Saturday, September 10, 2011

Isang Araw...

Posted by PinkManure at 3:22 PM
Isang araw, magmamahal ako ng iba at lahat ng kakornihan na sinabi ko sayo noon gaya ng, "Hindi ko kayang mawala ka." ay pagtatawanan ko na lang.


Isang araw, mawawalan ako ng gana na kausapin ka. Hindi ko na iisipin pa na tawagan ka. Hindi ko na gugustuhing marinig ang boses mo.


Isang araw, hindi na ko maiiyak sa tuwing naririnig ko ang pangalan mo o makakakita ako ng taong kamukha mo at kahit ng damit na katulad ng iyo.


Isang araw, hindi na ako makakarelate sa bawat isang kanta na maririnig ko sa radyo.


Isang araw, makakakita ako ng ibang lalaki na magmamahal sakin kung paano ko gustong mahalin ako. At hindi sasayangin ang pagmamahal ko.


Isang araw, magigising na lang ako na hindi na ko nasasaktan.


Isang araw, wala na kong mararamdaman.

2 comments:

Anonymous said...

Love it ;)

Anonymous said...

Parang kanta ni Nina na "Someday" :D

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
 

Pink Manure Copyright © 2010 Design by Ipietoon Blogger Template Graphic from Enakei