Wednesday, September 21, 2011

Ang pagbubuntis ay para sa dalawang tao...

Posted by PinkManure at 8:23 AM




Ang ina ang nagdadala ng bata sa sinapupunan niya. Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang responsibilidad sa bata ay nakapatong lamang sa mga balikat niya.


Hindi ko rin maintindihan kung bakit may mga lalaking nang-iiwan ng mga babaeng nabuntis nila. Hindi ba sinasabi nila na hindi kayang matiis ng magulang ang anak, ibig sabihin ba hindi ito totoo?


Siguro meron lang talagang mga lalaking hindi kayang maging magulang agad. Siguro hindi pa lang talaga sila handa magkaron ng ganoon kabigat na responsibilidad. Sana may matinong dahilan. Sana may maisasagot sila sa anak nila kapag lumaki ito at tinanong sa kanila kung bakit hindi nila ito kinayang panindigan.


Ang hirap alisan ng galit ang post na ito, ngunit I promise I will try my best.


Para sa mga babaeng iniwan ng nakabuntis sa kanila:


Mahirap sigurong paniwalaan to, pero maswerte ka pa rin. Bakit? Isipin mo na lang, "You don't need another asshole in your life."


Sad to say pero dinidiscourage ko ang mga taong nagpapakasal LANG dahil sa nabuntis ang babae. Ang pagpapakasal ay isang mabigat na desisyon. Minsan kasing bigat pa nga ito ng desisyon na pagkakaroon ng anak Lalo na para sa mga batang nabubuntis, wag kang magpapakasal dahil lang sa mahal mo siya ngayon. Dahil madalas kapag bata ka, nabubulag ka sa pagmamahal. Siguro ngayon kilig na kilig ka sa kanya... pero bukas hindi ka sigurado kung ganyan pa rin ang mararamdaman mo. 


At kung kasal ka na sa kanya, wala kang magagawa kahit pa sukang-suka ka sa mukha niya.


Wag kang maniwala sa mga taong nagdidikta sa iyo na dapat mong pakasalan ang nakabuntis sa iyo. Hindi ito totoo. Ang totoo, ang dapat mong pakasalan ay yung taong kaya mong makasama habang buhay. Hindi tulad sa ibang bansa na ang pagpapakasal ay isang sugal na kapag natalo ka'y maari kang bumawi at tumaya muli,  sa Pilipinas ito ay isang sugal na walang bawian. Ipupusta mo ba ang buhay mo at ng anak mo dahil lang sa magaling siyang kumanta, malambing siya o maganda ang mata niya? 


Hindi ka niya gustong panagutan? Wag kang maghabol. Bakit? Para saan? Hindi ba't lagi nating sinasabi na "wag pilitin ang ayaw"? Gawin mo yun dito. HINDI MO ITO KAWALAN. Bitter ba? Hindi, totoo lang talaga ito.


Bakit hindi mo kawalan? Meron kang isang kakampi na hinding hindi mawawala sa iyo-- iyang anak mo. Palakihin mo siyang mabuti at turuan mo siyang wag magalit sa tatay niya dahil kung di dahil sa tatay niya, wala kang isang magandang regalo na hindi mo alam, sa hinaharap pala'y siyang makakatuklas sa gamot sa AIDS o makakaimbento ng time machine.


May mga babae na pakiramdam nila kapag iniwan sila ng tatay ng anak nila ay hindi nila kaya. Masyadong mahirap magpalaki ng anak at lalo pa itong mas hihirap kung mag-isa ka. Pero hindi ba mas mahirap magpalaki ng isang bata at isang nag-iisip bata? Hindi ba mas mahirap na habang nagpapalaki ka ng anak mo, meron kang asawang sinisisi ka sa pagkasira ng buhay niya na para bang binuntis mo ang sarili mo?


Para sa mga lalaking nakabuntis at nang-iwan ng mga anak nila:


P*tang ina niyo.


Mula dito ang larawan.

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei