Tuesday, September 27, 2011

Facebook - Password = Away

Posted by PinkManure at 1:50 PM




Isa ka ba sa mga babae na isa sa requirement sa isang relasyon ay ang malaman ang password ng bawat online account ng boyfriend mo?


Facebook. YM. Skype. Twitter. MSN. Email. Basta dapat lahat alam mo. Kahit pa Friendster niya. Kung oo, malamang minsan dumating na rin kayo sa punto na nag-aaway kayo dahil bigla na lang nag-change pass ang boyfriend mo na para bang may itinatago. 


Malamang rin hindi mo maiwasang hindi sagutin ang mga nag-PPM sa kanya, nagtatanong, nangangamusta o kahit ano pa man. Dalawa lang ang pwede mong gawin. Magkunwari ikaw siya *madalas ginagawa ito kapag babae ang nag-ppm* o magpakilala na ikaw ang girlfriend niya *madalas ginagawa ito pag lalaking tropa ang nagppm... o kaya bading na may crush sa bf mo*


Hindi naman ata natin maiiwasan. Likas sa babae ang maging overprotective at possessive sa mga bagay na pag-aari niya. Normal naman yung hingin mo yung passwords ng accounts niya. Yes boys, pag hiningi niya sa inyo ibigay niyo. Wag niyong bigyan ng pagkakataon na magduda siya sa inyo dahil mas mahihirapan kayong mabawi ang account niyo.


Sa totoo lang, ganito din ako dati. Hingi ng password, pag ayaw ibigay-- away. Kapag binigay, tapos pinalitan-- away ulit. Kapag binigay tapos may nakitang nakakairita-- mas matinding away. Hanggang sa nagsawa na lang ako. Hindi ko na hiningi ulit.


Bakit kamo? Dadating kasi sa punto na iisipin mo, hindi na yung account na yun ang sukatan ng tiwala niyo sa isa't isa. Matututo kayong gumalang sa private space ng isa't isa. O kaya minsan, mawawalan ka lang ng pakialam. Darating ang punto na mararamdaman mong kahit gaano kahalaga para sa iyo ang commitment niyo ONLINE, mas mahalaga pa rin ang commitment niyo IN REAL LIFE.


Kung iisipin, hindi ba nakakasakal yun? Hindi pa kayo kasal pero kung pakialamanan mo na ang mga personal affairs niya, ganun ganun na lang. Hindi lang yan usapin ng tiwala. Usapin rin yan ng personal life. Oo, magkarelasyon kayo... pero hindi ibig sabihin na pag-aari niyo na ang social life ng isa't isa. Bigyan niyo ng space ang isa't isa. Isa rin yan sa susi ng mga matagumpay na relasyon.


TIPS FOR BOYS:


Kung gusto niyong maagang mabawi ang accounts niyo sa mga girlfriends niyo ganito ang gawin niyo:


Kapag hiningi ng babae sa inyo ang password niyo, ibigay niyo na lang. Sa mas mabilis na pagbibigay ng password, mas maagang marirealize ng babae ang mga nasabi ko sa taas. Wag kayong maging defensive at wag niyo siyang pagbintangan na may trust issues. Isa pa pala. Habang alam niya pa ang password mo, WAG KANG MAGLALOG-IN. As in WAG. Para maisip ng mga friends mo na inactive ka na at hindi ka na nila pansinin. Trust me, magaling kaming humanap ng pagseselosan namin. :)


Mula dito ang larawan.

2 comments:

Anonymous said...

galeng ara!! hahaha,,, ganyan din ako dati., pero ngayon, mejo na lang! haha,, :D -marren

Rae on September 28, 2011 at 10:50 PM said...

Hmmm. Hindi ko naranasan gustuhin na hingin ang password ng bf/s ko. Kasi sa sarili kong mga account, hindi ako masyado nag-l-log-in.

Kaya nagulat ako nung inabutan ako ng ex ko ng pirasong papel na may password ng mga account at password nya.

Siguro sanay na sya...

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei