Sunday, September 11, 2011

Ayokong Kumain ng Tae.

Posted by PinkManure at 3:40 PM
Naniniwala ka ba na "love is sweeter the second time around?"


Ako. Hindi.


Sige, depende pala ang tamang sagot. Pero hangga't maari hindi ako maniniwala.


Siguro sa iba nagwowork pero sa akin, hindi dahil hindi ko pa rin naman sinusubukan. Kaya siguro kung naniniwala ka diyan, wag mo ng basahin ito dahil mag-aaway lang tayo. Pero sa mga nakakarelate, pakibasa ang mga dahilan ko.


Hindi ako naniniwala dito dahil mahal ko ang sarili ko. Wala akong sinasabing ang mga nakikipagbalikan sa mga hiniwalayan nila o nang-iwan sa kanila ay walang pagmamahal sa sarili. Siguro likas lang ang pagiging duwag ko, pero para sa akin, walang saysay ang makipaghiwalay sa taong babalikan mo rin sa hinaharap.


Ayokong magbigay ng isa pang pagkakataon. Take it or leave it. Walang rewind ang buhay. Walang second chances. Hindi ako Diyos para mamigay nito. Pinakawalan mo, hindi pwedeng balikan mo. Nasa iyo na ako noon iniwan mo pa. Hindi mo alam na mahalaga pala ako? Tanga ka kasi hindi mo naisip yun.


Hindi ko ipapadanas ulit sa sarili ko ang naranasan ko sa isang tao... at hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na iparanas ulit iyon sa akin. Kapag ginawa ko yun, parang sinampal ko sa sarili ko lahat ng iniyak ko, lahat ng luha ko, lahat ng sakit.


Parang kinain ko ulit yung itinae ko na.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei