Ito ang pinakanakakainis na linya naririnig ko sa mga lalaki.
"Sorry, hindi ko naman sinasadya."
Sa tuwing sinasabi sa akin ito, nag-iinit agad ang ulo ko at lalo akong nagagalit.
Bakit ba nagsosorry ang isang tao at laging ang kasunod nito ay hindi niya sinasadya? Bakit ka pa nagsorry kung hindi mo naman pala aaminin na may mali ka?
"Sorry honey nambabae ako."
"Sorry nagkamali ako ng pinili."
"Sorry kasi hindi ko alam na masasaktan ka."
"Sorry pinagpalit kita."
"Sorry naghanap ako ng iba."
Masyadong inaabuso ang "sorry, hindi ko sinasadya."
Bakit? Hindi mo ba sinasadya na mamababae? Wala ka bang choice?
Hindi mo ba sinasadya na ipagpalit o humanap ng iba? Wala ka bang choice?
Hindi mo ba alam na masasaktan siya kapag ginawa mo yun? Paano mo nasabing hindi mo sinasadya?
Gagu.
Monday, September 12, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment