Saturday, October 8, 2011

Panget ka naman ah, wag ka na mag-inarte

Posted by PinkManure at 12:34 PM
Napapansin niyo rin ba ito?


Yung mga babaeng nag-iinarte eh yung mga hindi magaganda? Hindi ko alam kung bakit. OKAY-- hindi naman ako maganda, pero yung pag-iinarte? Hindi ko naman gaano kadalas ginagawa yun.


Madalas kasi yung mga nagmamaganda, nagmamapogi... sila yung mga hindi naman kaaya-aya ang hitsura. Defense mechanism ba nila ito? Kasi hindi naman talaga sila maganda? Kasi panget talaga sila kaya dapat yung confidence nila to the highest level?


Sino ba kasi nagpauso nung kasabihan na "Beauty is the way you carry yourself". Feeling tuloy nila basta confident ka, maganda ka na. Hindi ko sinasabing mahiya ka kapag hindi ka maganda, pero sana naman ilevel mo sa hitsura mo yung pag-iinarte mo. Ito lang yun, ibagay mo sa hitsura mo ang confidence mo


Let's be realistic. Sabihin niyo ng ang sama kong tao at masyado akong mangdiscriminate pero sino ba naman ang hindi maiinis sa isang babae o lalaking kung umasta eh akala mo artista samantalang mukha naman silang katulong? Nakakainit sa mata di ba? At mas lalong nakakainit sa tenga yung "OH MY GAWWWDDD... YOUR EATING THAAAT??? THAT'S SOOO YUCKYYYY I MEAN IT'S SOOOO DIRTY... ITS SOOO KADIRI!!"


Pabili nga ng shirt na ito:



Mula dito ang larawan.

1 comments:

Rae on October 8, 2011 at 9:39 PM said...

Nung nakaraang buwan, meron akong narinig sa bus. Boses ng lalake, sabi, "Grabe talaga sumakay ng bus, ang sikip, sikip! Nakakainis talaga ang mga masa."

Naisip ko, sana di na lang sya sumakay ng bus diba? At bakit nga ba nasa bus sya kung hindi sya masa?

Nilingon ko, hindi ko na lang idedescribe--pero sana lang umaasta ayon sa itsura.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei