Friday, February 4, 2011

Dear Tonya..

Posted by PinkManure at 4:01 PM
Gusto ko lang malaman mo na kahit ano pa ang sabihin ng iba tungkol sa relasyon natin, naniniwala pa rin akong tayo ang magkakatuluyan sa huli... sana naniniwala ka pa rin doon. 

Huwag kang maniwala sa pinsan mo na sinabing may relasyon kami ni Neneng... una sa lahat, hindi ko siya magugustuhan dahil di tulad mo, hindi marunong magpaligaw si Neneng. Mabilis lang siyang sumagot ng "OO" at hindi na ko na kailangang bolahin pa at sabihan ng maraming banat lines tulad ng sinasabi ko sa iyo na ang mata mo'y kasing liwanag ng logo ng ABS-CBN at na ang boses mo'y kasing lambing ng boses ni Kris Aquino. Di tulad mo, alam niyang hindi totoo ang mga yun.

At wag ka ring maniniwala sa kapatid mo na nakita daw kami ng kapit-bahay naming si Girly sa Trinoma. Hindi ako pumupunta dun dahil mas maganda makipagdate sa Sky Garden ng SM North EDSA. Mula doon nakikita namin ang mga bus at maraming tao kaya imposibleng makita niya kami. Bukod dun, hindi ko talaga gagawin sa iyo yun sugarbaby. Alam mong mahal na mahal kita. Sana wag kang maniwala sa mga sinasabi nilang lahat.

Isa pa pala, nung nakita mo kaming naghahalikan ni Pareng Jobet, sana maintindihan mo na lasing lang ako nun at nadala lang ako sa kanya. Hindi ko sinasadyang maglock sa kwarto, humiga sa kama, at pumatong sa kanya... 

Mahal na mahal kita Tonya my loviedubs... Maniwala ka na sakin. 

Love, 

Tonyo

::VALUES EARNED::

UGALI NG LALAKI ANG MANG-UTO. WAG UGALIIN ANG MAGPAUTO.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei