Sunday, February 13, 2011

Wala ka bang ka-Valentine?

Posted by PinkManure at 10:12 PM
Isipin mo na lang...

Hindi naman talaga importante na magkaroon ka ng date kapag Valentine's Day. Madalas nga mahirap makipagsabayan. Traffic. Maraming tao sa mall. Maraming nagpapublic display of affection. Sasabay ka ba sa kanila?

Hindi mo naman talaga kailangang magkaroon ng "someone special" para makapagcelebrate ng Valentine's Day. Bakit hindi mo subukang lumabas kasama ang iyong mga single na friends. Wala namang masama na ilaan mo ang Valentine's Day sa mga kaibigan o kaya'y pamilya mo di ba?

Ang Valentine's Day ay araw ng mga puso... hindi lang araw ng magsyota. Ibig sabihin ang araw na ito ay ginawa para mabigyan mo ng halaga ang mga taong mahal mo at pinapahalagaan mo sa buhay.

Huwag kang malungkot na wala kang makakasama sa pagdidiwang ng araw na ito.... Minsan hindi mo alam na meron ka naman palang makakasama na talaga, kaso masyado mong iniisip na kailangan nasa isang relasyon ka o malanding sitwasyon para lang ipagdiwang ito.

Hindi mo nakikita kung anong meron ka sa kakahanap mo sa wala sa iyo.
 
Pero syempre masarap talagang may ka-date sa Valentine's Day. Yung may kasama kang maglalakad sa mall, kakain sa labas, magdidate sa park... tatanggap ng gifts. At kapag nag-PDA kayo... patatawarin kayo ng lahat ng matatandang makakasalubong mo. Haaay... sarap.

---

Mula dito ang larawan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei