Thursday, October 6, 2011

Hindi Lahat ng Kabit Kasing Ganda ni Anne Curtis. Wag Kang Maki-Relate.

Posted by PinkManure at 9:27 AM
Pero hindi rin naman lahat ng asawa ay kasing ganda ni Christine Reyes. Kaya wala tayong karapatang makirelate.


Sana para naging mas makatotohanan yung pelikula, ginawa nilang mahirap yung mga bida. Hindi kasing ganda nung dalawa, at yung lalaki, hindi kasing hot ni Derek.


Malapit ba ito sa totoong buhay? Hindi siguro. Kasi ang totoo, madalas nananalo yung kabit at iiwan yung asawa at anak. Kung swerte ka, susustentuhan nung tatay yung mga anak niya, kung malas ka naman, maglalaho na lang kahit sa peripheral vision mo yung asawa mo.


Kung matalo man yung kabit, hindi ito magsosorry sa asawa. Sabihin niyo sa aking hindi totoo. Ang mga kabit naman, laging sinasabi na, "Ang tanging kasalanan lang namin ay ang magmahal sa maling tao." Siguro sa pagsasabi niyan, pakiramdam nila najajustify nila yung ginawa nila. Siguro pakiramdam nila, may redemption behind blaming everything to love. Kasi nga naman, pagdating sa love, may lisensya lahat ng tao na magpakatanga.


At dahil sa pelikulang "No Other Woman", maiisip na naman ng mga babaeng mang-aagaw na OKAY LANG. Kasi nga naman, pinakita dun na HINDI RIN NAMAN NILA GUSTO, naghahanap lang sila ng lalaking magmamahal sa kanila. Not all the time, our lives turn out like how movies end up.

3 comments:

Kim Reyes on October 6, 2011 at 1:21 PM said...

Nako sobrang agree ako dyan!

Rae on October 7, 2011 at 1:41 AM said...

Sa mga kilala ko, mas madalas panalo ang asawa, madalang iwan ng lalake ang asawa. Lalo na kapag may anak.

PinkManure on October 7, 2011 at 3:55 PM said...

Hi guys! Sorry ngayon lang nakareply sa mga posts niyo. Scheduled posts mostly kasi busy sa work. Anyways, thanks for reading!

@Kim, thanks!

@Rae, lucky for the people you know. :)

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei