Friday, February 4, 2011

Babae ka kung...

Posted by PinkManure at 1:11 PM
  • Sasabihin mong huwag siyang maghintay sa pag-uwi mo pero magagalit ka kapag hindi  niya pinilit sunduin ka.
  • Nagtatampo ka kapag hindi siya nagtext sa iyo, pero kapag ikaw ang hindi nagtext at natampo siya sa iyo, magagalit ka.
  • Isang tanong pa lang ang ginawa niya, naikwento mo na ang buong buhay mo.
  • Mahilig ka sa mga materyal na bagay… aminin mo man ito o hindi.
  • Kaya mong ipagpalit ang lalaki para sa mga kaibigan mo… ng hindi niya nalalaman.
  • Nagpapaalam ka dahil gusto mo lang pagbawalan ka niya pero hindi mo pa rin naman siya susundin.
  • Mahilig kang magshopping… mas mahilig kang mag-window shopping.
  • Kalahati ng sweldo mo napupunta sa luho mo sa katawan.
  • Sa totoo lang, madalas naman talagang ikaw ang nagsisimula ng gulo.
  • Pero minsan kaya ka nagsisimula ng gulo eh para lang makita mo naman siyang nasasaktan (di kasi halata eh).
  • Marami kang crush. Gaano karami? CLUE: Higit sa sampu.
  • Ang pinakamalakas mong panlaban sa away ay… IYAK.
  • Gusto mo laging maging “iba”.
  • Lagi mong sinasabing dapat ka ng mag-diet. Pero kung gaano mo ito kadalas sabihin ay ganun ka din kadalas kumain.
  • Typical date na sa iyo ang movie and dinner date. Hindi ka na naiimpress dito.
  • Isang oras kung mag-ayos ka ng sarili sa umaga. Kasama dito ang paliligo at “PAMIMILI” ng isusuot.
  • Naniniwala ka sa Horoscope.
  • Ang unang Newspaper section na tinitingnan mo ay… ENTERTAINMENT sunod ang LIFESTYLE.
  • Para sa iyo, nakakaaliw na libangan ang pagbabasa ng magazine.
  • Masaya kang kalikutin ang buhok ng kaibigan mo.
Kung nakarelate ka dito kahit konti. Binabati kita, BABAE KA NGA.

3 comments:

xerlynjoy said...

yey! babae ako, haha
"Ang unang Newspaper section na tinitingnan mo ay… ENTERTAINMENT sunod ang LIFESTYLE."
-lalaki ba ko dahil news at editorial ang una kong binabasa? ;D

Jennie Delmoro on August 13, 2011 at 12:56 PM said...

I really like your blog :)) Ang dami mong matutunan, Kapwa babae lang tlga ang magkakaintindihan :))) I share your blog to my tumblr account. of course i did not claim it as mine :))) I respect my co blogger. Hope wag ka magalit. hehe :)))

PinkManure on August 14, 2011 at 8:26 AM said...

hi jennie. thanks! of course i won't mind you sharing my blog to other people. :)

take care always

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei