Friday, September 30, 2011

The Day Our Hearts Met -- Online

Posted by PinkManure at 3:19 PM 1 comments


Online love affairs.

Sa dami ng mga menor-de-edad na narirape ngayon, mga babae o baklang pinapatay o nilolooban ng mga tinatawag nating, "online buddies" (Friends sa Facebook/ Twitter/ YM/ Skype etc.) mahirap na nga atang magtatagumpay ang mga pagkakaibigan o pagkaka-ibigan na nagsimula sa cyber space.

BABALA: 

Ang mababasa mo ngayon ay mula sa isang babaeng nasa isang matagumpay na relasyon na nagsimula sa cyber space kaya medyo biased ako. Kanya-kanya tayong depinisyon ng matagumpay pero sa akin, oo matagumpay naman ang relasyon ko.

Ang totoo hindi rin ako naniniwala dito noon. Para sa akin masyadong mababaw ang makipagrelasyon sa isang taong nakilala mo lang online. Madali kasi magpanggap sa cyberspace. Pwedeng maging mayaman ang mahirap, gwumapo o gumanda ang pangit, bumait ang kriminal at minsan pwede pang magpalit ng kasarian. Hindi ko rin sila masisisi, kasi minsan talaga masarap tumakas sa realidad ng buhay kahit sandali lang.

Okay, back to the topic. Sa sobrang daming tao online, at sa sobrang dami sa kanilang nagpapanggap na ibang tao, hindi ba't mahirap mainlove dito? Para ka na ring nainlove sa gitna ng isang matinding world war. Magulo. Hindi mo alam kung sino pagkakatiwalaan mo.

Tapos nangyari sa akin. Nainlove ako sa isang taong technically ay nakilala ko online. At simula nun, naniwala ako. Nakakahanga nga kung tutuusin. Oo, totoo pala na pwede kang mainlove sa gitna ng gulo. Totoo pala na kahit mas mahirap gawin ito, mas fulfilling ang pakiramdam.

Kung tutuusin, pare-parehas lang namang channel ng komunikasyon ang chat, text, phonecall etc. kumpara sa personal na pakikipag-usap hindi ba? Isang bagay lang ang kulang, yung personal touch pero isang bagay lang naman yun at hindi dahil dun ay mawawalan na ng saysay yung mismong pag-uusap.

Inaamin ko, dumating sa punto na kapag tinanong ako kung paano kami nagkakilala ng boyfriend ko ay inililihis ko ang tanong o kaya nama'y sinasagot ko ito ng ngiti... dahil lang sa nahihiya akong aminin na, OO ONLINE LANG KAMI NAGKAKILALA.

Iba kasi ang tingin ng mga tao sa mga babaeng nakikipag-eyeball. Mababaw, malanding babae, easy-to-get etc. etc. Gusto ko lang itanong, BAKET? Kung tutuusing ganon din naman nila nakilala ang ibang tao ah.. complete strangers din naman sila noon ah. Eh sadyang magkalayo ang mundo namin at online lang kami nagkakalapit eh. May masama ba dun?

Noon yun. Ngayon proud na ko. Isipin na nilang malandi ako, isipin na nilang ang babaw ko... pero gusto kong malaman nila na masaya naman ako.

Alam mo kung bakit? Because being in an online relationship is twice harder but twice the fun.

Note: Hindi ko inaadvertise na makipag-EB kayo sa mga kakilala niyo online. Mag-ingat din naman kayo. Maging mausisa at matanong, matuto kang makiramdam. Sinasabi ko lang na minsan hindi naman masama ang magtiwala, wag ka lang magpapakatanga. :)

Mula dito ang larawan.

Thursday, September 29, 2011

Makeover ba kamo? Baka naman Make-COVER. :)

Posted by PinkManure at 10:08 AM 0 comments
Ayoko sa mga makeover.


Kapag nakakanuod ako nito sa tv, naawa ako sa minimakeover nila.


Hindi ko alam pero pakiramdam ko talaga, yung BEFORE and AFTER sinasabotahe ng programa. Obvious naman siguro kasi kapag BEFORE, hindi kinukuha ang magandang anggulo ng tao (kahit gaano kapangit ang tao, may maganda pa rin siyang anggulo noh!). Tapos it's either full blast yung ilaw para makita mo kung gaano katadtad ng pimples yung mukha niya o kaya naman madilim yung ilaw para magmukhang kawawa yung biktima... este yung imimakeover nila.


Pakiramdam ko lang naman, pero naiimagine ko ang director na sinasabihan yung babae ng "O dapat magmukha kang malungkot. Dapat walang kulay ang mukha mo. Dapat magmukha kang puyat. Dapat magulo buhok mo. Dapat para kang nakakaawa at higit sa lahat dapat mukha kang nagsiself pity."


At matapos ng make-over, "Ngumiti ka! Dapat nagmukha kang masaya kahit hindi mo maimulat ng maayos ang mata mo dahil sa false lashes. Kahit hindi mo maintindihan bakit ganyan ang ginawa sa buhok mo at kahit hindi siya bagay sa iyo, USO YAN! Kahit matapos ng makeover na ito, babalik ka sa pagtitinda sa palengke. Iisipin mo na naman kung ano ipapakain sa lima mong anak na may pamilya na at may tig-dalawang anak na hanggang ngayon ay nakaasa pa rin sayo."


Ngumiti ka. Lokohin mo ang sarili mo.


At tayo namang nanunuod, tuwang tuwa sa napapanood natin. Iniisip natin na ang saya siguro ng pakiramdam niya na hindi natin naisip, ano ba talagang ginawa nila? Pinaganda ka nila ng isang araw at parang dahil dun binago na nila ang buhay nung babae?


Sana nga ganun lang kadali noh? Sana matatakpan ang problema gamit ang concealer. Sana nga mapapatibay ang buhay gamit ang foundation. Sana maging pantay ang pagtingin sa lahat ng tao gamit ang eye shadow o eyeliner.


Kaso hindi eh. Kaya sige, magpakaloko na lang tayo na totoong nakakatulong ang makeover na yan sa mga matatandang lola na hanggang ngayon ay naglalako pa rin ng paninda sa kalsada.


Gagu rin tayo eh. 

Wednesday, September 28, 2011

Dalawang Meatloaf Sandwich

Posted by PinkManure at 10:26 AM 1 comments
Mahilig ako sa meatloaf. Kaya kahapon nung nagluto ng meatloaf para sa agahan, nagtago ako ng dalawang slice para gawing sandwich na ibabaon ko sa office.


Bagyo. Pumasok ako ng opisina ng maaga. Pagdating ko dun, brownout. Walang pasok. Yehey!


Nung papauwi na ako, nakita ko yung isang matandang babae na nagtutulak ng kariton palabas sa parking lot ng opisina namin. Nilipad yung plastik na pinangtatakip niya sa mga karton niya para hindi mabasa. Hindi niya maitulak yung kariton dahil sa lakas ng hangin, bukod pa ito sa mabigat ito.


Hindi naman maulan, sobrang lakas lang talaga ng hangin. Hindi na nga ako nagpayong dahil baka matangay pa ako ng hangin.


Natigilan ako nung nilipad yung plastik ng tarapal niya. Hindi niya alam kung hahabulin ba niya yung plastik o itatabi niya muna yung kariton niya o kung paano niya ba itutulak yung kariton niya. Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.


Lagi kong nakikita ang matandang babaeng ito. Araw-araw sa tuwing maaga akong nakakapasok, siya ata yung kumukuha ng mga karton at papel sa office namin. Madalas andun siya sa labas ng parking lot tapos pag nakikita niya ako, tinatanguan niya ako tapos ngumingiti siya, kahit wala na siyang ngipin... bukod pa dun wala rin siyang isang mata. Nabulag ata yung kaliwa niyang mata, hindi ko alam kung bakit.


Nakatitig ako sa kanya. Siguro nakita rin ako nung kaopisina kong lalaki... na nakakapote. Kaya siguro nainspire din siyang tulungan yung ale. Hinila niya yung kariton papasok sa parking lot namin. Wala namang pasok kaya walang lamang kotse yun, kaya siguro okay lang na dun muna siya. 


"Nay, dito lang muna kayo. Lakas ng hangin." sabi ko.


"Yung tarapal ko." sabi niya. Nilipad na kasi yung plastik sa kabilang kalsada. At masyado na siyang mahina para habulin pa yun. Alam ko, kasi napapansin kong mabagal siya magtulak ng kariton.


Nakiusyoso sa amin yung iba kong officemates. Hindi sila lumapit pero andun sila, nakatanaw. Lumapit yung guard sa amin. "Anung problema?"


"Yung tarapal ni nanay. Nilipad." sagot ko.


"Ah oo, mababasa yung mga karton niya. Kawawa naman si nanay. Teka ako na kukuha." Umalis sandali si kuya para kumuha ata ng payong.


Ako? Anung ginawa ko? Wala namang pasok. Uuwi na ako. May baon akong dalawang sandwich. Iniabot ko lahat kay nanay, "Nay, pang-almusal niyo po."


Kinuha niya ito, "Salamat. Salamat."


Curious na ako sa buhay niya noon pa mang nakikita ko na siya kapag pumapasok ako. Kaya nagsimula akong mag-usisa.


Ako: Bakit po kayo nagtatrabaho na e matanda na kayo?


Siya: Kelangan ko kasi ng gamot.


Ako: Ah anu po ba sakit niyo?


Siya: Sakit sa puso. Saka sa kidney.


Ako: E bakit po kayo pa nagtatrabaho? Wala po kayong anak?


Siya: Meron. Apat mga anak ko.


Ako: Asan po sila?


Siya: Patay na.


Ako: E sino na lang po kasama niyo?


Siya: Wala. Ako na lang mag-isa.

Ako: San po kayo nakatira?


Siya: Dito. Dito lang sa kariton na to.


Hindi ko kinayang magtanong pa. Ayoko na eh. Naiiyak na rin ako kaya matapos maibalik nung guard sa kanya yung plastik niya at matapos kong sabihin sa kanya na, "Sige po nay. Kainin niyo po yung binigay ko ah. Ingat po kayo." umalis na ako.


Ayoko namang makita niya na naawa ako sa kanya. Hindi ko hahayaang madagdagan ng self-pity yung nararamdaman niya.... pero p*tangina! Naisip ko asan ba ang gobyerno dito?? Bakit may mga taong ganun? Bakit may mga taong nagpapakasasa sa pera, tapos may mga matandang kelangang mangalakal ng basura para lang makabili ng gamot nila?


Nakakatawa pero mas "okay" pa sana kung sasabihin niyang may mga apo siya. Kasi atleast alam ko, may mga kasama siya. May mag-aalaga sa kanya. May maghihintay sa pag-uwi niya. Pero wala eh. Mahirap maging mahirap lalo na pag mag-isa ka lang.


Unfair talaga ang mundo. Unfair na unfair. Oo, swerte ako kasi hindi ako katulad niya.... pero hindi ako natutuwa dahil lang sa swerte ako. Nagpapasalamat, pero hindi natutuwa.


Kung ano na nangyari sa matanda, hindi ko na alam. Hindi ko rin naman siya nakita ngayong araw dahil late ako. Pero I'm sure sa ibang mga araw makikita ko na naman siya. Magdadala na kong extrang sandwich para sa kanya.


P.S.


Habang isinusulat ko ito, naiiyak na naman ako. P*tangina talaga.

Tuesday, September 27, 2011

Facebook - Password = Away

Posted by PinkManure at 1:50 PM 2 comments




Isa ka ba sa mga babae na isa sa requirement sa isang relasyon ay ang malaman ang password ng bawat online account ng boyfriend mo?


Facebook. YM. Skype. Twitter. MSN. Email. Basta dapat lahat alam mo. Kahit pa Friendster niya. Kung oo, malamang minsan dumating na rin kayo sa punto na nag-aaway kayo dahil bigla na lang nag-change pass ang boyfriend mo na para bang may itinatago. 


Malamang rin hindi mo maiwasang hindi sagutin ang mga nag-PPM sa kanya, nagtatanong, nangangamusta o kahit ano pa man. Dalawa lang ang pwede mong gawin. Magkunwari ikaw siya *madalas ginagawa ito kapag babae ang nag-ppm* o magpakilala na ikaw ang girlfriend niya *madalas ginagawa ito pag lalaking tropa ang nagppm... o kaya bading na may crush sa bf mo*


Hindi naman ata natin maiiwasan. Likas sa babae ang maging overprotective at possessive sa mga bagay na pag-aari niya. Normal naman yung hingin mo yung passwords ng accounts niya. Yes boys, pag hiningi niya sa inyo ibigay niyo. Wag niyong bigyan ng pagkakataon na magduda siya sa inyo dahil mas mahihirapan kayong mabawi ang account niyo.


Sa totoo lang, ganito din ako dati. Hingi ng password, pag ayaw ibigay-- away. Kapag binigay, tapos pinalitan-- away ulit. Kapag binigay tapos may nakitang nakakairita-- mas matinding away. Hanggang sa nagsawa na lang ako. Hindi ko na hiningi ulit.


Bakit kamo? Dadating kasi sa punto na iisipin mo, hindi na yung account na yun ang sukatan ng tiwala niyo sa isa't isa. Matututo kayong gumalang sa private space ng isa't isa. O kaya minsan, mawawalan ka lang ng pakialam. Darating ang punto na mararamdaman mong kahit gaano kahalaga para sa iyo ang commitment niyo ONLINE, mas mahalaga pa rin ang commitment niyo IN REAL LIFE.


Kung iisipin, hindi ba nakakasakal yun? Hindi pa kayo kasal pero kung pakialamanan mo na ang mga personal affairs niya, ganun ganun na lang. Hindi lang yan usapin ng tiwala. Usapin rin yan ng personal life. Oo, magkarelasyon kayo... pero hindi ibig sabihin na pag-aari niyo na ang social life ng isa't isa. Bigyan niyo ng space ang isa't isa. Isa rin yan sa susi ng mga matagumpay na relasyon.


TIPS FOR BOYS:


Kung gusto niyong maagang mabawi ang accounts niyo sa mga girlfriends niyo ganito ang gawin niyo:


Kapag hiningi ng babae sa inyo ang password niyo, ibigay niyo na lang. Sa mas mabilis na pagbibigay ng password, mas maagang marirealize ng babae ang mga nasabi ko sa taas. Wag kayong maging defensive at wag niyo siyang pagbintangan na may trust issues. Isa pa pala. Habang alam niya pa ang password mo, WAG KANG MAGLALOG-IN. As in WAG. Para maisip ng mga friends mo na inactive ka na at hindi ka na nila pansinin. Trust me, magaling kaming humanap ng pagseselosan namin. :)


Mula dito ang larawan.

Monday, September 26, 2011

How Our Story Came to Be

Posted by PinkManure at 2:57 PM 1 comments
Sa dinami dami na ng naisulat ko, hindi pa ata ako nagkaroon ng lakas ng loob na isulat ng detalyado ang buhay pag-ibig ko. Siguro kasi masyadong madugo *pang-horror*, masyadong magulo at minsan nakakakilig pero madalas maiinis ka sa katangahan ko. Pinanganak na ata akong tanga sa pag-ibig.


Una sa lahat-- naniniwala ba ko sa tunay na pag-ibig? Oo. Naniniwala ba ako na may mga taong tinadhana para sa isa't isa? Oo. Naniniwala ba ko na yung taong yun ang makakatupad sa lahat ng pangarap mo sa buhay gaano man ito kaimposible? Oo.


Walang masamang maniwala. Kasi sa paniniwalang may makakasama tayo sa buong buhay natin -- dahil diyan kaya libu-libong tao ang nakakangiti sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kahit gaano kabigat ang problema nila.


Kunwari na lang artista kami. Kunwari na lang mahalaga kaming mga tao sa mundo at pambawi man lang sa dignidad kong yuyurakan ko unti-unti sa paglalahad ng istoryang ito, ay uunahan ko ng nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o hindi. Sana wag kayong tamarin basahin ito. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang isang mala-telenovelang kacornihan na naranasan ko sa relasyong hanggang ngayon ay inilalaban pa rin namin sa bawat pagsubok ng buhay.


-------
Bata pa man ako, may isa na kong pangarap sa buhay -- ito ay ang yayaing magpakasal sa tabing dagat... during sunset. Corny, oo pero pangarap ko talaga ito. Hindi ko alam kung impluwensya ba ito ng mga pocketbooks na palihim kong binabasa noon. *ayaw ni mama na basahin ko ito dahil sa mala-pornographic images na inilalagay nito sa mumunti kong kaisipan, pero nakakapuslit pa rin ako. ninja moves*.


Siguro napanood ko ito sa mga chic flick series and movies na pinapanuod ni ate. Kung saan ko man napulot ang ideyang ito, ay di ko na rin alam basta ang alam ko, ganun ang gusto kong mangyari.


Nagdalaga ako, nagkaron ng iba't ibang relasyon.... at ang pangarap na ito ay unti-unti kong nalimot. What happened? Reality. 


Hindi kasi pocketbook ang buhay, hindi ako artista sa romantic film... at hindi lahat ng pagkakataon, merong isang malanding moment na pwedeng mabigyan ng award sa Oscar's o Emmy's bilang Best Kissing Scene o Best Love Scene. Hindi ganun kadali o kasarap mainlove lalo na kapag nagsisigawan at nag-iiyakan na kayo, kapag nagsusumbatan na, naghahanapan na ng mali.


Mahirap kapag bata ka, pinapapaniwala ka ng magulang mo na lahat ng bagay kasing sarap ng cotton candy, kasing ganda ng rainbows... tapos pagtanda mo marirealize mo na ang isang perpektong love story ay kasing ilap ng unicorn-- Hindi ito totoo.


Isusuko ko na ang pangarap na ito. E kaso dumating ang isang kumag sa buhay ko. Ooopppsss... Baka isipin niyo na sumuko na ko sa love hanggang sa dumating siya. At na binago niya ang pagtingin ko sa love, pero hindi ito totoo. Bago pa man siya dumating, naniniwala pa rin ako sa eternal love, I just grew up. Hindi na ko naniniwala sa mga mushy scenes from the movie-- wala ng engagement by the sunset.


E bakit ba naman kasi dumating pa siya? Not that, nagsisisi ako. Pero sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ugali niya at laro-laro lang kami nagsimula. Nako, walang nag-isip na magseseryoso kami-- alam ko, inamin niya rin sa akin. Kung paano nagsimula ay isang mahabang istorya na mas mahaba pa dito kaya wag na nating simulan. Ang mas mahalaga ay ang tagpong dapat kong ipaalam sa iba. Ang araw na tinupad niya ang childhood fantasy ko. :)


1st official month namin. Akala nung iba, matagal ng kami pero ang totoo joke time lang yun. Adik kasi sila, pinapangunahan nila yung paglalandian stage namin.


Nagkita kami sa Mall of Asia ng tanghali, naglunch tapos gala-gala.


Nung nag-hapon na, lumabas naman kami. Sa may Seaside. Sa may Esplanade. 4PM na ata nun.


SEASIDE. CHECK.


SUNSET. CHECK.


MABAHONG DAGAT. CHECK.


*Binigay ko gift ko sa kanya. hindi ko na babanggitin kung ano. Pero natawa siya dito.*


Nag-expect akong may gift din ako. Syempre, dapat meron. Hutaena naman, tagal ng plinano to... isang araw!


Ako: Asan na gift ko?


Siya: Kelangan ba nun?


Ako: Hmp


Siya: Joke lang, sige tingin ka muna dun.


Ako: *Nag-expect ng kwintas. Kasi di ba ganun sa mga pelikula? Tatalikod yung girl tapos sasabitan ng kwintas from the back?*


Walang kwintas.


Siya: O tingin ka na ulit dito.


Ako: *Tumingin ako sa kanya. Wala namang bago. Sumimangot ako.* Anung gift mo?


Siya: Eto o.


Hawak niya yung silver ring.


Ako: Wow. Sakin yan? *Tanga lang. haha*


Siya: *kinuha kamay ko sabay suot.* Di ba dapat may tanong to?


Ako: Oo, adik ka rin eh. Walang paalam. Basta mo na lang sinuot.


Siya: Will you marry me in the near future?


Ako: Lul. 1month pa lang wedding na agad?


Siya: *mukhang seryoso* Ayaw mo ba?


Ako: Seryoso ba yan? *Tinitigan ko mukha niya. Aba mukhang seryoso.*


Siya: Oo nga.


Ako: Sure ka ba diyan?


Siya: Ngayon lang ako naging sure sa buong buhay ko.


Ako: Hindi ka ba nagmamadali masyado?


Siya: Marami akong plano. Pero gusto ko kasama ka habang ginagawa ko yun. Kasama ka na sa plano ko.


Ako: *kilig na kilig pero ayaw magpaobvious* Corny mo.


Siya: Walang sagot?


Ako: Iisip muna ako. Kelan mo ba balak gawin yan?


SIya: Kelan ka ba free?

Ako: Gagu.


Siya: I love you. Wala pa ring sagot?


Ako: Kelangan may pressure?


Siya: ....


Ako: Yes. Oo na. Sige na. Papakasalan kita in the near future.
-------


Ever since, dalawang taon na kaming nakatali sa isa't isa. May mga times na gusto naming maghiwalay... ay ako lang pala. Pero hindi ko alam, baliw na baliw ata siya sa ganda ko kaya hindi niya ko mapakawalan. *Hindi ako maglalagay ng tawa sa statement na ito para isipin mong totoo.*


Pero ang totoo nakita ko kasi sa kanya ang isang katangian na hinding hindi ko nakita sa iba. Napakahaba kasi ng kanyang......... pasensya. HAHAHA


Sa totoo lang, siya lang ang tanging tao na nakakapagpasensya sa kakulitan, kamalditahan at kaguluhan ko. Kaya oo, madalas man malungkot ako sa relasyon na ito dahil sa malayo siya sa akin, pero sa tuwing iniisip kong mawawala siya sa akin, nalulungkot ako.


ENGAGEMENT BY THE SEASIDE DURING SUNSET. Cheap version man. Pero CHECK.


UP NEXT: Wedding by the beach.:)

Sunday, September 25, 2011

Let's Talk About Integers...

Posted by PinkManure at 9:53 AM 0 comments


Ang corny ng tawag ko sa kanila, pero noon pa man *simula nung highschool ako*, yan na ang tawag ko sa kanila. Mga "integers" o mga "intrigera".


Sila yung mga taong may bullseye sa lahat ng tao sa paligid nila. Sila yung hindi marunong tumingin sa "bright side" ng mundo. Para sa kanila... lahat pangit, walang mabait, lahat nakikipagplastikan. Lahat pinupuna. Lahat binibigyan ng meaning *at hindi ito maganda*. Tapos kapag pinagsabihan mo sila, they get on all fours and be so defensive, parang aso.


Para sa akin, mas delikado pa silang kaibigan kesa sa mga chismosa. Halos parehas lang, pero mas malala... dahil ugali rin nila ang pakikipagplastikan. Ngunit hindi tulad ng mga chismosa, sila yung mga tipong tao na ipaparamdam sa iyo na may sinasabing tungkol sa iyo ang isang tao... AT pinagtatanggol ka nila. Pero sa totoo lang, kabilang sila sa mga nanghuhusga sa iyo.


Hindi rin nila alam kung ano ang salitang "respect". Kapag may nakita silang mali, huhusgahan na nila ito agad agad. Kahit pa may matinong dahilan, hindi nila ito maiintindihan kasi hindi rin nila alam ang salitang "understanding".


Bukod pa sa mga nakakainis na ugali na nasabi ko na, sila rin ay magaling mang-salestalk. Hindi sila nakukuntento na makapagsabi ng opinyon nila sa isang tao. KUKUMBINSIHIN KA NILA at ipipilit nila sa iyo ang opinyon na ito. Ganoon sila kakupal.


Piling pili ang mga taong ganito... pero hindi ibig sabihin na gifted sila. Naiinis man ako na ginawa pa sila ng Diyos sa mundo, nagpapasalamat naman ako na hindi sila laganap sa mundo.


Mula dito ang larawan.

Saturday, September 24, 2011

Naniniwala ka ba sa "Kahit anong Mangyari"?

Posted by PinkManure at 3:36 PM 0 comments
"Kahit anong mangyari."


Kalokohan!


Naniniwala ako na "nothing is certain in life." Pwedeng sabihin mo yan ngayon pero bukas, sigurado ka ba na hindi magbabago ang nararamdaman mo? Masyadong mabigat ang salitang "kahit anong mangyari". Kaya hindi ito basta-basta binibitawan ng mga taong "sincere" at nagsasabi ng totoo.


Masarap pakinggan, oo. Pero mahirap panindigan. Dahil minsan nag-iiba ang ihip ng hangin. Hindi mo alam ang ihahatid ng kapalaran sa iyo bukas. Kaya ang mangako nito ay isang malaking kalokohan.


Bakit hindi na lang ganito? Sabihin mo ang nararamdaman mo? Wag kang mangako para sa kinabukasan. "I love you today." "I miss you today." Kasi hindi naman talaga natin alam ang hatid ng "tomorrow" eh. Ang tangi nating pwedeng gawin ay ang mabuhay ng masaya sa ngayon at umasa na mas maging masaya pa tayo kinabukasan.

Friday, September 23, 2011

Ang Aking Singsing... Bow.

Posted by PinkManure at 12:24 PM 0 comments
WARNING: Isa itong personal na blog post.


Naranasan mo na bang mawalan ng isang bagay na sobra sobrang halaga sa iyo? Yung tipong iniingatan mo siya pero dahil na rin siguro sa nakatadhana siyang mawala ay nawala na nga siya sa iyo.


Ako, oo. Nung Sabado lang. *Lunes ko ito isinulat*


Sabihin niyo ng ang corny ko, ang babaw ko o kahit ano pa... pero nung Sabado, nawala ang singsing na ibinigay sa akin ng ex-crush ko.. na boyfriend ko na ngayon. Okay, this is the part where it gets a bit corny so if you hate that, dodge. :)


May mga paniniwala tayo na kapag nawala daw ang simbulo ng pagmamahalan niyo ay magkakagulo rin kayo. Kapag nawala ang singsing, kwintas, bracelet, stuffed toy, bulaklak na ibinigay sa iyo... magkakahiwalay na agad kayo.


Napakababaw pero halos lahat ata ng tao dumaan sa ganyang pag-iisip. Sa ngayon? Oo, malungkot pa rin ako. Dahil hindi ko ugaling magsuot ng alahas at yun lang ang natatanging accessory ko sa katawan... tapos nawala pa. Nakikita ko pa nga ang mark niya sa daliri ko at pag nakikita ko yun eh nalulungkot ako. Pero dahil ba dun naniniwala akong masisira ang relasyon ko? Hindi.


Siguro nga kung sakaling nag-away kami dahil lamang sa simpleng bagay na iyon, mas madali kung isisisi namin ang pinatunguhan ng relasyon sa isang simpleng singsing na walang kamalay-malay. Mas madali yun kesa sisihin namin ang mali ng bawat isa. Kapag may nangyayaring masama sa buhay natin, mas madaling isisi sa iba ang mga nangyari kesa amining may mali tayo.


Kung totoo ang sinasabi nila na kung ano ang nangyari sa simbulo ng pagmamahalan niyo ay siya ring mangyayari sa aming dalawa... aba iiwas na ako sa mga lababo dahil baka mahigop din ako habang naghuhugas ako ng pinggan.

Thursday, September 22, 2011

Daig ng social climber ang mayaman

Posted by PinkManure at 12:30 PM 3 comments




Anak ng.... nung nabasa ko to, muntik na kong mapamura.


Hindi ko alam kung dahil ba sa tingin ko, kahit anong pagpapagandang gawin niya eh, mukha pa rin siyang palengkera... yung walang poise o walang class. O dahil ba sa hanggang ngayon pangkalye pa rin ang tunog ng pangalan niya. Pero nainis talaga ako sa sinabi niyang ito.


Andito ang buong storya.


Pabiro ba yan? I hope oo. Kasi hindi ako humanga sa kanya sa kahit anong punto. Nainis ako. Ang yabang ng dating. O ate, ikaw na may Hermes na bag. Ikaw na ang mayaman. Gaya ng pagkainis ng ibang tao sa hilig ni Kris Aquino na ipagmalaki ang mga gamit niya, na may himig ng kayabangan.... Hindi ko naman ata naalala na nagsabi siya na mamimigay siya ng pabuya sa sinumang makapagpapatunay na may babae si James Yap noong mag-asawa pa sila.


Siguro kasi alam nating lahat na noon pa man mayaman na talaga si Kris Aquino. Hindi niya kailangang ipagmalaki sa buong mundo na OO KAYANG KAYA NIYANG MAMIGAY NG HERMES BAG. Kung tutuusin mapapatawad ko pa siya kung magyayabang siya tungkol dito. Bakit? Pinagtatrabahuhan naman niya ang pinambili niya dito. Hindi niya hiningi sa asawa. Sariling pawis niya yun.


At pwede ba? Sana tigilan na ng mga tao ang pagpaparamdam kay Jinkee na sobrang ganda niya. Maputi lang siya. PERIOD.


Korina Sanchez (in an interview with Jinkee in Rated K)


"Ibang iba ka na ngayon. Ang ganda mo na."


--simpleng panlalait.


Mula dito ang larawan.

Sa MRT lang may tunay na EQUALITY!

Posted by PinkManure at 8:49 AM 1 comments




Ayoko sa MRT.


Mabilis nga, siksikan naman. Wala ngang traffic sa kalsada, makikipagbalyahan ka naman sa mga tao para lang makapasok.


Sino sa atin ang walang horror story sa MRT? Yung walang masamang karanasan? Lahat na ata tayo nagkaron ng di malilimutang karanasan sa uri ng transportasyon na ito. Isa na ako dun.


Hangga't maari, iniiwasan ko talagang sumakay dito. Isa ako sa mga taong nagtitiis ng traffic dahil alam kong kapag sumakay ako ng MRT, yung pagod at stress na mararamdaman ko ay kapantay lang ng mararamdaman ko sa traffic. At isa pa, hindi naman laging traffic sa EDSA pero laging siksikan sa MRT.


Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, dahil sa di maiiwasang pangyayari, kinakailangan kong mag-MRT. At doon, nagbago ang tingin ko dito.


Hindi, hindi ako nakumbinsi na mas okay dito. Pero namangha ako sa isang katotohanang tungkol sa mga MRT na kadalasan ay nasasapawan ng irita at inis ko sa mga taong sumasakay dito.


Malamang hindi mo rin ito napapansin, ngunit sa MRT... dito mo makikita ang tunay na pagkakapantay-pantay ng mga tao. Maliban sa coach na pambabae lamang, sa MRT mo mararamdaman ang tunay na "equality".


Naalala ko yung sinabi sa amin ng teacher namin sa history nung highschool pa lang ako. Sa sobrang disappointment ko, hanggang ngayon naalala ko pa rin ito. Ganito ang sinabi niya, "Gusto ng mga babae ng equality? Sige, pasabitin mo rin sila sa jeep!" Nagulat ako. Ganun ba kababaw ang tingin nila sa gender equality? 


Same opportunities. No discrimination. Hindi ba ganun ang meaning ng gender equality? 
Naisip ko, choice naman ng babae kung sasabit siya o makikipagtulakan sa MRT-- kahit naman ngayon pwede niyang gawin yun. 


Ang hinihingi namin ay yung hindi mag-iba ang tingin sa amin dahil dito. Yung hindi pagtatawanan at hindi iisiping kakaiba yun... kasi ang pagsabit sa jeep, ang pakikipagsiksikan at pagtayo sa MRT ay normal na ginagawa ng mga tao. Bakit kapag babae ang gumagawa ay napakalaking issue na nito?


Nung tinanong ko ang lalaki kong kaklase tungkol sa sinabing ito ng teacher namin, hinangaan ko ang sagot niya. Ang sabi niya, "Hindi naman dapat ganun. Oo nga, dapat pantay pantay pero dapat hindi pa rin nawawala ang respeto."


Sa MRT lang nagiging pantay ang lahat. Hindi ba't dito ka lang nakakakita ng mga mayayamang nakikipagsiksikan sa mga mahihirap? Hindi ba't dito ka lang nakakita ng mga lalaking nakikipagtulakan din sa babae? Hindi ba't dito ka lang nakakita ng mga taong nagtutulog-tulugan para hindi mapaupo ang matandang nasa harap nila? Sa MRT, nabubura lahat-- walang antas ng pamumuhay, kasarian o edad ang mga tao, minsan nga pati ang magandang ugali nila ay nabubura din.


Naniniwala ako na sa MRT lang nagiging pantay ang lahat ng tao. Pero ayoko pa rin sumakay dito.


Mula dito ang larawan.

Wednesday, September 21, 2011

Lito Lapid: Magtagalog Naman Kayo!

Posted by PinkManure at 8:31 PM 0 comments


Isang kakatuwang balita ang napanood ko kanina sa TV.

Senator Lito Lapid, hiniling na gawing Tagalog ang debate sa RH Bill.

Siguro yung iba tumaas ang kilay diyan. Yung iba natawa. Yung iba naisip, "Ang bobo naman niya!" Syempre natural na sa atin na isiping dapat matalino ang mga nakaupo sa pwesto ng gobyerno... kung hindi man sila matalino, dapat magmukha silang matalino. At isa sa batayan ng pagiging matalino sa Pilipinas ay ang pagiging mahusay sa wikang Ingles.

Si Lito Lapid, isang senador na buong pagmamalaking hinahayag na hindi siya magaling mag-Ingles. At hinahangaan ko siya dito. Pero bago pa ako magtunog "fangirl" ng senador na ito, ay nais ko lang puriin ang sinabi niya tungkol sa balita.

Ayon nga sa kanya *Disclaimer: Hindi ito ang mga mismong salitang sinabi niya, ngunit eto ang pagkakaintindi ko*

"Paano kung di nila maintindihan ang Ingles ko? Sampung taon silang nag-aral ng abogasya samantalang sampung taon akong nagpraktis ng mga stunts ko."

Bukod sa himig ng self-pity. Humanga ako sa sinabi niyang dapat gawing Tagalog ang debate dahil sa dapat itong maintindihan ng mga typical na tao... mga mahihirap na taong hindi magaling mag-Ingles.

Eh bakit nga ba hindi? Hindi ba't itong mga taong ito ang lubos na naapektuhan ng bill na ito? Hindi ba't sila ang makikinabang?

Kaya marami sa atin ang nagpapadala na lang sa nakakararami e dahil dito. Marami sa atin ang hindi maintindihan ang RH Bill. Kaya maraming kung ano na lang ang "uso", kung ano na lang ang "sabi ng iba"... yun na rin ang panig nila.

Kaya rin maraming nagmamarunong. Kaya marami rin ang nakakapanloko ng tao. Kaya rin maraming nagpapadala. Dahil diyan sa problemang yan. Imbes na gawin ang debate para maintindihan ng lahat ng tao ang nasa batas, nagpapagalingan sila ng speech. Nagpapagandahan ng English.

Siguro nga bobo siya. Pero sa totoo lang, interesado akong marinig ang sasabihin ni Lito Lapid. Dahil sa tinali-talino ng ibang senador diyan... siya lang ang nakaisip na, magtagalog naman ang mga senador sa isang diskusyon na sangkot ang ibang taong hindi marunong mag-Ingles.

Mula dito ang larawan.
Mula dito ang balita.

Ang pagbubuntis ay para sa dalawang tao...

Posted by PinkManure at 8:23 AM 0 comments




Ang ina ang nagdadala ng bata sa sinapupunan niya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang responsibilidad sa bata ay nakapatong lamang sa mga balikat niya.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga lalaking nang-iiwan ng mga babaeng nabuntis nila. Hindi ba sinasabi nila na hindi kayang matiis ng magulang ang anak, ibig sabihin ba hindi ito totoo?


Siguro meron lang talagang mga lalaking hindi kayang maging magulang agad. Siguro hindi pa lang talaga sila handa magkaron ng ganoon kabigat na responsibilidad. Sana may matinong dahilan. Sana may maisasagot sila sa anak nila kapag lumaki ito at tinanong sa kanila kung bakit hindi nila ito kinayang panindigan.


Ang hirap alisan ng galit ang post na ito, ngunit I promise I will try my best.


Para sa mga babaeng iniwan ng nakabuntis sa kanila:


Mahirap sigurong paniwalaan to, pero maswerte ka pa rin. Bakit? Isipin mo na lang, "You don't need another asshole in your life."


Sad to say pero dinidiscourage ko ang mga taong nagpapakasal LANG dahil sa nabuntis ang babae. Ang pagpapakasal ay isang mabigat na desisyon. Minsan kasing bigat pa nga ito ng desisyon na pagkakaroon ng anak Lalo na para sa mga batang nabubuntis, wag kang magpapakasal dahil lang sa mahal mo siya ngayon. Dahil madalas kapag bata ka, nabubulag ka sa pagmamahal. Siguro ngayon kilig na kilig ka sa kanya... pero bukas hindi ka sigurado kung ganyan pa rin ang mararamdaman mo. 


At kung kasal ka na sa kanya, wala kang magagawa kahit pa sukang-suka ka sa mukha niya.


Wag kang maniwala sa mga taong nagdidikta sa iyo na dapat mong pakasalan ang nakabuntis sa iyo. Hindi ito totoo. Ang totoo, ang dapat mong pakasalan ay yung taong kaya mong makasama habang buhay. Hindi tulad sa ibang bansa na ang pagpapakasal ay isang sugal na kapag natalo ka'y maari kang bumawi at tumaya muli,  sa Pilipinas ito ay isang sugal na walang bawian. Ipupusta mo ba ang buhay mo at ng anak mo dahil lang sa magaling siyang kumanta, malambing siya o maganda ang mata niya? 


Hindi ka niya gustong panagutan? Wag kang maghabol. Bakit? Para saan? Hindi ba't lagi nating sinasabi na "wag pilitin ang ayaw"? Gawin mo yun dito. HINDI MO ITO KAWALAN. Bitter ba? Hindi, totoo lang talaga ito.


Bakit hindi mo kawalan? Meron kang isang kakampi na hinding hindi mawawala sa iyo-- iyang anak mo. Palakihin mo siyang mabuti at turuan mo siyang wag magalit sa tatay niya dahil kung di dahil sa tatay niya, wala kang isang magandang regalo na hindi mo alam, sa hinaharap pala'y siyang makakatuklas sa gamot sa AIDS o makakaimbento ng time machine.


May mga babae na pakiramdam nila kapag iniwan sila ng tatay ng anak nila ay hindi nila kaya. Masyadong mahirap magpalaki ng anak at lalo pa itong mas hihirap kung mag-isa ka. Pero hindi ba mas mahirap magpalaki ng isang bata at isang nag-iisip bata? Hindi ba mas mahirap na habang nagpapalaki ka ng anak mo, meron kang asawang sinisisi ka sa pagkasira ng buhay niya na para bang binuntis mo ang sarili mo?


Para sa mga lalaking nakabuntis at nang-iwan ng mga anak nila:


P*tang ina niyo.


Mula dito ang larawan.

Tuesday, September 20, 2011

Plastik Ka! Hindi... Civil Lang Ako.

Posted by PinkManure at 10:18 AM 0 comments
Ang hirap ata nila ipaghiwalay dahil sa totoo lang, may manipis na linya lamang na naghihiwalay sa kanilang dalawa. Sana, dito ay maliwanagan kayo kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.


Paano mo malalamang plastik ka o civil lang?


Simple lang talaga, ngunit dahil sa mga plastik na tao na ipinipilit na nagiging "civil" lang sila, ay biglang nakakalito na ang dalawa. Iisang bagay lang ang pagkakaiba nila... Ang plastik mabait sa harap mo, pagtalikod mo saka ka nila gagaguhin. Ang civil, maayos ang pakikitungo sa iyo sa harap mo, pero gagaguhin ka rin nila pagtalikod mo.


Medyo magulo ba? Sige, ganito na lang... ang plastik magiging kaibigan mo. Iisipin mo na kaibigan mo sila at lagi silang andyan para sa iyo... dahil mabait sila. Pero hindi mo alam na pagtalikod mo, kung ano ano na pala sinasabi niya sa iyo.


Ang civil, sa harap mo palang, alam mo na na may tensyon sa inyo na mas pinili niyong wag ng kumprontahin. Tanggap niyo parehas na hindi kayo magkasundo.... pero hindi ito nangangahulugang dapat na kayong mag-away. At alam niyo rin sa isa't isa na maaring may sabihing masama ang bawat isa sa inyo. At tanggap niyo na ito.


Kaya sana tigilan na ng mga taong plastik ang pagsasabi ng, 'nagiging civil lang ako.' Eh bakit kailangang maging mabait ka sa kanya? Gagu.

Monday, September 19, 2011

Manliligaw na Pangit

Posted by PinkManure at 11:22 AM 2 comments
Sa isang perpektong mundo, lahat ng tao ay pantay pantay. Walang diskriminasyon sa relihiyon, lahi o itsura. Sa kasamaang palad, hindi tayo nabubuhay sa perpektong mundo at aminin man natin o hindi, laganap na laganap ang diskriminasyon sa mundo.


Nagkaroon ka na ba ng pangit na manliligaw? Yung ubod ng bait, at gwapo ang utak pero kinapos sa hitsura? Wag na tayo maglokohan... alam kong kung dumating sa puntong nagkaroon ka ng ganyan eh nahirapan ka ring magdecide.


Mahirap sigurong paniwalaan ng mga lalaki ngunit bawat babae ay beauty queen sa mundo niya.Tama, Miss Universe kami sa mundo namin kaya lahat kami ay maganda kahit ano pang sabihin niyo. At dahil din dun may karapatan kaming mambasted ng di kagwapuhang mga lalaki.


Lingid sa inyong kaalaman, halos lahat ng babae... yung mga babaeng pwede ng pakasalan. Kumbaga sa mangga ay yung "hinog" na hindi halos tumitingin sa panlabas na anyo ng mga tao. Bihira ang babaeng ganito.


Sa kasamaang palad, halos lahat ng babae tumitingin sa panlabas na anyo. NGUNIT, hindi importante sa amin ang "gwapo"... okay na sa amin ang "disente". Yun nga lang, iba-iba ang depinisyon namin ng "disente". Yung iba, basta maganda posture, maayos manamit at mahusay magsalita... disente na. Pero sa iba naman, kailangan kamukha muna siya ni Coco Martin at kasing katawan ni Jake Cuenca bago maging "disente".


Sa tunay na mundo, sa mundong pilit itinatago ng mga magulang mo sa iyo... OO, IMPORTANTE ANG FACE VALUE. Walang pakialam ang babae sa kabaitan mo kung hindi kayang mapanindigan ng mukha mong pangkontrabida.


Anong maipapayo ko sa iyo tungkol dito? Humanap ka ng babaeng "hinog". Yung totoong hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Alagaan mo ang sarili mo. Hindi ibig sabihin na matatanggap ka naman pala niya eh hindi ka na mag-eeffort magmukhang "bida".

Sunday, September 18, 2011

Kakabit ka pa??

Posted by PinkManure at 4:08 PM 1 comments




Isa itong mensahe sa mga babae na mahilig kumabit sa may asawa na:


Exciting siguro. Mas madali nga minsan mang-agaw. At siguro mas nakakaboost ito ng ego ng babae. Kasi nga naman, pinagpalit ang buong pamilya..... BUONG PAMILYA-- isang pamilya na pinatibay ng mahabang panahon na pagsasama ng maraming tao ang ipinagpalit niya para lamang sa pagmamahal niya sa iyo.


Sinong hindi matatouch dun?


Kaya oo, masaya nga siguro manira ng isang relasyon. Pero isang relasyon nga lang ba talaga ang sinisira mo? Bukod sa relasyon ng mag-asawa... andyan din po ang relasyon ng mga anak niya sa kanya. Andyan din ang relasyon niya sa mga magulang niya. Ang relasyon niya sa mga kaibigan niya, sa mga kamag-anak, kapit-bahay o katrabaho niya.


Lahat yun apektado... at lahat yun binabago mo.


Maipagmamalaki mo ba sa pamilya mo na, "Nay eto po si <insert name here>, may asawa't anak po siya pero ako ang pinili niya."


Tama, pwede mong mahalin kahit sino.... pero hindi ka pwedeng makipagrelasyon sa kahit sinong gustuhin mo. Hindi dahil sa lipunang nagdidikta sa iyo, kundi dahil sa MALI ITO.


At pwede ba? Tigilan mo ang sinasabi mong hindi mo mapigilang mahalin ang lalaking may asawa na.... minsan itry mo namang paganahin ang utak mo kesa sa puso mo.... o sige.... kung wala kang utak.... itry mong paganahin kunsensya mo. Baka sakaling tumalab.


Mula dito ang larawan.

Saturday, September 17, 2011

Sa Una Lang Masakit

Posted by PinkManure at 11:33 AM 3 comments
Lahat ng "First-time", masakit:
  • Unang sugat na nakuha mo sa katatakbo mo at nadapa ka.
  • Unang kurot ng nanay mo dahil sa kakulitan mo.
  • Unang beses na pinagalitan ka ng teacher mo dahil wala kang homework.
  • Unang tagyawat na nakita mo sa mukha mo.
  • Unang beses na nakaramdam ka ng dysmenorrhea dahil sa regla mo.
  • Unang pang-iisnab sayo ng crush mo.
  • Unang pangloloko sa iyo.
  • Unang relasyon na nasira.
  • Unang sex.
  • Unang pagbubuntis.
  • Unang panganganak.
  • Unang pang-iiwan.
  • Unang pagpapaasa.
  • Unang araw ng pagtanggap na wala na.
Pero gaya ng nakararami, sa una lang masakit... kapag nasanay ka na, namamanhid ka na rin.

Friday, September 16, 2011

Wala Na Kong Maramdaman

Posted by PinkManure at 11:16 AM 0 comments
Lahat ng bagyo ay humuhupa. Lahat ng apoy ay nauupos. Lahat ng hininga ay nalalagot. Lahat ng bagay... ay may katapusan.


Kahit gaano kainit ng pagmamahal o kilig na nararamdaman mo para sa isang tao... darating ang araw na mawawala iyan. Kung hindi ka naniniwala dahil may mga nasaksihan ka ng relasyon o nasa isa kang relasyon na kahit sa tinagal-tagal na ay buhay na buhay pa rin ang "alab ng pag-ibig", pero maaring gusto mong itanong sa kanila o sa sarili mo kung kahit kailan ba ay hindi nawala iyon.


Isang punto sa relasyon mo, mawawala ang mga pampelikulang eksena, pangteleseryeng mga linya. Darating ka sa punto na maiisip mo na, "Eto na ba yun? Ganito na lang ba yun?" At hindi ito nararamdaman habang nagkakagulo o nag-aaway kayo. Madalas maitatanong mo toh kapag super steady kayo, sobrang saya na namamanhid ka na.


Hindi lang sakit ang nakakapagpamanhid sa tao. Minsan pati ang saya at ligaya nagpapamanhid din... madalas mas delikado pa ang ganitong pagkamanhid. Dahil di tulad ng namanhid sa sakit, dahil madaling gawin ang "change for the better". Mahirap maghanap ng mali sa isang relasyong perpekto sapagkat ang mali dito ay ang pagiging masyadong perpekto nito.


Bakit may mga relasyong nagtatagal? Hindi ibig sabihin nito na hindi namatay ang init sa pagitan nilang dalawa ni minsan sa buong buhay nila... kaya sila nagtagal ay dahil pinaghirapan nilang buhayin ito muli. At hindi lahat ng tao ay may kakayahan o lakas ng loob na buhayin ang apoy mula sa abo. Maraming tao na kapag nakitang halos wala ng natira sa apoy ay aalis na at hahanap na lamang ng bagong panggatong.


Tama o mali?

Thursday, September 15, 2011

Bitter Kung Bitter!

Posted by PinkManure at 4:06 PM 1 comments




Para sa mga taong nagsasabi sa akin ng "wag kang bitter" doon sa mga taong gumawa ng masama sa akin.... eto lang masasabi ko, "GAGU BA KAYO?!"


Ano bang masama sa pagiging bitter? Mas okay ba kung magkukunwari akong "ok lang ako" eh sa hindi naman talaga? Mas matatanggap niyo ba kung sasabihin ko sa kanya, "I'm happy for you." kung ang gusto ko naman talaga sabihin eh "P*tang ina mo, gagu!"


Bakit hindi pwedeng maging bitter? Bakit kailangan ng pagiging "civil" sa mga taong hindi naman naging "civil" sa akin? Hinde. Hinde ko gustong mag-"wish for the best" eh. Kasalanan ba yun?


Huwag na huwag mong iisipin na masamang magalit sa mga taong gumawa ng masama sa iyo. Kaya nga tayo binigyan ng kakayahan na magalit e para magalit di ba? Wag na wag kang magkukunwari na okay ka lang. Kung gusto mo siyang murahin, gawin mo. 


Kung alam mong kasalanan niya, ipamukha mo sa kanya. Kaya maraming taong umaabuso kasi lahat tayo iniisip na dapat tayong maging "civil", dapat wag tayong magmukhang "bitter:, dapat wag tayong bababa sa level niya. Ano tuloy nangyayari? Namimihasa sila.


O gagu. Ganyang kaisipan ang nagpapahamak sa mundo, sumisira sa pamilya, nangwawasak ng relasyon. Pwede ba? Matuto tayong magbigay ng tamang reaksyon na tinatawag ng pagkakataon. Walang masama sa pagiging bitter o sa pagiging galit... Isipin mo na lang, mas mabilis mawala ang amoy ng taeng nahahanginan sa labas kesa sa taeng kulob.


Mula dito ang larawan.

Bida at Kontrabida: Ano ka ba talaga?

Posted by PinkManure at 11:15 AM 0 comments




Hindi kasalanan ng iba kung mas maganda sila sa iyo.


Maligo ka kasi.




Hindi kasalanan ng iba na mas matalino sila sa iyo.


Mag-aral ka kasi.




Hindi kasalanan ng iba kung mas magaling sila sa iyo.


Mag-isip ka kasi.


Ugali na nating lahat na pintasan, laitin o kainisan ang mga tao na hindi natin katulad. 


Kapag mas maldita siya, maiinis ka dahil masama siya. Kung mas mabait naman siya, pakiramdam mo nakikipagplastikan lang siya. Andyan pa yung mga birit na, "Kung ako kasi yun..." Yun na nga eh... HINDI KA KASI YUN, KAYA MANAHIMIK KA.


Hindi porket na mas magaling siya sa iyo at sinasabi niya sa iyo kung ano ang tama, e nagmamagaling o nagyayabang na siya. E sa bobo ka't hindi mo naisip yun, masama na bang itama yung ginagawa mo?


Minsan pride na lang natin ang pumipigil sa atin na tanggapin na may mas tama sa atin, na meron pa palang mas "okay" sa atin. Mas lalong mahirap tanggapin na yung taong mas higit pala sa atin ay yung taong inisip nating mas mababa sa atin. Yung empleyado natin, nakababatang kapatid, tambay sa kalye.


Hindi natin matanggap dahil para sa atin, tayo ang bida. Tayo naman talaga ang bida ng sarili nating istorya... pero minsan sa sobrang gusto nating maging bida, hindi natin namamalayan na nagiging kontrabida na pala tayo sa buhay ng iba.


Mula dito ang larawan.

Wednesday, September 14, 2011

Paano Ba Mag-Isip ang Babae?

Posted by PinkManure at 2:27 PM 2 comments
Maraming nagsasabi na nakakalito daw ang mga babae. Hindi ito totoo.


Oo, minsan impulsive at pabigla-biglang magdesisyon ang mga babae. Minsan din pabago-bago ng isip at minsan taliwas sa gusto ang sinasabi... ngunit hindi ba lahat naman tayo ganun? Lalaki o babae may mga pagkakataon naman talagang ganoon?


Ang tunay na dapat sisihin sa pagkalito ng mga lalaki sa mga babae ay ang maling representasyon ng mga kilos nila na binabahagi ng lalaki sa kapwa lalaki. Para hindi na kayo malito,basahin niyo ang mga sumusunod. Hindi ito galing sa kabarkada mo, kuya mo, tatay mo o kung sino mang lalaking nagmamagaling at nagsasabing kilalang kilala na nila ang mga babae... galing ito sa isa mismong babae.


Hindi ko sinasabing lahat ito ay totoo, meron kasing mga pagkakataong yung babaeng iyon ay "kakaiba". Sila ang exemption to the rule. Pero sa nakararami, eto ang totoo. Ililista ko ang mga maling detalyeng inaakala mong tama tungkol sa mga babae.


#1


Hindi totoong ang "ultimate dream" namin ay ang makahanap ng taong magmamahal sa amin. Marami kaming ultimate dreams, isa dito ang magkaroon ng libo-libong sapatos, damit at make-up. Pati na rin ang makain ang lahat ng masasarap na pagkain sa buong mundo ng hindi kami tumataba.


#2


Hindi totoong mahirap kaming intindihin. Masyado ka lang literal mag-isip. At hindi ito nakakatulong dahil karamihan sa amin ay sarcastic. Sa totoo lang, *at maraming magdedeny nito* karamihan ng mga sinasabi namin hindi talaga yun ang gusto namin. Kapag sinabi naming "Sige, mambabae ka lang wag kang magpapahuli sakin." HINDI ibig sabihin nun na OKAY LANG MAMBABAE.


#3


Kapag kami nagmahal, binibigay namin LAHAT as in LAHAT LAHAT. Ultimo pera namin binibigay namin... Oo, para din kaming bakla.


#4


Taliwas sa inaakala pero mas magaling magsinungaling ang mga babae kesa sa lalaki. Mas magaling kaming magtago ng sikreto.... basta tungkol ito sa amin.


#5


Hindi talaga namin hobby mang-away.... maniwala ka man o hindi. Pero mahirap lang talaga para sa amin na hindi pansinin ang mga bagay na paulit-ulit na ginagawa.


#6


Gusto naming nagseselos ka, pero ayaw naming pinagseselos mo kami. Hindi talaga nakakatuwa kapag nakikipagtext ka pa sa ex mo. Kahit ano pang maayos na dahilan, hindi siya nakakatuwa. Madali namang intindihin yun di ba?


#7


Hindi namin naappreciate kapag pinupuna mo ang kahit ano sa katawan namin... maliban kung papuri ito. Kung hindi ito papuri, gumawa ka ng paraan kung paano mo masasabi ito ng maayos... yung maayos na maayos. Pero mag-ingat ka dahil baka naman mapansin namin na "You're trying to be nice".


#8


Never reject, maging gentleman ka. Kapag may babae kang nireject dahil tingin mo hindi siya maganda... iisipin ng sampung babae na kakilala niya na masyado kang mayabang. At iisipin ng sampung babaeng kilala ng sampung babaeng kilala niya na mayabang ka rin. Kakalat ito at hinding hindi ito makakatulong sa imahe mo.


#9


Kapag hindi siya tumawag after ng isang date, tawagan mo siya. Bihira ang babaeng unang magpaparamdam matapos makipagdate. Kapag tumawag siya, hindi ibig sabihin na patay na patay na siya sa iyo. Tumawag siya dahil nagustuhan ka niyang kasama. Wag ka mag-feeling agad.


#10


Mas magaling kaming manloko. Alam namin kapag nagsisinungaling ka. Niloloko ka lang namin na naniniwala kami.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei