Sunday, February 20, 2011

Mas nasasaktan tayo sa inaasahan nating hindi natutupad.

Posted by PinkManure at 12:36 AM

Kesa sa mga bagay na hindi natin inaasahan.

Dahil mas mas masakit tanggapin ng isang taong nagplano na ng lahat ng mangyayari na hindi na ito matutuloy pa. 

Parang outing na walang sumama. Surprise birthday party na walang umattend. Despidida na walang sumipot.

Inaasahan mo ang lahat ng bagay na aayon sa iyo, pero hindi ito natupad dahil hindi mo plinano ang isa sa pinakamahalagang bagay...

Pagkabigo.

Dahil sa tiwala. Dahil sa pangako.

Ang masyadong paniniwala sa pangako ang nagiging ugat ng maraming kalungkutan sa mundo... 

Kaya hindi mo masisisi ng buong buo ang kalungkutan mo sa taong hindi tumupad sa pangako... minsan isipin mo rin na baka kaya ka nasaktan ng todo eh dahil masyado mong pinaasa ang sarili mo.

---

Larawan mula dito.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei