Thursday, September 22, 2011

Daig ng social climber ang mayaman

Posted by PinkManure at 12:30 PM




Anak ng.... nung nabasa ko to, muntik na kong mapamura.


Hindi ko alam kung dahil ba sa tingin ko, kahit anong pagpapagandang gawin niya eh, mukha pa rin siyang palengkera... yung walang poise o walang class. O dahil ba sa hanggang ngayon pangkalye pa rin ang tunog ng pangalan niya. Pero nainis talaga ako sa sinabi niyang ito.


Andito ang buong storya.


Pabiro ba yan? I hope oo. Kasi hindi ako humanga sa kanya sa kahit anong punto. Nainis ako. Ang yabang ng dating. O ate, ikaw na may Hermes na bag. Ikaw na ang mayaman. Gaya ng pagkainis ng ibang tao sa hilig ni Kris Aquino na ipagmalaki ang mga gamit niya, na may himig ng kayabangan.... Hindi ko naman ata naalala na nagsabi siya na mamimigay siya ng pabuya sa sinumang makapagpapatunay na may babae si James Yap noong mag-asawa pa sila.


Siguro kasi alam nating lahat na noon pa man mayaman na talaga si Kris Aquino. Hindi niya kailangang ipagmalaki sa buong mundo na OO KAYANG KAYA NIYANG MAMIGAY NG HERMES BAG. Kung tutuusin mapapatawad ko pa siya kung magyayabang siya tungkol dito. Bakit? Pinagtatrabahuhan naman niya ang pinambili niya dito. Hindi niya hiningi sa asawa. Sariling pawis niya yun.


At pwede ba? Sana tigilan na ng mga tao ang pagpaparamdam kay Jinkee na sobrang ganda niya. Maputi lang siya. PERIOD.


Korina Sanchez (in an interview with Jinkee in Rated K)


"Ibang iba ka na ngayon. Ang ganda mo na."


--simpleng panlalait.


Mula dito ang larawan.

4 comments:

Xerlynjoy Lanaza on September 22, 2011 at 1:48 PM said...

haha

Anonymous said...

si sharon din naman eh, sinabi yan na magpapabuya sya pag my nagpatunay na babae si kiko 10M pa.

Dee (BabyJapRN) on September 23, 2011 at 3:41 AM said...

I agree that theres a hint of kayabangan on Jinkee's statement. :D

Yung kay Sharon naman thats a different story, Im sure biro lang yan dahil sobrang confident na nya na hindi magloloko ang asawa nya. :D

THE BEAUTY JUNKEE on September 26, 2011 at 3:12 AM said...

I can imagine tuloy if napatunayan na may babae nga si manny:

Jinkee: Naku. Totoo ngang nambababae si Manny *sniffs*.

MAAAANNNYYYY (pasigaw). Pahingi 1M! Kailangan ko bumili ng Hermes bag. NOW NA!

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei