Thursday, September 15, 2011
Bitter Kung Bitter!
Para sa mga taong nagsasabi sa akin ng "wag kang bitter" doon sa mga taong gumawa ng masama sa akin.... eto lang masasabi ko, "GAGU BA KAYO?!"
Ano bang masama sa pagiging bitter? Mas okay ba kung magkukunwari akong "ok lang ako" eh sa hindi naman talaga? Mas matatanggap niyo ba kung sasabihin ko sa kanya, "I'm happy for you." kung ang gusto ko naman talaga sabihin eh "P*tang ina mo, gagu!"
Bakit hindi pwedeng maging bitter? Bakit kailangan ng pagiging "civil" sa mga taong hindi naman naging "civil" sa akin? Hinde. Hinde ko gustong mag-"wish for the best" eh. Kasalanan ba yun?
Huwag na huwag mong iisipin na masamang magalit sa mga taong gumawa ng masama sa iyo. Kaya nga tayo binigyan ng kakayahan na magalit e para magalit di ba? Wag na wag kang magkukunwari na okay ka lang. Kung gusto mo siyang murahin, gawin mo.
Kung alam mong kasalanan niya, ipamukha mo sa kanya. Kaya maraming taong umaabuso kasi lahat tayo iniisip na dapat tayong maging "civil", dapat wag tayong magmukhang "bitter:, dapat wag tayong bababa sa level niya. Ano tuloy nangyayari? Namimihasa sila.
O gagu. Ganyang kaisipan ang nagpapahamak sa mundo, sumisira sa pamilya, nangwawasak ng relasyon. Pwede ba? Matuto tayong magbigay ng tamang reaksyon na tinatawag ng pagkakataon. Walang masama sa pagiging bitter o sa pagiging galit... Isipin mo na lang, mas mabilis mawala ang amoy ng taeng nahahanginan sa labas kesa sa taeng kulob.
Mula dito ang larawan.
Categories
Inidoro
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
likey! :)
panalo 'to.
"O gagu. Ganyang kaisipan ang nagpapahamak sa mundo, sumisira sa pamilya, nangwawasak ng relasyon. Pwede ba? Matuto tayong magbigay ng tamang reaksyon na tinatawag ng pagkakataon. Walang masama sa pagiging bitter o sa pagiging galit... Isipin mo na lang, mas mabilis mawala ang amoy ng taeng nahahanginan sa labas kesa sa taeng kulob."
Post a Comment