Friday, September 16, 2011

Wala Na Kong Maramdaman

Posted by PinkManure at 11:16 AM
Lahat ng bagyo ay humuhupa. Lahat ng apoy ay nauupos. Lahat ng hininga ay nalalagot. Lahat ng bagay... ay may katapusan.


Kahit gaano kainit ng pagmamahal o kilig na nararamdaman mo para sa isang tao... darating ang araw na mawawala iyan. Kung hindi ka naniniwala dahil may mga nasaksihan ka ng relasyon o nasa isa kang relasyon na kahit sa tinagal-tagal na ay buhay na buhay pa rin ang "alab ng pag-ibig", pero maaring gusto mong itanong sa kanila o sa sarili mo kung kahit kailan ba ay hindi nawala iyon.


Isang punto sa relasyon mo, mawawala ang mga pampelikulang eksena, pangteleseryeng mga linya. Darating ka sa punto na maiisip mo na, "Eto na ba yun? Ganito na lang ba yun?" At hindi ito nararamdaman habang nagkakagulo o nag-aaway kayo. Madalas maitatanong mo toh kapag super steady kayo, sobrang saya na namamanhid ka na.


Hindi lang sakit ang nakakapagpamanhid sa tao. Minsan pati ang saya at ligaya nagpapamanhid din... madalas mas delikado pa ang ganitong pagkamanhid. Dahil di tulad ng namanhid sa sakit, dahil madaling gawin ang "change for the better". Mahirap maghanap ng mali sa isang relasyong perpekto sapagkat ang mali dito ay ang pagiging masyadong perpekto nito.


Bakit may mga relasyong nagtatagal? Hindi ibig sabihin nito na hindi namatay ang init sa pagitan nilang dalawa ni minsan sa buong buhay nila... kaya sila nagtagal ay dahil pinaghirapan nilang buhayin ito muli. At hindi lahat ng tao ay may kakayahan o lakas ng loob na buhayin ang apoy mula sa abo. Maraming tao na kapag nakitang halos wala ng natira sa apoy ay aalis na at hahanap na lamang ng bagong panggatong.


Tama o mali?

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei