WARNING: Isa itong personal na blog post.
Naranasan mo na bang mawalan ng isang bagay na sobra sobrang halaga sa iyo? Yung tipong iniingatan mo siya pero dahil na rin siguro sa nakatadhana siyang mawala ay nawala na nga siya sa iyo.
Ako, oo. Nung Sabado lang. *Lunes ko ito isinulat*
Sabihin niyo ng ang corny ko, ang babaw ko o kahit ano pa... pero nung Sabado, nawala ang singsing na ibinigay sa akin ng ex-crush ko.. na boyfriend ko na ngayon. Okay, this is the part where it gets a bit corny so if you hate that, dodge. :)
May mga paniniwala tayo na kapag nawala daw ang simbulo ng pagmamahalan niyo ay magkakagulo rin kayo. Kapag nawala ang singsing, kwintas, bracelet, stuffed toy, bulaklak na ibinigay sa iyo... magkakahiwalay na agad kayo.
Napakababaw pero halos lahat ata ng tao dumaan sa ganyang pag-iisip. Sa ngayon? Oo, malungkot pa rin ako. Dahil hindi ko ugaling magsuot ng alahas at yun lang ang natatanging accessory ko sa katawan... tapos nawala pa. Nakikita ko pa nga ang mark niya sa daliri ko at pag nakikita ko yun eh nalulungkot ako. Pero dahil ba dun naniniwala akong masisira ang relasyon ko? Hindi.
Siguro nga kung sakaling nag-away kami dahil lamang sa simpleng bagay na iyon, mas madali kung isisisi namin ang pinatunguhan ng relasyon sa isang simpleng singsing na walang kamalay-malay. Mas madali yun kesa sisihin namin ang mali ng bawat isa. Kapag may nangyayaring masama sa buhay natin, mas madaling isisi sa iba ang mga nangyari kesa amining may mali tayo.
Kung totoo ang sinasabi nila na kung ano ang nangyari sa simbulo ng pagmamahalan niyo ay siya ring mangyayari sa aming dalawa... aba iiwas na ako sa mga lababo dahil baka mahigop din ako habang naghuhugas ako ng pinggan.
Friday, September 23, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment