Wednesday, February 9, 2011

May mga panahong gusto mo na lang iwan ang lahat...

Posted by PinkManure at 8:31 PM


Sa mga panahong ito, huwag kang matakot umalis at iwan lahat ng mga bagay na nagpapahirap sa iyo. Hindi madali ang desisyon na ito, pero kagaya ng linya sa pelikulang naging hari na ng mga quotable quotes ng mga broken-hearted... (hindi ko na babanggitin ang title ng pelikulang ito dahil malamang alam mo na ang tinutukoy ko.)

"Don't ever think it was a mistake to choose to find yourself, to choose to love yourself a little bit more"

Hindi ko na ilalagay ang credit dahil alam kong alam mo na ang pelikulang pinagkuhaan ko niyan.

Sa totoo lang... mas nakakabuti talagang mahalin at alagaan muna ang sarili bago ang ibang tao. Bukod sa gasgas na linyang, "Paano mo kakayaning magmahal eh ni sarili mo eh hindi mo alam paano mahalin?" ay may iba pang dahilan para gawin mo ito.

Mahalin mo ang sarili mo dahil hindi ka mamahalin ng lalaking yan ng higit sa sarili niya. Kung sinasabi niya sa iyong mas mahal ka niya kesa sa sarili niya, inuuto ka lang niya. Kung totoo man na mas mahal ka nga niya kesa sa sarili niya, hindi niya ito sasabihin sa iyo. Sasalagin na lang niya basta ang balang tatama sa iyo.

Mahalin mo ang sarili mo dahil walang ibang gagawa nito para sa iyo.

Mahalin mo ang sarili mo dahil doon mo malalaman ang halaga mo sa mundo. Doon ka magkakaroon ng pangarap. Doon ka kukuha ng bait sa sarili. Doon ka matututong igalang ang sarili mo. At malalaman mo kung saan ka lulugar. 

Hindi ka naman naloloko dahil lang sa may nanloko sa iyo. Madalas kaya ka naloko ay dahil hinayaan mo na silang lokohin ka. Huwag mong isisi lahat ng bagay sa ibang tao... masakit man pero marami dito'y bunga na rin ng sarili mong katangahan.
---

Mula dito ang larawan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei