Kung sino man ang nagtype nito, salamat sa iyo dahil nagkaroon ako ng bagong topic.


Masama ba mag-isip tungkol sa sex?


Ang sagot diyan ay depende sa pagtatanungan mo. Itanong mo sa mga pari, sasabihin nila "Oo, kasalanan ito." Itanong mo sa mga psychologist at sasabihin nila na "Hindi, normal lang ito"


Itanong mo sa akin at sasabihin ko, "Huwag mong gawing kumplikado ang buhay mo."


Masyadong kumplikado ang mundo, mahirap gumawa ng tama lalo na kung ang susundan mo lamang ay ang ligaya na naidudulot ng isang bagay sa iyo. Mahirap namang lumigaya kung bawat kilos mo ay ibabatay mo sa  mga batas na ginawa ng lipunan para sa iyo.


Kaya hindi ako namumuhay sa ganitong paraan. Ang rule ko sa buhay? Magpakasaya ka. Bago ka naman naging Katoliko (o kahit ano pang relihiyon iyan), naging tao ka muna. At natural lang sa tao ang gumawa ng mga bagay na magpapakasaya sa kanila.


Sa babae lang naman issue ito hindi ba? Ang mga lalaki pwedeng mag-isip, mag-imagine, makipagkwentuhan at magpayabangan tungkol dito.


Mag-isip ka tungkol dito-- walang masama dito. Gawin mo ito, makipagkwentuhan ka tungkol dito. Walang masama. Ano ngayon kung may makarinig sa iyo? Ano ngayon kung may ma-offend sa sinabi mo? Bakit? Dahil lang sa babae ka? 


Noon, bawal din makipag-usap ang mga babae tungkol sa pulitika pero makalipas ang ilang taon, sumasali na sila sa pulitika. Kung iisipin lang natin na hindi naman tayo iba sa mga lalaking nag-uumpukan sa kwentuhang sex. Kung iisipin lang natin na "walang masama", darating din tayo sa panahon na normal ang mga babaeng nagchichismisan tungkol sa sex. 


One step at a time. Kaya nating baguhin ang pagtingin ng mundo sa mga babae.


Mula dito ang larawan.

Sunday, October 9, 2011

Cheating AGAIN doesn't ruin a relationship, lack of trust does.

Posted by PinkManure at 1:47 PM 0 comments
Magpakatotoo tayo.


Kapag niloko ka ng lalaki at tinanggap mo pa rin siya, madalas nasisira ang relasyon hindi dahil sa may babae ulit siya ngunit dahil sa hindi ka na nagtitiwala sa kanya.


Nuff said. --,

Saturday, October 8, 2011

Panget ka naman ah, wag ka na mag-inarte

Posted by PinkManure at 12:34 PM 1 comments
Napapansin niyo rin ba ito?


Yung mga babaeng nag-iinarte eh yung mga hindi magaganda? Hindi ko alam kung bakit. OKAY-- hindi naman ako maganda, pero yung pag-iinarte? Hindi ko naman gaano kadalas ginagawa yun.


Madalas kasi yung mga nagmamaganda, nagmamapogi... sila yung mga hindi naman kaaya-aya ang hitsura. Defense mechanism ba nila ito? Kasi hindi naman talaga sila maganda? Kasi panget talaga sila kaya dapat yung confidence nila to the highest level?


Sino ba kasi nagpauso nung kasabihan na "Beauty is the way you carry yourself". Feeling tuloy nila basta confident ka, maganda ka na. Hindi ko sinasabing mahiya ka kapag hindi ka maganda, pero sana naman ilevel mo sa hitsura mo yung pag-iinarte mo. Ito lang yun, ibagay mo sa hitsura mo ang confidence mo


Let's be realistic. Sabihin niyo ng ang sama kong tao at masyado akong mangdiscriminate pero sino ba naman ang hindi maiinis sa isang babae o lalaking kung umasta eh akala mo artista samantalang mukha naman silang katulong? Nakakainit sa mata di ba? At mas lalong nakakainit sa tenga yung "OH MY GAWWWDDD... YOUR EATING THAAAT??? THAT'S SOOO YUCKYYYY I MEAN IT'S SOOOO DIRTY... ITS SOOO KADIRI!!"


Pabili nga ng shirt na ito:



Mula dito ang larawan.

Friday, October 7, 2011

Single with capital S!

Posted by PinkManure at 10:42 AM 2 comments
May guest blogger ako! 


YEHEY SIKAT NA BLOG KO! *insert pangarap here*


Basahin niyo ito. Isinulat ito ng kaibigan kong naglakas loob na tumae sa aking inidoro. Kung nagustuhan mo ito, bisitahin mo rin ang kanyang kubeta sa Iba't Ibang Kaisipan at Ideya.


---


"Hindi malungkot mag-isa. Dumarating talaga sa buhay ng tao kung kailan gugustuhin niyang makasama wala nang iba kundi ang sarili niya. Hindi malungkot ang pag-iisa, ang malungkot lang eh kapag sawa ka nang mag-isa, gusto mo ng kasama, wala kang makita."

     Nagawa ko 'yan around the late quarter of the year 2008. Obviously, I was alone when typing those words on my cellphone's text box. Well, the statement isn't directed to someone of romantic relationship with me or the likes of it, but, it was directed to a friend or friends since they're all I've got besides my family. But this article I'm writing down aims to center on the issue of romance. (wink)

     Being single doesn't connote to any negative feeling or outlook. Though I am single, I am happy. I got to do the things that please me; I have all the time in the world since I'm not sharing it with anybody. I love reading books, that's where I got inspiration in writing--I write because I read, and it's fun. While I'm still a student, I usually spend the two-month vacation with my books, in my room, and all those written thoughts of various writers I fancy reading.

     Being single lets me save my money. I don't have someone to communicate with regularly via text messages or calls; in short, I don't have to allot money on cellphone load! That's one great thing because my brother usually burn all his money on that, (insert laughter here!)

     I am happy and I love myself--enough for me to realize that I should share the love since it's overflowing inside of me (insert longer laughter here!) Yes, stated that right, I wanna have a boyfriend. I wanna experience it, I wanna know it.

     And most of all, I wanna know myself. I already know myself as a daughter, a sister, and a friend, so now; I wanna know how I am to be a girlfriend. Reading and watching love stories may have affected my thinking since I always have an opinion on things, be it whatever, that I actually thought annoys people sometimes. The thoughts came rushing through my mind of what would I do if I am in that situation, then I'll convince myself that this is what I'll do with this situation and that on that one. It's one of the MEs that I know I wouldn't get to meet by myself even if I spend my whole life imagining it.

     On and on that I eventually stopped myself and thought of the famous "what ifs". They say you do stupid things when you're in love. Maybe I could agree coz I've experienced crushes and yes, ashamed as I am, I do did things silly, (smiles).

     Letting the curious me emerge, I wanna know for myself how would I act to certain situations if I am the one playing the role and not just someone who scrutinize from the pages of the book, or from the screen of our TV set.



---


PANAWAGAN: 


Kailangan po niya ng boyfriend. Bago man lang magunaw ang mundo, kailangan niyang makartikim ng luto ng diyos. Kung meron kayong kilala, pakilagay na lang ang contact details sa comment box. Salamat. :)

Thursday, October 6, 2011

Hindi Lahat ng Kabit Kasing Ganda ni Anne Curtis. Wag Kang Maki-Relate.

Posted by PinkManure at 9:27 AM 5 comments
Pero hindi rin naman lahat ng asawa ay kasing ganda ni Christine Reyes. Kaya wala tayong karapatang makirelate.


Sana para naging mas makatotohanan yung pelikula, ginawa nilang mahirap yung mga bida. Hindi kasing ganda nung dalawa, at yung lalaki, hindi kasing hot ni Derek.


Malapit ba ito sa totoong buhay? Hindi siguro. Kasi ang totoo, madalas nananalo yung kabit at iiwan yung asawa at anak. Kung swerte ka, susustentuhan nung tatay yung mga anak niya, kung malas ka naman, maglalaho na lang kahit sa peripheral vision mo yung asawa mo.


Kung matalo man yung kabit, hindi ito magsosorry sa asawa. Sabihin niyo sa aking hindi totoo. Ang mga kabit naman, laging sinasabi na, "Ang tanging kasalanan lang namin ay ang magmahal sa maling tao." Siguro sa pagsasabi niyan, pakiramdam nila najajustify nila yung ginawa nila. Siguro pakiramdam nila, may redemption behind blaming everything to love. Kasi nga naman, pagdating sa love, may lisensya lahat ng tao na magpakatanga.


At dahil sa pelikulang "No Other Woman", maiisip na naman ng mga babaeng mang-aagaw na OKAY LANG. Kasi nga naman, pinakita dun na HINDI RIN NAMAN NILA GUSTO, naghahanap lang sila ng lalaking magmamahal sa kanila. Not all the time, our lives turn out like how movies end up.

Tuesday, October 4, 2011

Long Distance Relationship -- Nagwowork ba talaga?

Posted by PinkManure at 2:45 PM 6 comments
Do I consider myself na long distance relationship(LDR) kami? Compared to other relationships, we may not be oceans apart, pero miles apart naman. Pwede na siguro yun di ba? So siguro naman, I'm licensed to give an opinion about this type of relationship.


Halos lahat na ata ng tao sinasabi na pangit at imposible ang ganitong setup. Kung nasa ganito kang relasyon, malamang ang daming nagsasabi sa iyo na hindi kayo magtatagal. Kung papasok ka sa ganitong setup, malamang naisip mo na ring kesa mahirapan kayo parehas, eh bitawan mo na lang siya.


Maling mali ito. Oo, you will need to double time, effort, understanding, trust and patience. Lahat dapat doble. Mahirap ito, pero hindi ito imposible. 


Isipin mo, hindi tulad ng ibang relasyon na lagi kayong magkasama, pwede kayong hindi magpansinan kapag magkaaway kayo.... at hinding hindi mo maiisip na hindi na kayo makakapag-usap ulit. 


Sa LDR, ang isang araw na hindi pag-uusap ay katumbas ng isang linggo. Kapag hindi na kayo nagpansinan, mas matindi ang impact nito sa inyo. Parang double-edged sword. It could worsen or heal your relationship. Bukod pa doon, mas malakin ang chance na hindi na talaga kayo mag-usap dahil hindi naman kayo magkikita sa tuwing lalabas ka ng bahay niyo.


Ang mga bagay na "wala lang" para sa isang normal relationship, ay "big deal" sa LDR.


LDR makes you stronger, tougher and wiser.

Monday, October 3, 2011

Movie Review Kunwari : No Other Woman

Posted by PinkManure at 9:53 AM 0 comments


"Honey, gusto kong manood ng No Other Woman."

"Corny yun. Johnny English na lang."

Usapan namin yan ng boyfriend ko nung niyaya ko siyang manood ng sine. It's our traditional monthly date. Kung magtataka ka bakit ko sinabing monthly, long distance relationship po kami and we just make it a point to see each other every month dahil mas economically friendly ito.

Johnny English. Comedy. Fine.

I lost. Pumayag na rin ako. Kesa naman manood kami ng No Other Woman tapos kalahati ng film, tutulugan niya ako, edi dun na lang sa gusto niya. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako magmamaktol pagpunta ng sinehan.

Sa bilihan ng tiket, habang nakapila nakasimangot ako. Pagbalik niya, may ticket na siya.

"Cinema 9" = No Other Woman.

YEHEY! Panalo ako! Lagi talagang effective ang pagmamaktol ko. haha

No Other Woman. Istorya ng isang mag-asawa at isang babaeng kabit.

Sa totoo lang, dahil sa palabas na iyon naintindihan ko ang istorya nila. Pero hindi ko pa rin matanggap na kaya ng babaeng maging kabit. Here are the most prominent lines I remembered.

"A woman only becomes a mistress when there's emotional attachment. I will never become your mistress." -- Cara (Anne Curtis)
---
"Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher! Maagawan ka! Lumaban ka!" -- Charmaine's Mom (Carmi Martin)
---
"Kapag ang lalaki, maraming babae, okay lang yun atleast sa iyo pa rin umuuwi. Pero kapag may suking kabit na siya, iba na yun. Dun lumaban ka na." -- Charmaine's Mom (Carmi Martin)
---
A scene in the mall, with Cara and Cha both wearing violet, trying to buy the same bag.
Cha: Are you going to get this one? Kasi kung hindi kukunin ko na to.
Cara: Actually, I am going to buy it.
Cha: Okay, it's yours then. I know how to play fair. Hindi naman ako mang-aagaw.
---
A scene in Cha's kitchen
Cara: Is there anything I could do to help?
Cha: Nako wag na. Mamaya makita mong nilalagyan ko ng lason yung pagkain mo
---
"Alam mo, the way to a man's heart is through his stomach. Pero sa ganda mong yan siguro marami kang alam na shortcut." --Cha
---
"Ang marriage parang exclusive village lang. Kailangan binabantayan para hindi makapasok ang mga squatter." --Cha (Christine Reyes)
---
"Anung gagawin ninyo if the only man you love is unfortunately married? I'm not gonna give up Ram without putting up a goddamn fight!"-- Cara
---
"Buti nakapasok ka pa dito sa resort. Bawal kasi ang ugaling squatter dito" -- Cara
---
"Swimsuit mo ba yan? O balat mo?" --Cha reffering to Cara's snake-skin swimsuit
---
"I enjoyed your husband, just as much as you do." --Cara
---
"You can call me anything you want. Ahas. Bitch. But I will never be a pathetic, boring wife like you."-- Cara
---
"Ano pa bang kulang? May kulang ba sa niluto ko? Hindi ba ko maganda? Kasi ang sakit sakit, Ram. Ang sakit sakit." --Cha
---


Epic lines. Forgot the rest. But I did enjoy it. Maganda pagkakagawa ng script, maganda ang takbo ng story. Walang dull moments. Good phasing. Hindi ka aantukin. Maaksyon, at maraming simpleng catfights. Highly recommended ko to.

Did my boyfriend sleep through the whole movie? Nah, parts of it only. At natatawa pa nga siya sa ibang linya.

Saturday, October 1, 2011

Reklamador AKO!

Posted by PinkManure at 3:29 PM 2 comments
Seryosong sakit na ata ito.


Ang dami kong reklamo sa mundo. Minsan natatakot na rin ako. Pero iisa-isahin ko dito dahil baka sakaling irereklamo mo rin ang mga ito, edi pwede tayong gumawa ng petisyon para mawala na sila.


  • Mga taxi na namimili ng pasahero. Sana nagdrive na lang sila ng FX kung meron silang preferred na ruta di ba?
  • Mga saleslady sa tiangge na para bang itatakbo mo yung paninda nila. Salestalk kung salestalk pero dapat bang sundan ka nila na parang shoplifter ka? Marunong naman ako magbayad di ba?
  • Mga naniningit sa ATM. Nuff said.
  • Mga barkadang kung makapagkwentuhan sa jeep ay parang nirentahan nila ito. Pwede ba? Umupa na lang kayo ng service.
  • Mga taong nagpapayabangan ng cellphones nila in public. Maholdap sana kayo.
  • Mga lalaking dalawang pares ata ang b*yag kung makabukaka sa jeep.
  • Magjowang kung makapaglampungan sa jeep e parang walang nakakakita sa kanila. Sarap pag-umpugin. Makuntento na lang kayo sa akbay o holding hands.
  • Mga crew sa fastfood na ang hilig makipagkwentuhan sa isa pang crew habang mahaba ang pila sa lane nila.
  • Mga taong nasa mall na nagtatanong ng "May credit card ka na ba?" Ang sarap sagutin ng. "Pake mo?!"
  • Mga friends sa Facebook na walang ibang alam gawin kundi palitan ang relationship status nila. *kabilang ako dati dito. wahahaha*
  • Mga taong laging late. Tapos pag tinanong mo kung asan na sila sasabihin nila, "On my way." San ba banda yang "On my way" na yan? Para naman diyan na lang tayo magkita.
  • Mga taong nagtatanong ng "Papasok ka ba?" Bakit? Dala ko ba susi ng opisina/school?
  • Yung mga taong nakikitawa sa barkada niyo. *okay sige, di pala sila nakakainis. nakakaawa sila.*
  • Yung mga taong kumakanta sa cr.......... ng mall.
  • Yung mga players ng dance revolution sa Time Zone na nasa "IMBA GOD-LIKE MODE" yung nilalaro nila. Akala ba nila mukha silang magaling? Mukha silang tanga.
Kung may isa diyan na kinaiinisan mo rin, tara gawa tayo ng petisyon para mabura na sila sa mundo.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei