Saturday, October 1, 2011

Reklamador AKO!

Posted by PinkManure at 3:29 PM
Seryosong sakit na ata ito.


Ang dami kong reklamo sa mundo. Minsan natatakot na rin ako. Pero iisa-isahin ko dito dahil baka sakaling irereklamo mo rin ang mga ito, edi pwede tayong gumawa ng petisyon para mawala na sila.


  • Mga taxi na namimili ng pasahero. Sana nagdrive na lang sila ng FX kung meron silang preferred na ruta di ba?
  • Mga saleslady sa tiangge na para bang itatakbo mo yung paninda nila. Salestalk kung salestalk pero dapat bang sundan ka nila na parang shoplifter ka? Marunong naman ako magbayad di ba?
  • Mga naniningit sa ATM. Nuff said.
  • Mga barkadang kung makapagkwentuhan sa jeep ay parang nirentahan nila ito. Pwede ba? Umupa na lang kayo ng service.
  • Mga taong nagpapayabangan ng cellphones nila in public. Maholdap sana kayo.
  • Mga lalaking dalawang pares ata ang b*yag kung makabukaka sa jeep.
  • Magjowang kung makapaglampungan sa jeep e parang walang nakakakita sa kanila. Sarap pag-umpugin. Makuntento na lang kayo sa akbay o holding hands.
  • Mga crew sa fastfood na ang hilig makipagkwentuhan sa isa pang crew habang mahaba ang pila sa lane nila.
  • Mga taong nasa mall na nagtatanong ng "May credit card ka na ba?" Ang sarap sagutin ng. "Pake mo?!"
  • Mga friends sa Facebook na walang ibang alam gawin kundi palitan ang relationship status nila. *kabilang ako dati dito. wahahaha*
  • Mga taong laging late. Tapos pag tinanong mo kung asan na sila sasabihin nila, "On my way." San ba banda yang "On my way" na yan? Para naman diyan na lang tayo magkita.
  • Mga taong nagtatanong ng "Papasok ka ba?" Bakit? Dala ko ba susi ng opisina/school?
  • Yung mga taong nakikitawa sa barkada niyo. *okay sige, di pala sila nakakainis. nakakaawa sila.*
  • Yung mga taong kumakanta sa cr.......... ng mall.
  • Yung mga players ng dance revolution sa Time Zone na nasa "IMBA GOD-LIKE MODE" yung nilalaro nila. Akala ba nila mukha silang magaling? Mukha silang tanga.
Kung may isa diyan na kinaiinisan mo rin, tara gawa tayo ng petisyon para mabura na sila sa mundo.

2 comments:

Kim Reyes on October 2, 2011 at 8:25 AM said...

"Mga taxi na namimili ng pasahero. Sana nagdrive na lang sila ng FX kung meron silang preferred na ruta di ba?"

AGREE! Pero pwede mo sila ireport sa MMDA, sa MAPSA, o sa Pasig Traffic police. Depende kung nasaan ko. Ginawa ko na ito ng mahigit na limang beses at na-sanction naman sila. Siguraduhin mo lang na babantayan mo yung traffic police para tiketan sila. :D

PinkManure on October 7, 2011 at 4:00 PM said...

@ Kim hindi ko sila narereport. next time i'll do what you said. :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei