Thursday, February 10, 2011

Women Rights are Human Rights

Posted by PinkManure at 12:00 PM
Siya si Gulbar. Isang Afghan woman na matapos makipaghiwalay sa mapang-abusong asawa ay sinundan nito at sinunog ng buhay.... oo buhay pa rin siya ngayon at 40% ng katawan niya ang nasunog dahil sa hindi makataong pagtrato sa kanya ng asawa niya. (basahin dito ang buong artikulo)




Walang ibang hinihingi ang mga kababaihan sa buong mundo kundi ang pantay na pagtingin sa kanila. Sana sa mga lalaking nag-iisip at gumagawa ng masama sa mga babaeng nakakasalamuha nila... maisip nila na isang babae rin ang nagdala sa kanila ng siyam na buwan. Naghirap ilabas sila sa mundo. At inalagaan sila ng ilang taon bago nila kinayang manakit ng babae.




Sa kadahilanang ito, hinahangaan ko si Angelo Reyes na nagpakamatay sa ngalan ng kanyang ina. Walang matinong anak na nanaiising madumihan ang pangalan ng ina nila... sa kahit ano pa mang dahilan, totoo man ito o hindi. Hindi man siguro siya naging mabuting mamamayan, naging mabuti naman siyang anak sa ina niya. Sa puntong iyon... panalo siya.
---


Mula dito ang mga larawan:
Gulbar
Angelo Reyes

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei