Sunday, September 25, 2011
Let's Talk About Integers...
Ang corny ng tawag ko sa kanila, pero noon pa man *simula nung highschool ako*, yan na ang tawag ko sa kanila. Mga "integers" o mga "intrigera".
Sila yung mga taong may bullseye sa lahat ng tao sa paligid nila. Sila yung hindi marunong tumingin sa "bright side" ng mundo. Para sa kanila... lahat pangit, walang mabait, lahat nakikipagplastikan. Lahat pinupuna. Lahat binibigyan ng meaning *at hindi ito maganda*. Tapos kapag pinagsabihan mo sila, they get on all fours and be so defensive, parang aso.
Para sa akin, mas delikado pa silang kaibigan kesa sa mga chismosa. Halos parehas lang, pero mas malala... dahil ugali rin nila ang pakikipagplastikan. Ngunit hindi tulad ng mga chismosa, sila yung mga tipong tao na ipaparamdam sa iyo na may sinasabing tungkol sa iyo ang isang tao... AT pinagtatanggol ka nila. Pero sa totoo lang, kabilang sila sa mga nanghuhusga sa iyo.
Hindi rin nila alam kung ano ang salitang "respect". Kapag may nakita silang mali, huhusgahan na nila ito agad agad. Kahit pa may matinong dahilan, hindi nila ito maiintindihan kasi hindi rin nila alam ang salitang "understanding".
Bukod pa sa mga nakakainis na ugali na nasabi ko na, sila rin ay magaling mang-salestalk. Hindi sila nakukuntento na makapagsabi ng opinyon nila sa isang tao. KUKUMBINSIHIN KA NILA at ipipilit nila sa iyo ang opinyon na ito. Ganoon sila kakupal.
Piling pili ang mga taong ganito... pero hindi ibig sabihin na gifted sila. Naiinis man ako na ginawa pa sila ng Diyos sa mundo, nagpapasalamat naman ako na hindi sila laganap sa mundo.
Mula dito ang larawan.
Categories
Inidoro
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment