Monday, October 10, 2011
Masama Bang Mag-Isip Tungkol Sa Sex Ang Babae?
Ayon sa blog stats ko, isa ito sa mga "keywords" na nagdadala sa mga tao dito sa blog ko. Kung sino man ang nagtype nito, salamat sa iyo dahil nagkaroon ako ng bagong topic.
Masama ba mag-isip tungkol sa sex?
Ang sagot diyan ay depende sa pagtatanungan mo. Itanong mo sa mga pari, sasabihin nila "Oo, kasalanan ito." Itanong mo sa mga psychologist at sasabihin nila na "Hindi, normal lang ito"
Itanong mo sa akin at sasabihin ko, "Huwag mong gawing kumplikado ang buhay mo."
Masyadong kumplikado ang mundo, mahirap gumawa ng tama lalo na kung ang susundan mo lamang ay ang ligaya na naidudulot ng isang bagay sa iyo. Mahirap namang lumigaya kung bawat kilos mo ay ibabatay mo sa mga batas na ginawa ng lipunan para sa iyo.
Kaya hindi ako namumuhay sa ganitong paraan. Ang rule ko sa buhay? Magpakasaya ka. Bago ka naman naging Katoliko (o kahit ano pang relihiyon iyan), naging tao ka muna. At natural lang sa tao ang gumawa ng mga bagay na magpapakasaya sa kanila.
Sa babae lang naman issue ito hindi ba? Ang mga lalaki pwedeng mag-isip, mag-imagine, makipagkwentuhan at magpayabangan tungkol dito.
Mag-isip ka tungkol dito-- walang masama dito. Gawin mo ito, makipagkwentuhan ka tungkol dito. Walang masama. Ano ngayon kung may makarinig sa iyo? Ano ngayon kung may ma-offend sa sinabi mo? Bakit? Dahil lang sa babae ka?
Noon, bawal din makipag-usap ang mga babae tungkol sa pulitika pero makalipas ang ilang taon, sumasali na sila sa pulitika. Kung iisipin lang natin na hindi naman tayo iba sa mga lalaking nag-uumpukan sa kwentuhang sex. Kung iisipin lang natin na "walang masama", darating din tayo sa panahon na normal ang mga babaeng nagchichismisan tungkol sa sex.
One step at a time. Kaya nating baguhin ang pagtingin ng mundo sa mga babae.
Mula dito ang larawan.
Categories
Keywords
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment