Monday, September 26, 2011

How Our Story Came to Be

Posted by PinkManure at 2:57 PM
Sa dinami dami na ng naisulat ko, hindi pa ata ako nagkaroon ng lakas ng loob na isulat ng detalyado ang buhay pag-ibig ko. Siguro kasi masyadong madugo *pang-horror*, masyadong magulo at minsan nakakakilig pero madalas maiinis ka sa katangahan ko. Pinanganak na ata akong tanga sa pag-ibig.


Una sa lahat-- naniniwala ba ko sa tunay na pag-ibig? Oo. Naniniwala ba ako na may mga taong tinadhana para sa isa't isa? Oo. Naniniwala ba ko na yung taong yun ang makakatupad sa lahat ng pangarap mo sa buhay gaano man ito kaimposible? Oo.


Walang masamang maniwala. Kasi sa paniniwalang may makakasama tayo sa buong buhay natin -- dahil diyan kaya libu-libong tao ang nakakangiti sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kahit gaano kabigat ang problema nila.


Kunwari na lang artista kami. Kunwari na lang mahalaga kaming mga tao sa mundo at pambawi man lang sa dignidad kong yuyurakan ko unti-unti sa paglalahad ng istoryang ito, ay uunahan ko ng nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi. Sana wag kayong tamarin basahin ito. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang isang mala-telenovelang kacornihan na naranasan ko sa relasyong hanggang ngayon ay inilalaban pa rin namin sa bawat pagsubok ng buhay.


-------
Bata pa man ako, may isa na kong pangarap sa buhay -- ito ay ang yayaing magpakasal sa tabing dagat... during sunset. Corny, oo pero pangarap ko talaga ito. Hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng mga pocketbooks na palihim kong binabasa noon. *ayaw ni mama na basahin ko ito dahil sa mala-pornographic images na inilalagay nito sa mumunti kong kaisipan, pero nakakapuslit pa rin ako. ninja moves*.


Siguro napanood ko ito sa mga chic flick series and movies na pinapanuod ni ate. Kung saan ko man napulot ang ideyang ito, ay di ko na rin alam basta ang alam ko, ganun ang gusto kong mangyari.


Nagdalaga ako, nagkaron ng iba't ibang relasyon.... at ang pangarap na ito ay unti-unti kong nalimot. What happened? Reality. 


Hindi kasi pocketbook ang buhay, hindi ako artista sa romantic film... at hindi lahat ng pagkakataon, merong isang malanding moment na pwedeng mabigyan ng award sa Oscar's o Emmy's bilang Best Kissing Scene o Best Love Scene. Hindi ganun kadali o kasarap mainlove lalo na kapag nagsisigawan at nag-iiyakan na kayo, kapag nagsusumbatan na, naghahanapan na ng mali.


Mahirap kapag bata ka, pinapapaniwala ka ng magulang mo na lahat ng bagay kasing sarap ng cotton candy, kasing ganda ng rainbows... tapos pagtanda mo marirealize mo na ang isang perpektong love story ay kasing ilap ng unicorn-- Hindi ito totoo.


Isusuko ko na ang pangarap na ito. E kaso dumating ang isang kumag sa buhay ko. Ooopppsss... Baka isipin niyo na sumuko na ko sa love hanggang sa dumating siya. At na binago niya ang pagtingin ko sa love, pero hindi ito totoo. Bago pa man siya dumating, naniniwala pa rin ako sa eternal love, I just grew up. Hindi na ko naniniwala sa mga mushy scenes from the movie-- wala ng engagement by the sunset.


E bakit ba naman kasi dumating pa siya? Not that, nagsisisi ako. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ugali niya at laro-laro lang kami nagsimula. Nako, walang nag-isip na magseseryoso kami-- alam ko, inamin niya rin sa akin. Kung paano nagsimula ay isang mahabang istorya na mas mahaba pa dito kaya wag na nating simulan. Ang mas mahalaga ay ang tagpong dapat kong ipaalam sa iba. Ang araw na tinupad niya ang childhood fantasy ko. :)


1st official month namin. Akala nung iba, matagal ng kami pero ang totoo joke time lang yun. Adik kasi sila, pinapangunahan nila yung paglalandian stage namin.


Nagkita kami sa Mall of Asia ng tanghali, naglunch tapos gala-gala.


Nung nag-hapon na, lumabas naman kami. Sa may Seaside. Sa may Esplanade. 4PM na ata nun.


SEASIDE. CHECK.


SUNSET. CHECK.


MABAHONG DAGAT. CHECK.


*Binigay ko gift ko sa kanya. hindi ko na babanggitin kung ano. Pero natawa siya dito.*


Nag-expect akong may gift din ako. Syempre, dapat meron. Hutaena naman, tagal ng plinano to... isang araw!


Ako: Asan na gift ko?


Siya: Kelangan ba nun?


Ako: Hmp


Siya: Joke lang, sige tingin ka muna dun.


Ako: *Nag-expect ng kwintas. Kasi di ba ganun sa mga pelikula? Tatalikod yung girl tapos sasabitan ng kwintas from the back?*


Walang kwintas.


Siya: O tingin ka na ulit dito.


Ako: *Tumingin ako sa kanya. Wala namang bago. Sumimangot ako.* Anung gift mo?


Siya: Eto o.


Hawak niya yung silver ring.


Ako: Wow. Sakin yan? *Tanga lang. haha*


Siya: *kinuha kamay ko sabay suot.* Di ba dapat may tanong to?


Ako: Oo, adik ka rin eh. Walang paalam. Basta mo na lang sinuot.


Siya: Will you marry me in the near future?


Ako: Lul. 1month pa lang wedding na agad?


Siya: *mukhang seryoso* Ayaw mo ba?


Ako: Seryoso ba yan? *Tinitigan ko mukha niya. Aba mukhang seryoso.*


Siya: Oo nga.


Ako: Sure ka ba diyan?


Siya: Ngayon lang ako naging sure sa buong buhay ko.


Ako: Hindi ka ba nagmamadali masyado?


Siya: Marami akong plano. Pero gusto ko kasama ka habang ginagawa ko yun. Kasama ka na sa plano ko.


Ako: *kilig na kilig pero ayaw magpaobvious* Corny mo.


Siya: Walang sagot?


Ako: Iisip muna ako. Kelan mo ba balak gawin yan?


SIya: Kelan ka ba free?

Ako: Gagu.


Siya: I love you. Wala pa ring sagot?


Ako: Kelangan may pressure?


Siya: ....


Ako: Yes. Oo na. Sige na. Papakasalan kita in the near future.
-------


Ever since, dalawang taon na kaming nakatali sa isa't isa. May mga times na gusto naming maghiwalay... ay ako lang pala. Pero hindi ko alam, baliw na baliw ata siya sa ganda ko kaya hindi niya ko mapakawalan. *Hindi ako maglalagay ng tawa sa statement na ito para isipin mong totoo.*


Pero ang totoo nakita ko kasi sa kanya ang isang katangian na hinding hindi ko nakita sa iba. Napakahaba kasi ng kanyang......... pasensya. HAHAHA


Sa totoo lang, siya lang ang tanging tao na nakakapagpasensya sa kakulitan, kamalditahan at kaguluhan ko. Kaya oo, madalas man malungkot ako sa relasyon na ito dahil sa malayo siya sa akin, pero sa tuwing iniisip kong mawawala siya sa akin, nalulungkot ako.


ENGAGEMENT BY THE SEASIDE DURING SUNSET. Cheap version man. Pero CHECK.


UP NEXT: Wedding by the beach.:)

1 comments:

Kim Reyes on September 26, 2011 at 6:07 PM said...

Natawa ako sa "Mabahong dagat. Check!" :)) Ang cute ng story. Naaliw naman ako.

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei