Kilala niyo ba si Lilith? Hindi siya yung kapit-bahay niyo o yung babaeng laging nagtitext sa asawa mo.
Ayon sa bible, isa siyang demon. Isa siya sa mga “unclean” animals. Pero ayon sa iba, si Lilith ang unang asawa ni Adan (Adam)… hindi si Eba (Eve). Kung tutuusin pala, hindi pala dapat “Adam and Eve”.
Sino ba si Lilith? Hindi tulad ni Eba, ginawa siyang kapantay na kapantay ni Adan. Hindi siya nagmula sa tadyang ng lalaki dahil ginawa siya mula sa abo na pinaggawan ni Adan. At noon pa man, natural na sa lalaki na naising mas maging malakas o maging pinuno sa kanilang dalawa kaya’t ninais ni Adan na maging mas makapangyarihan sa kanila.
Hindi ito sinang-ayunan ni Lilith kaya tulad ng ibang magkasintahan, nagkaroon sila ng Lover’s Quarrel. At katulad din ng sa ibang relasyon, kapag nag-aaway ang dalawa, umaalis ang babae para mag-isa… at ang lalaki’y hahanap ng iba.
Ginawa ng Diyos si Eba… at upang maiwasan ang nangyari kay Lilith at Adan, ginawa niya si Eba mula sa tadyang nito. Kaya, oo… nung sinaunang panahon pa lamang pinamumukha na satin na mas mababa ang babae sa lalaki.
Bakit hindi binanggit na naging mag-asawa si Lilith at Adan sa bibliya? Hindi ko alam ang tunay na dahilan ngunit malamang ito ay dahil sa “male domination” na usong-uso noon.
Kapag nalaman ng mga babae na, “OO. PWEDENG LUMABAN SA LALAKI.” ano na lamang ang mangyayari sa mga ginagawang “king”doms noon? Sa mga lupaing hindi kahit kailan man maaring pamunuan ng mga babae? Kapag nalaman ng mga babae iyon, maagang matatapos ang power trip ng mga kalalakihan.
Mula dito ang larawan.
0 comments:
Post a Comment