Tuesday, February 15, 2011

Mas BIG DEAL sa SINGLE at BITTER ang Valentine's Day.

Posted by PinkManure at 8:43 PM
Sa totoo lang...

Mas big deal sa mga single at walang ka-date ang Valentine's Day. Mas maraming ayaw sa araw na ito dahil lang sa wala silang kadate o dahil sa nakakakita sila ng mga tao sa paligid nila na masayang naglalandian.
Masakit talaga sa kalooban yung lahat ng tao may kalandian samantalang ikaw walang kasama.  Valentine's Day man o hindi. Anung malaking kaibahan?

Siguro dahil sa araw na ito, maraming tao ang nagiging espesyal at lalong mas maraming tao ang hindi nagiging espesyal.

Ang pagiging single sa Valentine's Day ay tulad ng isang maliit na tagyawat sa mukha mo na ikaw lang ang nakakakita. Hindi ito napapansin ng iba hangga't hindi mo ito sinasabi sa kanila. At madalas iniisip mong may pakialam sila kahit wala naman talaga.

O di ba para ka lang tanga na naghihimutok sa mga bagay na wala naman talaga? :)

Kaya para sa mga bitter sa may mga jowa, ka-date, asawa at kung anu-ano pa sa Valentine's Day, kumain na lang kayo nito:

----

 Mula dito ang mga larawan.

1 comments:

Euden Valdez on February 17, 2011 at 10:48 AM said...

hahahahahaha friend natamaan ako. saya! :D

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei