Sa dami ng mga menor-de-edad na narirape ngayon, mga babae o baklang pinapatay o nilolooban ng mga tinatawag nating, "online buddies" (Friends sa Facebook/ Twitter/ YM/ Skype etc.) mahirap na nga atang magtatagumpay ang mga pagkakaibigan o pagkaka-ibigan na nagsimula sa cyber space.
BABALA:
Ang mababasa mo ngayon ay mula sa isang babaeng nasa isang matagumpay na relasyon na nagsimula sa cyber space kaya medyo biased ako. Kanya-kanya tayong depinisyon ng matagumpay pero sa akin, oo matagumpay naman ang relasyon ko.
Ang totoo hindi rin ako naniniwala dito noon. Para sa akin masyadong mababaw ang makipagrelasyon sa isang taong nakilala mo lang online. Madali kasi magpanggap sa cyberspace. Pwedeng maging mayaman ang mahirap, gwumapo o gumanda ang pangit, bumait ang kriminal at minsan pwede pang magpalit ng kasarian. Hindi ko rin sila masisisi, kasi minsan talaga masarap tumakas sa realidad ng buhay kahit sandali lang.
Okay, back to the topic. Sa sobrang daming tao online, at sa sobrang dami sa kanilang nagpapanggap na ibang tao, hindi ba't mahirap mainlove dito? Para ka na ring nainlove sa gitna ng isang matinding world war. Magulo. Hindi mo alam kung sino pagkakatiwalaan mo.
Tapos nangyari sa akin. Nainlove ako sa isang taong technically ay nakilala ko online. At simula nun, naniwala ako. Nakakahanga nga kung tutuusin. Oo, totoo pala na pwede kang mainlove sa gitna ng gulo. Totoo pala na kahit mas mahirap gawin ito, mas fulfilling ang pakiramdam.
Kung tutuusin, pare-parehas lang namang channel ng komunikasyon ang chat, text, phonecall etc. kumpara sa personal na pakikipag-usap hindi ba? Isang bagay lang ang kulang, yung personal touch pero isang bagay lang naman yun at hindi dahil dun ay mawawalan na ng saysay yung mismong pag-uusap.
Inaamin ko, dumating sa punto na kapag tinanong ako kung paano kami nagkakilala ng boyfriend ko ay inililihis ko ang tanong o kaya nama'y sinasagot ko ito ng ngiti... dahil lang sa nahihiya akong aminin na, OO ONLINE LANG KAMI NAGKAKILALA.
Iba kasi ang tingin ng mga tao sa mga babaeng nakikipag-eyeball. Mababaw, malanding babae, easy-to-get etc. etc. Gusto ko lang itanong, BAKET? Kung tutuusing ganon din naman nila nakilala ang ibang tao ah.. complete strangers din naman sila noon ah. Eh sadyang magkalayo ang mundo namin at online lang kami nagkakalapit eh. May masama ba dun?
Noon yun. Ngayon proud na ko. Isipin na nilang malandi ako, isipin na nilang ang babaw ko... pero gusto kong malaman nila na masaya naman ako.
Alam mo kung bakit? Because being in an online relationship is twice harder but twice the fun.
Noon yun. Ngayon proud na ko. Isipin na nilang malandi ako, isipin na nilang ang babaw ko... pero gusto kong malaman nila na masaya naman ako.
Alam mo kung bakit? Because being in an online relationship is twice harder but twice the fun.
Note: Hindi ko inaadvertise na makipag-EB kayo sa mga kakilala niyo online. Mag-ingat din naman kayo. Maging mausisa at matanong, matuto kang makiramdam. Sinasabi ko lang na minsan hindi naman masama ang magtiwala, wag ka lang magpapakatanga. :)
Mula dito ang larawan.
Mula dito ang larawan.
1 comments:
I love this article :) relate much :)
Post a Comment