Do I consider myself na long distance relationship(LDR) kami? Compared to other relationships, we may not be oceans apart, pero miles apart naman. Pwede na siguro yun di ba? So siguro naman, I'm licensed to give an opinion about this type of relationship.
Halos lahat na ata ng tao sinasabi na pangit at imposible ang ganitong setup. Kung nasa ganito kang relasyon, malamang ang daming nagsasabi sa iyo na hindi kayo magtatagal. Kung papasok ka sa ganitong setup, malamang naisip mo na ring kesa mahirapan kayo parehas, eh bitawan mo na lang siya.
Maling mali ito. Oo, you will need to double time, effort, understanding, trust and patience. Lahat dapat doble. Mahirap ito, pero hindi ito imposible.
Isipin mo, hindi tulad ng ibang relasyon na lagi kayong magkasama, pwede kayong hindi magpansinan kapag magkaaway kayo.... at hinding hindi mo maiisip na hindi na kayo makakapag-usap ulit.
Sa LDR, ang isang araw na hindi pag-uusap ay katumbas ng isang linggo. Kapag hindi na kayo nagpansinan, mas matindi ang impact nito sa inyo. Parang double-edged sword. It could worsen or heal your relationship. Bukod pa doon, mas malakin ang chance na hindi na talaga kayo mag-usap dahil hindi naman kayo magkikita sa tuwing lalabas ka ng bahay niyo.
Ang mga bagay na "wala lang" para sa isang normal relationship, ay "big deal" sa LDR.
LDR makes you stronger, tougher and wiser.
Tuesday, October 4, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
6 comments:
LDR kami ng asawa ko sa first two years ng relationship namin nung magboyfriend/girlfriend kami. Ang mahirap sa amin, nasa military training siya kaya bawal cellphone at paminsan minsan lang ang labas. Nagsurvive naman kami, dated for another year and a half then got married. Siguro nasa naghahandle na rin yun kung magwowork ba o hindi.
Tama. I've written lots and lots of things about LDR. I can totally relate. Mahirap nga, pero nasasanay na ako. Dati kasi, I can't live without him ang drama ko.
Ngayon, I am so much better than that. And our relationship's a lot healthier.
@Kim, Nainspire ako lalo sa sinabi mo. Hope other girls will be inspired with both our stories.
@Miss 'Chievous, masarap talaga feeling kapag nagsusurvive ang relationship kahit pa LDR kayo. Too bad yung iba sumusuko agad.
malayo po kami ng bf ko..gusto ko po malaman kong ano pa ang gagawin para magtagal kami...d ko po kasi kaya na mawala siya..lagi po niya akong inaaway pinagsasalitaan ng masama..minsan gusto ko na mag give up..pero di ko kaya..plss pa advice nman kong ano pa gagawin ko para magtagal kami..pplsss
Aalis na po yung bf ko at sa laguna na mag aaral tapos ako po maiiwan dito sa bicol parang diko po kayang mahiwalay sakanya kasi grabe ako kung mag overthink kasi sa dami ba namang nakapalibot sakanya na maganda dun imposibleng wala syang magustuhan nasanay po Kasi ako na palagi syang kasama 1 year and 1 months na po tong rs namin siguro Isang beses ko na lang syang makikita sa isang taon mag wowork po ba yung gantong rs😔😔
pero sabi nya naman sakin babalikan nya daw ako kasi tinigil ko na eh parang walang patutunguhan yung mag asawa nga jan kasal pa e pag nakahanap ng much better nag hiwalay pa din samantalang ako imposibleng mag stay pa sya sa gantong lagay dipo talaga ko makakain ng maayos halos Ang payat payat ko na nalulungkot talaga ko at diko matanggap
Post a Comment