Thursday, September 29, 2011

Makeover ba kamo? Baka naman Make-COVER. :)

Posted by PinkManure at 10:08 AM
Ayoko sa mga makeover.


Kapag nakakanuod ako nito sa tv, naawa ako sa minimakeover nila.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga, yung BEFORE and AFTER sinasabotahe ng programa. Obvious naman siguro kasi kapag BEFORE, hindi kinukuha ang magandang anggulo ng tao (kahit gaano kapangit ang tao, may maganda pa rin siyang anggulo noh!). Tapos it's either full blast yung ilaw para makita mo kung gaano katadtad ng pimples yung mukha niya o kaya naman madilim yung ilaw para magmukhang kawawa yung biktima... este yung imimakeover nila.


Pakiramdam ko lang naman, pero naiimagine ko ang director na sinasabihan yung babae ng "O dapat magmukha kang malungkot. Dapat walang kulay ang mukha mo. Dapat magmukha kang puyat. Dapat magulo buhok mo. Dapat para kang nakakaawa at higit sa lahat dapat mukha kang nagsiself pity."


At matapos ng make-over, "Ngumiti ka! Dapat nagmukha kang masaya kahit hindi mo maimulat ng maayos ang mata mo dahil sa false lashes. Kahit hindi mo maintindihan bakit ganyan ang ginawa sa buhok mo at kahit hindi siya bagay sa iyo, USO YAN! Kahit matapos ng makeover na ito, babalik ka sa pagtitinda sa palengke. Iisipin mo na naman kung ano ipapakain sa lima mong anak na may pamilya na at may tig-dalawang anak na hanggang ngayon ay nakaasa pa rin sayo."


Ngumiti ka. Lokohin mo ang sarili mo.


At tayo namang nanunuod, tuwang tuwa sa napapanood natin. Iniisip natin na ang saya siguro ng pakiramdam niya na hindi natin naisip, ano ba talagang ginawa nila? Pinaganda ka nila ng isang araw at parang dahil dun binago na nila ang buhay nung babae?


Sana nga ganun lang kadali noh? Sana matatakpan ang problema gamit ang concealer. Sana nga mapapatibay ang buhay gamit ang foundation. Sana maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao gamit ang eye shadow o eyeliner.


Kaso hindi eh. Kaya sige, magpakaloko na lang tayo na totoong nakakatulong ang makeover na yan sa mga matatandang lola na hanggang ngayon ay naglalako pa rin ng paninda sa kalsada.


Gagu rin tayo eh. 

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei