Friday, September 9, 2011

Kahit maraming kupal sa mundo, masarap pa ring maging babae.

Posted by PinkManure at 3:36 PM
Alam kong madalas sinasabi kong mahirap maging babae pero sa totoo lang, kahit talaga namang may di pagkakapantay ang babae at lalaki; at kadalasan dehado ang babae, may mga pagkakataon naman na masarap maging babae. Aminin natin, minsan may mga privileges pa rin ang mga babae.


  • Kapag wala kang trabaho, hindi iisipin ng mga tao sa paligid mo na tamad ka. Tinuturing ng maraming tao na trabaho ang pagiging "housewife" mo. At isa itong napakarangal na trabaho.
  • Mas maraming uri ng damit at sapatos na pwede sa iyo. Higit sa lahat, mas mura sila dahil mas kaunti ang telang ginagamit sa mga ito. Bukod pa dito, pwede mong isuot ang damit ng lalaki at magmukha pa ring babae.
  • Pwede kang magpunta/magtrabaho sa gym ng hindi ka nagmumukhang tomboy. Samantalang hindi pwedeng magpunta/magtrabaho sa parlor ang isang lalaki ng hindi nagmumukhang bading.
  • Kapag nagtrabaho ka ng trabahong panlalaki, astig ang tawag sa iyo. Ibang iba sa kaso ng lalaki.
  • May karapatan kang gastusin ang sweldo ng ibang tao.
  • Pag gusto mong umabsent, pinakamagandang alibi na  ay "Dysmenorrhea"

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei