Tuesday, February 8, 2011

Hindi porke't maganda girlfriend mo, pogi ka na kuya..

Posted by PinkManure at 8:10 PM
Isang eksena kanina sa Mall. Tatlong lalaki ang nag-uusap:

Guy 1: Pare naalala ko yung ex ko noon.

Guy 2: Bakit?

Guy 1: Ang ganda. Pero pag magkasama kami mukhang sobrang saya.

Guy 3: Oo pare, naalala ko yun. Ganda nga nun eh.

Guy 1: Pero kapag naglalakad kami naiisip ng mga tao, ang gwapo ng boyfriend niya.

Guy 2: *tawa*

Guy 3: *iling sabay tawa*

Guy 1: Oo nga pare!! Pero ibang klase talaga girlfriend ko ngayon! Ang ganda! Di ba pare?

Guy 3: Oo, maliit lang pero maganda nga.

*tuloy ang mahanging usapan*

Hindi ko alam kung ano ba ang hitsura ng ex at girlfriend niya. Pero eto lang ang masasabi ko........

Maliban na lang kung si Sarah Geronimo ang ex niya at si Cristine Reyes ang girlfriend niya ngayon... sa tingin ko pwede niyang sabihin yun....

Pero hindi naman siya kamukha ni Rayver Cruz... kanguso niya siguro pero hindi talaga si Rayver yun, promise. Malamang hindi nga sila ang tinutukoy niya.


Ang mga ganitong usapan, pag-usapan niyo sa inuman... hindi sa public place na maraming makakarinig dahil magmumukha ka lang sinungaling.

Mula dito ang mga larawan:

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei