Thursday, September 15, 2011

Bida at Kontrabida: Ano ka ba talaga?

Posted by PinkManure at 11:15 AM




Hindi kasalanan ng iba kung mas maganda sila sa iyo.


Maligo ka kasi.




Hindi kasalanan ng iba na mas matalino sila sa iyo.


Mag-aral ka kasi.




Hindi kasalanan ng iba kung mas magaling sila sa iyo.


Mag-isip ka kasi.


Ugali na nating lahat na pintasan, laitin o kainisan ang mga tao na hindi natin katulad. 


Kapag mas maldita siya, maiinis ka dahil masama siya. Kung mas mabait naman siya, pakiramdam mo nakikipagplastikan lang siya. Andyan pa yung mga birit na, "Kung ako kasi yun..." Yun na nga eh... HINDI KA KASI YUN, KAYA MANAHIMIK KA.


Hindi porket na mas magaling siya sa iyo at sinasabi niya sa iyo kung ano ang tama, e nagmamagaling o nagyayabang na siya. E sa bobo ka't hindi mo naisip yun, masama na bang itama yung ginagawa mo?


Minsan pride na lang natin ang pumipigil sa atin na tanggapin na may mas tama sa atin, na meron pa palang mas "okay" sa atin. Mas lalong mahirap tanggapin na yung taong mas higit pala sa atin ay yung taong inisip nating mas mababa sa atin. Yung empleyado natin, nakababatang kapatid, tambay sa kalye.


Hindi natin matanggap dahil para sa atin, tayo ang bida. Tayo naman talaga ang bida ng sarili nating istorya... pero minsan sa sobrang gusto nating maging bida, hindi natin namamalayan na nagiging kontrabida na pala tayo sa buhay ng iba.


Mula dito ang larawan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei