Tuesday, February 8, 2011

Hindi madaling maging babae...

Posted by PinkManure at 6:22 PM
Sa lahat ng bagay dapat mong patunayang may karapatan ka. Maliban sa karapatang magkaroon ng dysmenorrhea.


Kapag nagsuot ka ng maiksi, mababastos ka agad. Pero hindi mo naman binabastos ang lalaki kapag wala silang suot na T-shirt sa kalye.


Kailangan mo sa buhay ang pagiging maganda. Kung hindi ka maganda... dapat mabait ka o kaya matalino. Ang mga lalaki, kahit pangit, masama ang ugali at may angking katangahan... may kalalagyan pa rin sila sa mundo.


Dalawa ang bahagi ng katawan mo na pwedeng mapagsamantalahan.


Hindi ka pwedeng sumabit sa jeep.


Mahirap umihi sa byahe.


Bawat kilos mo, binabantayan ng mga tao sa paligid mo dahil bawat kilos mo, may interpretasyon para sa kanila.


Ikaw ang magdadala ng bata, ikaw pa ang manganganak!!!


Ang lalaki, habang tumatanda, gumagwapo. Ikaw..... nagmamature.


Ayon nga kay Ate V... ang lalaki mabigyan lang ang pamilya niya ng mga pangangailangan nito, mabuting ama na siya. Ang babae, ibibigay niya ang puso at kaluluwa sa pamilya.... marami pa ring maipipintas sa kanya.


Hindi madaling maging babae. Mas lalo pa itong humihirap dahil sa mga walang kwentang lalaking nagpapahirap sa kanila. Kaya para sa inyong mga pahirap sa buhay.... P*TANGNA NIYO! :)

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei